The Ravishing CEO: Burning For His Touch
One hot night with a total stranger! Hindi inasahan ni Isabelle Montecillo na ito ang magiging sanhi ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Matapos pagtaksilan ng kanyang ex at pinsan, ay nakipagsapalaran siya sa isang misteryosong lalaki—ang gabing pinagsaluhan nila ay nag-iwan ng higit pa sa alaala. She got pregnant, and to make things worse, she didn’t know who the father was!
Makalipas ang dalawang taon, nakakuha si Isabelle ng trabaho bilang advisor ng isang napakastrikong CEO na si River Dela Merced—isang lalaking may reputasyon sa pagiging maldito, mapusok, at nakakainis na gwapo. Malinaw ang prinsipyo niya: ayaw niyang makipagrelasyon sa kanya o kanino man—maliban na lang kung ito ang babaeng bigla na lang nawala sa kanyang buhay.
Ngunit tila ba may plano ang tadhana.
Habang lumalalim ang kanilang pagtutunggali sa trabaho, unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa.
At nang magsimulang magtugma ang mga bakas ng nakaraan, may isang katotohanang nag-aabang… posible kayang si River Dela Merced ang misteryosong lalaki noong gabing iyon?
At kapag nalaman niya ang lihim ni Isabelle, masisira kaya ang lahat—o magiging daan ito upang tanggapin nila ang pag-ibig na matagal nang itinatakwil?