Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
9.488.5K viewsOngoingAdded to Library 3.3K Times as chief kim
Read
+Library
TRAPPED BY ALLEJO

TRAPPED BY ALLEJO

Ambisyosa22
Allejo is well-known as one of the powerful clan, sa Probinsya ng Cagayan Juancho Juno Allejo, panganay na anak ni Don Allejo at Donya Ceress. Marami ang nagtataka dahil hindi kalayuan ang edad ng mag ama. Edad labing apat ay nabuntis ni Don Allejo ang naging kabiyak. Ngunit alam nila sa puso nila walang pagmamahal doon kahit sinubukan nila. Dumaan ang panahon, nagkaroon ng ibang babae ang batang Don. Sa edad labing lima ni Juno ay pumanaw ang ina nila ni Migo, napuno ng galit ang puso nito at nangako na hahanapin ang babae na sumira sa pamilya n'ya. All along akala ng binata perpekto ang pamilyang kinabibilangan. Matapos ang pagkawala ng ina ay na buhay ang ibang katauhan ni Juno. Malamig, malayo at mabagsik sa mga kababaihan pero sa likod nito naroon ang kababata na si Kim. si Xhymich hangad lang ay simpleng buhay. Ngunit para sa magulang ng dalaga hindi sapat ang simple lang. Kaya sa mismong araw na itinakda na kasal ng dalaga ay tumakas ito. Ngunit ang akala n'yang hero na tumulong sa kanya ay ang mas magkukulong sa mabagsik at marahas na mundo. Pigilan man niya ang kanyang damdamin ay sa pagmamahal pa rin nauwi. Pilit mang saktan s'ya ng lalaki ay pag-ibig pa rin ang hiyaw ng puso niya. Ang isa nga bang pagkakamali ay maitutuwid ng isa pang pagkakamali? Kung nakakasakit ba ang pagmamahal dapat na bang tigilan? O ang pagmamahal kaya ng dalaga ang gamot sa lahat ng galit at poot na inipon ng binata? O baka nga si Kim ba na kababata at matagal ng nag aabang sa atensyon at pagmamahal ni Juno ang tunay na nakatakda?. " Hindi man ako ang una, ako naman ang magiging huli. Para lang sa akin ang panganay na Allejo" Mga katagang binitawan noon ni Kim.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 28 Times as chief kim
Read
+Library
Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain (SSPG/R18+)

Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain (SSPG/R18+)

"Mylez, can you go to Room 421 –the guest requested a housekeeper. Thank you." Sabi ni Ms. Claire ang supervisor ng Housekeeping department ng hotel na pinag ta-trabahuhan ko dito sa Paris. “Sure Ma’am! I’m on my way.” Sagot ko dito gamit ang radyong mayroon ang lahat ng chamber maids ng kilalang hotel para makapag communicate. Ako si MYLENE REYES, 25 Y/O, single mom. Dati akong nagta-trabaho bilang isang waitress sa isang sikat na Entertainment Cruise Line sa Singapore na pagma-may ari ng isang mayaman na Pilipino. Tumagal ako doon ng halos dalawang taon ngunit dahil sa hindi magandang karanasan ay kinailangan kong iwan ang minahal kong trabaho. May lihim ako na hindi alam ng mga kasamahan ko dito sa Paris. Ang akala ng lahat ay wala akong asawa. Pero ang totoo ay mayroon... Iniwan ko ito ng walang paalam pagka tapos ng kasal at hindi din nito alam na may anak kami. Ang nais ko lang ay ang makalayo sa taong nanakit sa akin at maaaring manakit at kumuha sa anak ko. I am CAPT. KIM MENDOZA SANCHEZ, 29 Y/O, Married. Isa akong CRUISE LINE SHIP CAPTAIN at MULTI-BILLIONAIRE CEO ng mga ENTERTAINMENT CRUISE SHIPS at ilang AIRLINES sa Pilipinas at ibang bansa. Maga-anim na taon na, hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya makita. “Wherever you are Mrs. Sanchez, kahit na umabot pa tayo sa impiyerno, hindi ko titigilan na hanapin ka. At kapag nahanap kita, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa kahit kailan.” Mapaklang ngiti ko. Nakaupo ako ngayon sa isang kilalang Bar habang nakatitig sa hawak kong kopita ng alak at pinaiikot ang malaking bilog na tipak ng yelong nasa loob ng baso na nagpapalamig sa inumin kong hawak sa kanan kong kamay at saka ininom ng daretso at sinaid ang laman nito.
10157 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as chief kim
Read
+Library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status