Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Owned by His name

Owned by His name

Isang pirma. Isang apelyido. Isang kasunduang tuluyang babago sa buhay ni Celestine Ramirez. Walang kaalam-alam sa galaw ng mga makapangyarihang tao, napilitang pumayag si Celestine sa isang kasal na hindi niya ginusto—isang papel na dapat sanang gampanan ng kapatid niyang tumakas sa responsibilidad. Ang lalaking pinakasalan niya? Si Lucas Arguelles Sevllia. CEO ng Arguelles Holdings. Kilalang malamig, walang puso, at kayang pabagsakin ang sinumang hindi sumunod sa kanya. Akala ni Celestine, tatlong buwan lang ang lahat—hanggang makansela ang kontrata. Pero paano kung ang lalaking walang pakialam ay unti-unting nagiging protektibo, mapagmasid, at... mapagmahal? At paano kung sa likod ng tahimik nitong pagkilos, ay ang matagal nang lihim—na hindi aksidente ang pagkakapili sa kanya? "Hangga’t dala mo ang apelyido ko, akin ka," bulong ni Locas sa kanyang tainga. "At hindi ko hayaan na maagaw ka ninuman." Pero sa mundong puno ng lihim, kasinungalingan, at makakalaya pa ba siya sa isang pangalang hindi niya pinili… ngunit minahal na niya?
Romance
422 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10464 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secret Heir

The Billionaire's Secret Heir

Spain – isang tahimik na parke. Isang araw na dapat ay tulad ng iba, ngunit isang pamilyar na presensya ang yumanig sa mundo ko. "Mommy!" Napalingon ako sa sigaw ni Selene, mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Kasunod niya si Cassian, mahigpit na nakahawak sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakalang muli kong makikita. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari. Dahan-dahan siyang lumuhod, bahagyang tinatapik ang ulo ni Cassian bago bumaling sa akin. "They got lost," malamig ngunit malalim ang tono niya. "I figured their mother would be worried." Napalunok ako, hindi makapagsalita. Alam kong nakita niya. Alam kong ramdam niya. "You…" bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Ngunit bago pa ako makakilos, isang mas mabigat na presensya ang lumunod sa paligid. "Seraphina!" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng taong matagal ko nang tinakasan. Si Daddy kasama si Mommy… at si Victor Alaric Vasquez. Malamig ang titig ni Daddy nang mapadako ang tingin niya sa kambal. "Who are these children?" malamig niyang tanong. Bago pa ako makasagot, isang malakas na tinig ang pumuno sa hangin. "They're mine." Napalingon ako sa kanya sa lalaking minsan ko lang nakilala ngunit ngayo'y handang ipaglaban ako.
Romance
10431 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Lost and Loved

Lost and Loved

Si Lyn ay minaltrato ng kanyang tyahin noong siya ay bata pa, nalugmok sa kahirapan at lumaki sa isang bahay ampunan, nagsikap siya upang makapagtapos ng pag-aaral at upang mahanap niya ang kanyang mga magulang. Nang naging matagumpay si Lyn sa kaniyang buhay ay nagpasya na itong hanapin ang kanyang pamilya sa Australia, ngunit isang malagim na trahedya ang kanyang dadanasin dahil sa pagbagsak ng kanyang sinasakyang eroplano sa isang malayong isla sa Karagatang Pacifico. Tanging si Marcus at siya lamang ang survivor sa nasabing trahedya. Dito na mararanasan ni Lyn ang magmahal sa isang taong hindi niya naman lubos na kilala. Sobrang mahal na niya si Marcus, ngunit, isang sikreto ang tinatago ni Marcus "Napamahal na ako kay Lyn pero paano ko sasabihin sa kanya na mayroon na akong asawa?" bulong nito sa sarili. Ano kaya ang gagawin ni Lyn kapag nalaman niya ang sikreto ni Marcus.
Romance
367 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Kwin

My Kwin

“ Anika Tara na sa library. Nag hihintay na si attorney enriquez at judge Bala.” Sabi ni Tito loreal “Wait lang po bakit may judge at attorney?” Hindi nila ako pinakinggan dumiretso lang “William follow us” sigaw ng tatay niya. Napatanga nalang ako sa kinatatayuan ko. Hindi rin sumunod agad si William sa parents niya. Umikot siya papaharap sakin. Sobrang lapit niya. Seryoso lang siyang naka titig sa akin. Mas Guwapo pa pala Ito sa malapitan. Kinakabahan na ako mas lumalapit pa siya sa akin habang ako naman na papa atras na. Bumangga ang likod ko sa pader Wala na Akong I aatras. “Alexander What are you doing, you are making me uncomfortable.” “I didn’t do anything. Wait what? What did you called me?” “Alexander?” Kumunot ang noo niya noong inulit Kong sabihan ang pangalan niya. Lumapit siya sakin. Inilapit niya ang bibig niya sa te nga ko. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya sobrang tumatambol ang dibdib ko. “I don’t know what our parents are about to, or maybe you already knew and I am not enjoying what is happening!” Bulong niya “ I——don’t know either.” Yon lang ang nasabi ko. Bigla na siyang tumalikod sakin. Iniwan niya akong nakatayo lang doon. What’s with that man? He makes me shivers by his voice. “No! This will not going to happen!” “Tito Enrico do you think I will agree? Of course not!” Pag pasok ko sa loob ng library yon ang una Kong naabutan sumisigaw sa galit si William. May nakita Akong dalawang papel na nakalatag sa lamesa at dalawang singsing. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Nakatingin silang lahat sa akin Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nanginginig ang buo Kong katawan. “I will not marry her. I have a girlfriend” galit paring sabi niya
Romance
10386 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The President's Duty Bride

The President's Duty Bride

Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
Romance
10313 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
245 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract and Promises

Contract and Promises

When assertive and alpha heiress Clara Ardiente is forced to marry a dominant and cold businessman Damon Barreto, she'll have the almost but quite life. Hindi niya pa nakikilala ang businessman na magsasalba sa kanila. With their empire falling, she is desperate enough to marry that man just to save their name and wealth. Ayaw niyang mawala ang lifestyle na nakasanayan niya. Damon is a ruthless businessman and he doesn't want to have a nosy wife. Everything should be part of agreement and contract. But beneath that contract, there's an unspoken affection he can't recognize... and secrets. Hindi naman totoong pusong bato si Damon. Ang totoo ay nang makita niya si Clara ay nagandahan siya sa dalaga. Talagang pasok sa kanyang tipo kaya niya inalukan ng partnership ang pamilya Ardiente. It was easy for him to get what he wanted. Damon and his ways. Well, not for Clara. Nang makilala niya ang kanyang mapapangasawa, nagdadalawang isip siya kung talagang worth it nga ba ang pakikipagkasundo niya para lang isalba ang kanyang karangyaan. To be the wife of a ruthless business and arrogant tycoon? Medyo dehado ata siya. Pero wala na siyang takas. Lalo na noong ibinigay ni Damon lahat ng gusto ng kanyang mismong pamilya. Lalo na't may kontrata. "Go... run away. But you'll never escape me," bulong ni Damon sa kanya. "Leaving me, abandoning that contract won't save you. Kahit saan ka magpunta, you will always be Mrs. Barreto. My last name will mark you wherever you go." Gusto niyang alisin sa utak niya 'yon at magtrabaho nalang para isalba ang pangalan niya, but it was too late. Hindi na siya makakatakas pa... so she needs to live with only rule; no attachments. No falling in love. Just a contract and promises. Or that was she thought so.
Romance
8232 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night With Uncle Ib

A Night With Uncle Ib

“I’ll pay you as much as you want, layuan mo lang ang pamangkin ko," alok ni Ibrahim sa babaeng kinababaliwan ng pamangkin niyang si Khaleb. Halos hindi naman makagalaw si Loraine sa narinig. Hindi niya maintindihan kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng Uncle ni Khaleb. At napagkamalan pa yata siyang girlfriend nito. “Huh! Nakakatawa ha. Hindi magandang paratang.” Sa inis niya, nahawakan niya ang booklet na nasa ibabaw ng side table at saka ibinato rito. “Gago ka! Anong palagay mo sa akin sugar mommy? Ang kapal ng mukha mo!” “Hey! Stop! Stop! Stop!” Nagawa ni Ibrahim na umiwas, saka hinagilap ang bewang at braso nito. Hindi inaasahang nagdikit ang kanilang mukha. Her eyes met his, and it feels like searching him deeply in his bones. Aminado siyang nakuryente siya sa init ng hininga nito na amoy coffee latte. It makes his manhood alive, lalo na nang masalat niya ang mala-artistic na kurba ng bewang nito. Same as Loraine, kakaibang kilig ang hatid ng maaamo at mapupunagy nitong mga mata. Ang ilong nitong parang goddess ang hugis maging ang mga labing mapupula at magandang korte. Parang magnet na humuhila patungo sa kanyang mga labi. “Is this how you seduce my nephew. Because if it is, you’re doing a great job,” bulong ni Ibrahim. Hindi mawari ni Loraine kung papuri ba iyon o insulto. Mas pinili niya ang pangalawang statement ng kanyang isipan kaya buong lakas niya itong itinulak. Walong taon na ang lumipas nang muling magtagpo ang landas nina Ibrahim at Loraine. Wala silang kaalam-alam na minsan na nilang nakatagpo ang isat-isa sa isang malagim na pangyayari. No print, no clues, only fate will let them know who they really are and what would they be in the future.
Romance
112 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.
Romance
107 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status