Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Governor's Identity

The Governor's Identity

Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawigan ng Laguna lalo na ang mga tagong lugar at hindi nabibigyang pansin ng ibang nasasakupan. Sa dami ng death threats, kaaway, kalaban niya sa loob ng pulitika ay hindi niya ito pinapansin at binibigyang oras. Para sa kanya ay unti-unti rin itong mawawala at mananawa ang ibang taong gusto siyang mawala. Sa loob ng ilang taon niyang pagtutok para sa bayan at sa tingin niya ay tahimik na uli ang mundo at puso niya pero muli itong naging magulo nang makita niya ulit ang babaeng umalis sa tabi niya limang taon na ang nakalipas. Walang iba kundi ang babaeng minahal niya, si Alira Rain Gonzales. Ang babaeng iniwan siya limang taon ang nakalipas.
Romance
6.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

“Minsan, sa pinaka-wasak na puso, doon pa pumipili ang pagmamahal.” Akala ni Celeste ay siya na ang pakakasalan ng lalaking minahal niya ng buong puso. Pero sa harap mismo niya, ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan. Masakit. Nakakahiya. Nakakawasak. She lost everything—her love, her trust, and herself. Pero sa gitna ng pagbagsak niya, isang lalaking hindi niya inaasahan ang dumating: Eliandro Velasquez—cold, mysterious, at isang powerful businessman na desperado ring maghanap ng mapapangasawa para sa isang kontratang kailangang masunod. Isang kasunduan. Isang papel. Isang fake marriage for 30 days. Walang puso. Walang damdamin. Walang commitments. Pero paano kung habang tumatagal, hindi na peke ang nararamdaman nila? Dahil minsan, kahit ang pusong akala mong hindi na para mahalin… May nakatakdang magmahal muli.
Romance
233 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Hot Summer with the Billionaire

One Hot Summer with the Billionaire

Matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, nagpasya si Iya na lumayo at magtungo sa isang island resort upang pansamantalang kalimutan ang sakit na iniwan ng lalaking minahal. Inasahan niyang ang tunog ng hampas ng alon at ang init ng araw ang magiging lunas sa sugatan niyang puso. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa resort na iyon, nakilala niya si Troy — isang gwapo at misteryosong estranghero na may kakaibang dating. Hindi pa sana siya handa sa presensiya ng lalaki. Ngunit paano niya tatanggihan ang init na dala nito sa kanyang puso at buong sistema? And with his one look and soft touch, Iya’s summer heat turned into fire. Hanggang sa halos gabi gabi na niyang natatagpuan ang sarili sa kanlungan ng lalaking maging pangalan ay hindi niya kilala.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo kung ang isip at puso mo 'ay gusto ng sumuko dahil sa mga taong gustong humadlang para lumigaya kayo? Gabriel Alarcon, a spoiled son. Bata pa lang siya 'ay lumaki na siya sa marangyang buhay, ngunit sa kabila ng lahat 'ay hinahanap-hanap pa rin niya ang alaga ng isang Ina na kailan man 'ay hindi niya naranasan. Tanging mga kasambahay at ang ama, kasama na ang Lola niya ang kasama niya sa buhay na lahat 'ay binibigay para sa kanya. Jenny Alipio, is a simple girl. Pangarap lang ay makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral 'ay sapat na. Dahil sa pangarap na 'yon ay makikilala niya si Gabriel na pagsisimulan ng lahat-lahat nang Saya at lungkot. Handa ka na bang magmahal at masaktan?
YA/TEEN
10.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Touch on my Heart

A Touch on my Heart

Asher Faith Villonio is a woman who had to go through with any jobs just to earn for her family and for her to reach her dreams, even if these jobs mean to lose her dignity. She has no time for a relationship and love... but everything changed when Jake Valenzuela, a Mafia heir, came into her life. Binili ni Jake Valenzuela si Asher Villonio para maging kanyang personal escort sa loob ng isang buwan. Sa loob ng ilang araw na sila ay magkasama at sa ilang pagtatalik na kanilang pinagsaluhan, ang kanilang puso'y nagtagpo sa isang pagmamahalang hindi inaasahan. Sumugal si Ash kahit na alam niyang maaari siyang masaktan, at tama nga siya. Jake has made a mistake that broke Ash's heart. Will she forgive Jake for what he has done and welcome him on her life again? Or won't she let the man that has touched her heart once touch it again?
Romance
106.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Beautiful Mistake

Beautiful Mistake

iammasteryel
Si Sunshine Bernardo, naging broken hearted dahil iniwan siya ng kanyang boyfriend at pinagpalit ito sa pangarap. Makikilala niya si Patrick Raveno, guwapo, pero kagaya niya ay iniwan rin ito ng kanyang girlfriend at ipinagpalit sa ibang lalaki. Pero isang pagkakamali ang nangyari. Nagising na lang sila isang umaga na magkatabi na pala sa kama at tanging kumot lang ang suot na meron sila. Dalawang taong sawi sa pag-ibig, pinagtagpo sa di inaasahang pagkakataon. Ano nang gagawin nila? Dito na ba kaya magsisimulang mabuong muli ang dating nabasag na mga puso? O mas dudurugin pa nito ang kanilang mga damdamin dahil sa katotohanang may namagitan na sa kanilang dalawa kahit hindi pa nila kilala ang isa't isa? Posible nga kayang magka-gusto ka sa isang taong di mo pa naman lubos na nakikilala?
Romance
4.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
Romance
7.71.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Ang boyfriend ko ay itinuturing na prince charming sa aming social circle, ngunit sa selebrasyon ng kaarawan ko sa isang yate, tinulak niya ako sa dagat para lang magpakitang-gilas sa isa pang babae mula sa aming university, pinagtawanan nila ang takot ko sa tubig. Lingid sa kaalaman niya, mayroon akong aquaphobia. Dahil dito, sinugod ako sa ICU habang nagawa naman niyang makuha ang puso ng campus belle. Noong nagising ako, nasa tabi ko siya at humihingi ng kapatawaran, ngunit wala akong ideya kung sino siya. “Pasensya na, kilala ba kita?” Tanong ko, takang-taka ako. Pinaliwanag ng doktor na nawala ang ibang alaala ko. Subalit, patuloy niyang ipinagpilitan na siya ang boyfriend ko. Hindi ko napigilang makipagtalo sa kanya. “Imposible! Si Raleigh Landon ang boyfriend ko!” Alam ng lahat na si Raleigh Landon ang pinakamumuhian niyang kaaway.
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4041424344
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status