The Iron and Silk
Si Zariah Luccien Ybañez ay isang receptionist sa hotel na kanyang pinagtatrabahuhan. Ginagawa niya ang lahat para sa kanyang kapatid. Si Froilan Wolf Zielinski ay ang may-ari ng hotel at mahal pa rin ang ex na si Zariah.
May malaking utang ang kapatid ni Zariah na kailangan niyang bayaran, at buntis ang bunso niyang kapatid. Hindi na niya alam saan kukunin ang sampung milyon at ang pagtustos sa kanyang bunsong kapatid.
Ipinatawag siya ni Froilan sa opisina, na pilit niyang iniiwasan. Pero nung araw na yun ay wala siyang nagawa at sumama si Zariah sa sekretarya nito na bestfriend niya.
Pagdating nila sa opisina ni Froilan dito na sinabi ng lalaki na maging asawa siya for one year, at babayaran nito ang kanyang utang, at iba pang kondisyon sa kontrata.
Pumayag si Zariah sa gusto ni Froilan, gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya kahit kalayaan pa niya ang kapalit.
Matapos nilang ikasal at nagkakamabutihan na ay biglang pumasok si Beatrice kanilang pagsasama, at sasabihing siya ay buntis, at si Froilan ang ama ng dinadala niyang bata.
Hanggang dito na nga lang ba, o ipaglalaban ni Froilan at Zariah at isang tabi si Beatrice na may dinadalang sanggol na anak ni Froilan sa sinapupunan.
Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa o hahayaan nilang masira ulit katulad ng kanilang nakaraan?