The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban
Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, nahuli ni Maliya Alonto-Argente ang ginagawang pagtataksil ng kaniyang asawang si Luke Argente—hinamak, itinanggi, at iniwan siya sa harap ng ibang babae. Dahil sa matinding panliliit at sakit na kaniyang dinanas, tahimik siyang nanganak at kalaunan ay lumagda sa isang annulment, bago tuluyang maglaho.
Limang taon ang lumipas, ang babaeng minsang tinapakan ay bumalik upang manaig. Siya ngayon ay elegante, makapangyarihan, at matagumpay—may yaman at impluwensiyang kinatatakutan. Samantala, ang lalaking nagtaboy sa kaniya ay nalunod sa pagsisisi, ngunit huli na ang lahat, sapagkat si Maliya ay engage na sa iba.
Sa laro ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang tunay na mananaig—siya ba, o ang kanilang nakaraan?