Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Price of Pleasure (Hooker Series 12)

Price of Pleasure (Hooker Series 12)

“Puri ko lang ang binili mo, Mr. Alcantara, hindi ang buong pagkatao ko! Kung gusto mo akong matikman ulit, magbayad ka!” - Grapes Paloma. Isang ordinaryong waitress sa isang Bar si Grapes Paloma ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ang nanay niya at kinakailangan niya ng malaking halaga pampa gamot dito. Sa sobrang desperado niyang maduktungan ang buhay ng ina ay tinanggap niya ang offer ng manager ng Bar na si Madam Lynette na ibenta ang kanyang pagka-birhen sa isang auction sa halagang twenty million ngunit ang isang gabing pakikipagniig sa isang gwapong mayamang estranghero ay nag-iwan ng matinding dagok sa kanyang puso at puri. Sa sobrang pagkasuklam dahil sa panloloko sa kanya ng manager ng Bar at sa pandidiri niya sa sarili niya ay umalis siya sa Bar na pinapasukan at nagtrabaho sa Mariposa Strip Club bilang stripper ngunit kaagad siyang ipinahanap ng lalaking pinag-alayan niya ng kanyang pagka-birhen dahil hindi nito makalimutan ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Mahanap kaya ng bilyonaryong si Neil Patrick Alcantara ang kanyang pinakatatanging si Grapes?
Romance
10877 viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

gurlxmilo
Kwento ito ng dalawang tao na kung saan ay magtatagpo sila ng landas dahil lang sa isang dare na naganap. Si Raine ay walang ibang iniisip kundi ang makaahon sa kahirapan upang makabawi sa kaniyang pamilya ay binuhos jito ang kaniyang atensyon sa pamilya ngunit niloko siya ng kaniyang nobyo. Wala na ulit sa isip niya na pumasok ulit sa relasyon ngunit. Isang araw ay bigla na lang siyang kinuha ng isang lalaki na lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaki palang kumuha sa kaniya ay hindi isang mabuting tao.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
378 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm a slave for you

I'm a slave for you

Maagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mundong ginagalawan ay pipilitin niyang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Si Vincent Truins ang kaisa isang anak at tagapagmana sa kanilang pamilya, nabuhay sa luho at karangyaan. Dulot ng isang madilim na nakaraan ay hindi niya magawang magtiwala sa mga taong nasa paligid niya. Naniniwala rin siyang pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya dahil sa kanilang estado sa buhay. Anong mangyayari kung magkrus ang landas ni Celina na nais tuparin ang kanyang mga pangarap sa ikalawang pagkakataon at ni Vincent na walang ibang nais kung hindi ang magpakaligaya.
Romance
1012.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
WET, WILD, AND HOT NIGHT WITH A STRANGER

WET, WILD, AND HOT NIGHT WITH A STRANGER

ISANG gabing pagkalimot katumbas ay habang-buhay na salimoot. Iyan ang nangyari kay Samantha Valderama. Anak mayaman ngunit dahil sa isang pagkakamali ay itinakwil siya ng buong pamilya. Nabuntis siya ng isang lalaking hindi naman niya kasintahan. Tinanggap niya ang lahat dahil sawang-sawa na siya sa pagmamakaawa at pamamalimos ng pag-ibig mula sa mga taong malalapit sa kaniya. Sam Colt Cohen isang matapang na alagad ng batas. Ngunit aminadong walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig dahil buong buhay niya ay ibinuhos sa paninilbihan sa bayan. Kaya't nang umuwi para sa kasal ng matalik na kaibigan na kabilang sa Denmark Monarchy ay nagising na lamang siyang may katabing magandang dalaga.
Romance
244 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status