Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The 5 Years Contract with Him

The 5 Years Contract with Him

Nagsimula ang lahat nang mabankrupt ang kumpanya ng ama ni Hyacinth Liana Monteverde. Desperado siyang humingi ng tulong kay Damian Cruz, ang ruthless na bilyonaryo. Ang kondisyon ni Damian: Isang limang taong contract marriage, walang attachments, at kailangan niyang makipaghiwalay agad kay Jared, ang kaniyang kasintahan. Ginawa ni Liana ang mabigat na sakripisyo. Matapos ang masakit na breakup, pinirmahan niya ang kontrata, ipinagpalit ang pag-ibig para sa kapakanan ng kanilang kompanya. Sa laro ng kapangyarihan ni Damian, kailangan niyang magpanggap na Fiancée ni Mr. Damian Cruz, sa harap ng media at sa ina ni Damian. Para kay Liana, ito ay purong business; isang labanan para mag-survive. Ngunit habang tumatagal, ang kalkuladong lamig ni Damian at ang bigat ng kanilang kasunduan ay naglalagay sa kaniya sa alanganin. Maiiwasan ba nila ang emosyon sa loob ng limang taon, lalo na kung ang kanilang tadhana ay tila nagtutulak sa kanila na bumasag sa kanilang sariling deal?
Romance
271 viewsOngoing
Read
Add to library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife

Sa loob ng tatlong taon, iniwan ni Karylle Granle ang lahat—karera, pangarap, at kalayaan—para maging ulirang asawa ni Harold Sanbuelgo. Ngunit nang magising ang pinsan niyang minsan nang inagaw ang puso ni Harold, bumagsak ang mundo ni Karylle. Sa harap ng isang divorce agreement, pilit siyang pinipirmahan ni Harold, tinatanggal ang lahat ng dignidad at pagmamahal na minsan niyang inialay. Ngunit sa halip na magpakaapi, pinili ni Karylle na maging malaya. Binitawan niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Harold para magsimula muli.
Romance
8.8177.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Tahimik at maayos ang pamumuhay ni Viva Guardian at ng asawa niyang si Emmanuel. Pero nagising na lamang si Viva isang gabi na may hawak na kustilyo, puno iyon ng dugo. At wala nang buhay si Emmanuel. Si Viva ang itinuturo ng suspect sa pagkamatay ni Emmanuel. Nakulong siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nang magkaroon ng sunog sa Manila City Jail ay kinuha ni Viva ang pagkakataon na iyon para tumakas. Pero ang kalahati ng kanyang mukha ay nasunog. Ginamit niya ang mukha ng dating asawa ni Hendrix Lorenzo, ang witness, sa pagkamatay ni Emmanuel. At gagamitin rin ni Viva si Hendrix para alamin kung ano ang nangyari sa asawa niya at lilinisin ang pangalan niya.
Romance
385 viewsOngoing
Read
Add to library
He's My Boyfriend

He's My Boyfriend

Thep13
May Isang anak mayaman na babae, na Ang pangalan ay Mae, SI mae ay nangangarap na sana hanggang sa huli, maayos Ang pamilya Niya, Ang pamilya Niya Na kinaiingat ingatan Niya sa kanyang buhay. Pero simula nung dumating Ang mag Ina na SI Janna at Carla, Nagbago ang lahat o Ang Buhay ni mae, at aNg pamilya ni mae, dahil halos Ang mag ina, Ang nasusunod sa buhay ng pamilya ni mae. hindi inaasahan ni mae,na magiging mahirap Pala Ang sitwasyon Niya sa mag inang iyon, at Ng kanyang pamiya, namatay Ang mommy ni mae, na SI Maezil dahil sa kagagawan Ng maginang iyon, ngunit Hindi kaagad nabigyan Ng hustisya. Subalit sa paningin ng kanyang boyfriend, isa lang itong madaling sitwasyon para Kay mae doon sa mag inang Yun, na nagpapahirap sa Buhay ni mae. Ang boyfriend ni mae, Ang tumulong sa kanya para makayanan ni mae Ang lahat ng paghihirap sa mag inang yun. Siya si mark, ang boyfriend ni mae. guwapo, matalino, at mabait, pero Hindi sa inaasahan na mangyayari, na Isa SI mark sa balak din na Kunin ni Janna sa Buhay ni mae. SI Janna Ang step sister ni mae, sa daddy Niya, dahil Ang mommy ni Janna na SI Carla,ay dating babae o kabit Ng daddy ni mae, at Hindi nga inaasahan nabuntis SI Carla, at SI janna iyon. Paano makaka-survive si mae kung pati ang daddy Niya, nakuha na rin nila Janna tuluyan Ang loob nito,At ano ang alam na paraan ni mae,para tanggapin sya ulit ng daddy niya,magkakaayos pa kaya Sila ulit Ng daddy niya? Mababawe pa kaya ni mae Ang dapat sa kanya.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
Romance
9.621.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Dispensable Woman

The Mafia's Dispensable Woman

Pinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
Romance
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

Leon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
165 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status