Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound To Be Allejo's Wife

Bound To Be Allejo's Wife

Apat na buhay, kapalaran at katauhan magtatagpo dahil sa isang masalimuot na nakaraan. Nakaraan na siyang magdadala sa kanila sa iba’t ibang uri ng sitwasyon na tiyak paglalaruan ang kanilang mga isip, emosyon at damdamin. Na ang tanging kahahantungan ay ang maraming mga katanungan na hindi rin nila mapagtanto at matagpuan ng tuwiran ang mga kasagutan. Tatlong babae Kriss, Xonnia at Lilac, iikot ang mundo nila sa isang lalaki sa ayaw man nila o gusto. Will they make them him back to his old self or will they lose control as they lose themselves? Paano nga ba magtatagpo ang kanilang mga landas? Magiging literal na magkaaway at mag karibal nga ba sila o magiging isa ang kanilang hangarin? Hangarin na lunasan at gamutin ang puso ng panganay na anak ni Don Allejo na walang iba kundi si Juno.
110 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as bukas na aklat
Read
+Library
Saved By The Marriage

Saved By The Marriage

Tanging ambisyon lamang ang mahalaga para kay Sayna Astrid Reyes. Bilang lumaki na mag-isa, wala siyang ibang hangarin kundi matupad lamang ang kanyang pangarap na maging tanyag sa lahat. Alam niya sa kanyang sarili na hindi katulad ng isang fairy tale ang takbo ng kanyang buhay kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig. She doesn't even value marriage. Ngunit kailangan niyang magpakasal kay Enver James Servencio, the Servencio Prince himself, isang troublemaker at spoiled na anak ng kanyang boss na nasangkot sa isang malaking eskandalo. Kapalit na makuha ang pangarap niya na makamit ang pinakamataas na pwesto sa kompanya, papakasalan niya ang lalaking hindi naman niya lubos na kilala para malinis ang reputasyon nito. Hanggang saan aabutin ang kasalan na hindi naman binuo nang pagmamahalan?
107.0K viewsOngoingAdded to Library 147 Times as bukas na aklat
Read
+Library
The Triple Crown's Treasure

The Triple Crown's Treasure

Sa edad na 21, biglang gumuho ang mundo ni Cherry. Ibinenta siya ng mga sakim niyang kamag anak. Ang nakabili sa kanya? Walang iba kundi ang mayaman at makapangyarihang head ng San Miguel family. Si Cherry ay isang passionate na writer at painter, ito ang mismong trabaho niya kung saan siya kumikita at nabubuhay. Pero para magkaroon ng kakaiba at nag liliyab na inspirasyon sa mga sinusulat niyang bestseller erotic novels at mga paintings, secret habit niya ang makipag one night stand sa mga total strangers. Ang bago at tahimik niyang buhay ay biglang magugulo nang makilala niya ang kanyang tatlong bagong stepbrothers. Sila ang tatlong bilyonaryong tagapagmana na may hawak din sa madilim na mundo ng underground syndicate. Pero may isang malaking sikreto na hindi alam ng stepfather niya, bago pa man sila naging magkakapamilya, nakasama na ni Cherry sa kama ang bawat isa sa kanila sa magkakaibang oras at lugar! Habang sinusubukan ni Cherry na mag focus sa trabaho at sining niya, unti-unting masisira ang boundary nila bilang "magkakapatid." Nang malaman ng tatlong magkakapatid ang secret habit niya, magsisimula ang isang selos at nakababaliw na obsesyon. Dito na malalaman ni Cherry ang totoong dahilan. Hindi siya inampon dahil sa awa. Dinala siya sa pamilyang ito para maging sentro ng mundo ng tatlong magkakapatid. Sa piling ng isang stepfather na nagbubulag bulagan lang at sa higpit ng kapit ng tatlong gwapo at mapanganib na heirs, malulunod si Cherry sa karangyaan at bawal na pag ibig. Mapanganib ang mundong ito pero para sa isang artist na naghahanap ng wild na inspirasyon, baka ito na ang kanyang ultimate masterpiece.
1094 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as bukas na aklat
Read
+Library
Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

SPG/ R-18+ Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
10104.5K viewsCompletedAdded to Library 2.2K Times as bukas na aklat
Read
+Library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
4.0K viewsOngoingAdded to Library 92 Times as bukas na aklat
Read
+Library
The Billionaire’s Playmate

The Billionaire’s Playmate

"Maid ako ng Billionaire fiancè ko!" Dahil sa pagpupumilit ng ama ni Tangi na mag-asawa na siya ay dumating ito sa punto na ito na mismo ang naghanap ng lalake para sa kaniya. Si Rozzean Cyron Valleje. Isang kilalang negosyante, bilyonaro at talagang maganda ang imahe nito sa kaniyang ama. Dahil wala sa isip niya ang pag-aasawa at masaya na siya sa buhay niya ay nagkaroon siya ng plano. Kailangan niyang makita ang pangit na ugali ng lalake upang mapatunayan sa kaniyang ama na mali ito. Sinabi nito na kapag napatunayan niya mismo na masama at babaero si Rozzean ay papayag na ito sa lahat ng gusto niya. Kaya't ang ginawa ni Tangi ay pumasok siya sa mansyon ni Rozzean bilang katulong, itinago niya ang totoong katauhan niya. Ngunit unang araw pa lamang niya ay nais na niyang umuwi ng bahay niya dahil sa hindi inaasahang tagpo nila!
9.9148.5K viewsCompletedAdded to Library 4.0K Times as bukas na aklat
Show Reviews (27)
Read
+Library
Pennieee
STOP STEALING MY STORIES PARA IBENTA SA HALAGANG ₱5-20! Pra sa mga illegal sellers! Hindi porke ina unlock nyo po dito ay may karapatan na rin po kayong ibenta! Nakakalungkot kayo. Lumaban po sana kayo ng patas sa buhay!
Dani Añulatac
Myghaaaaaddd!!! author superrrr ganda ng storyyy mo nato natapos ko ng 24hrs lang ang story and i know na may ongoing story ka kay thes at lauther and napansin ko na mas gumaling ka sa paggawa ng story mo hindi na kasi ako makapaghintay sa update mo kay vatalina at luther rico my babyyyy. ......‍......
Read All Reviews
NINONG MAYOR (SPG/R-18+) Alcantaria Series

NINONG MAYOR (SPG/R-18+) Alcantaria Series

Sa edad na sampung taong gulang ay ipinadala si Marianne "Yanne" Nerizon ng kanyang magulang sa ibang bansa upang makalayo sa magulo na mundo ng politika. Isang Congressman ang kanyang ama at yumao na ang kanyang ina. After 13 years ay bumalik na siya sa Pilipinas ngunit sa kanyang pagbabalik ay siya ring araw na namatay ang kanyang ama. Inambush ang kanilang sasakyan at isang himala na nakaligtas si Marianne. Sa kanyang paggising ay bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaki. At nalaman niya na ito pala ang kanyang ninong. Ang ninong niya na isang Mayor. Dahil naging ulila na siyang lubos ay ang ninong na niya ang kanyang magiging bagong guardian. Ngunit paano kung sa kanyang pagtira sa bahay nito ay siya ring pag-usbong ng pagmamahal sa kanyang puso. Kaya ba niyang pigilan ang kanyang sarili na mahulog sa kanyang Ninong Mayor? Her Ninong Andrew Alcantaria.
9.9832.0K viewsOngoingAdded to Library 23.3K Times as bukas na aklat
Read
+Library
Way back to 1500's

Way back to 1500's

Arcapediaa
Isang misteryosong at kakaibang matanda ang biglang sumulpot sa harapan ni Amira, at pagkatapos niyang tulungan ito ay may inilagay na lamang ito sa kanyang palad. Isang singsing na tila pinaglumaan na ang panahon, hindi alam ni Amira kung ano ang dapat gawin sa naturang singsing kung kaya wala siyang magawa kundi ang tanggapin iyon. Sa hindi niya mabatid na kadahilanan ay tila malakas ang kanyang koneksyon sa singsing at tila hindi ito ang unang beses na kanya itong nakita. Sa paglipas ng araw, naging ordinaryo lamang ang kanyang araw ngunit hindi niya akalain na gigising siya pagkatapos ng mahimbing na pagkakatulog sa hindi pamilyar na mundo at panahon. Ang mas nakaka gulat pa ay isa siyang masamang maharlika at walang iba kundi ang asawa na susunod na magiging rajah. At mukhang numero uno pa siya na kontra bida sa love story ng ginoo. Editing...
103.1K viewsOngoingAdded to Library 90 Times as bukas na aklat
Read
+Library
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
465 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as bukas na aklat
Read
+Library
CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
10455 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as bukas na aklat
Read
+Library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status