Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Lover is a Mafia Boss

My Lover is a Mafia Boss

Akala ko simpleng gabi lang ‘yon. Pero isang sulyap sa kanya—at tuluyan nang nagbago ang mundo ko. He’s the kind of man everyone fears—cold, powerful, dangerously irresistible. CEO sa umaga, mafia boss sa gabi. Isang titig pa lang, alam kong delikado siya. Pero paano kung ‘yung panganib na ‘yon ang siya ring nagbigay-buhay sa’kin? Sabi niya, “Stay away.” Pero sa bawat halik, bawat haplos, lalo lang akong nilalapit sa kanya. Sa mundo niya, walang puwang ang kahinaan. Pero sa piling niya, natutunan kong minsan, ang pag-ibig mismo ang pinakamapanganib na armas. Sa mata ng iba, isa siyang halimaw—walang puso, walang awa. Pero ako lang ang nakakakita ng lalaking may sugatang kaluluwa, na marunong magmahal kahit mali, kahit masakit. Ngayon, nahulog na ako nang tuluyan. At alam kong wala nang balikan. Dahil sa puso ng isang mafia boss, pag pag-ibig ang pinag-usapan… wala nang ligtas. “My Lover Is a Mafia Boss” — isang dark romance na puno ng pagnanasa, lihim, at pag-ibig na handang lumaban kahit sa dilim.
Romance
134 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

"Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

Si Violet Rodriguez, isang masayahin at madiskarteng dalaga, ay may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nagpasya siyang magtrabaho bilang babysitter, kung saan nakilala niya ang iba't-ibang tao, kabilang na ang bilyonaryong si Black at ang kanyang anak. Sa kanyang pagtatrabaho, hindi lamang ang puso ng bata ang kanyang napaamo, kundi pati na rin ang puso ng ama. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay muling nagulo nang dahil sa mga taong nag hahabol sa kayamanang meron si black Sa gitna ng mga pagsubok, pagtatangka sa kanyang buhay, at mga lihim na nabubunyag, natagpuan ni Violet ang pag-ibig kay Black. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi naging madali, lalo na nang dumating ang mga taong gustong silang paghiwalayin at gamitin sila para sa kanilang sariling interes. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig at katotohanan kung ang kanyang iniingatang pamilya ay nadamay sa isang brutal na paghihiganti? Makakamit ba niya ang hustisya para sa pamilya, at maabot ang kapayapaan at kaligayahan na matagal na niyang hinahanap?
Romance
154 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Pet Nanny

His Pet Nanny

Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?
Romance
108.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
RARE LOVE

RARE LOVE

Sa pag-aaral nakatuon ang buong atensiyon ni Mikaella. Ginagawa ang lahat ng makakaya mapanatili lamang ang matataas na marka. Ngunit, sa isang iglap magbabago ang lahat. Nakilala niya ang anak ng may ari ng university na kanyang pinapasukan. Hindi ito ang lalaking dapat na ginugusto, subalit sa tuwing sila'y magkakatagpo ay hindi niya mapigilan ang pagdagundong ng puso!
YA/TEEN
109.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
691 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love beyond the gilded cage

Love beyond the gilded cage

Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
Romance
10490 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Aljand Falcis (Wild Men Series 41)

Aljand Falcis (Wild Men Series 41)

Precious Jasmin
Ruthless... Silent... Deadly... These are only three things Aljand Falcis is known for. Wala siyang pakialam kung kamuhian siya ng maraming tao. Wala siyang pakialam kung marami siyang maging kaaway dahil sa pag-uugali niya. Ayon sa kaniya, 'The more, the merrier. Keep them coming, shitheads!' After Project 102, Aljand joined Foedus Corporation. He took the oath, and breathed its principle—blood and loyalty. He'll make sure that the Project 102 incident won't happen again. Kung kailangang maging matigas ang puso niya, he'll gladly be the strictest mafioso he could ever be. Pero paano niya magagawa 'yon kung makita niya lang si Tattiene Casabar ay automatiko nang lumalambot ang puso niya? He doesn't know why his heart always makes a somersault whenever this ambitious and eccentric woman is around. And to make it worse, binabagabag naman ng babae ang utak niya sa tuwing hindi niya ito nakikita. What is he supposed to do? Falling in love with a woman is never on his priority list. Avenging is all that he cares about. Or is it?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1112131415
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status