Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae sa labas. Aksidente niyang nalaman na buntis ang kabit nito kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
Romance
10205 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Sweet Lies

His Sweet Lies

“They are obviously my children” usal ni Juancho kay Orelia. Natigilin ang babae at naibagsak ang inaayos na mga bulaklak. ”Ano ang ibig mong sabihin?Ni hindi nga kita kilala!” iwas tinging depensa ni Orelia sa lalaki at agad niyang itinago ang dalawang bata sa kanyang likuran. “Hmm, hindi nga ba ikaw yon? But why do these children have my face then?” paninindigan ni Juancho. Pilit na nagpapakita ng matapang na mukha si Orelia, desidido na siyang hindi masangkot sa lalaki matapos ang isang gabi ng pagkakamaling iyon. Mamamatay muna siya bago niya hayaang mapasakamay ng lalaki ang kanyang mga anak. “Or would you rather have me let you remember what transpired that night,” usal ng ni Juancho sabay ng pag haplos sa mga labi ni Orelia gamit ang kanyang daliri. “Don’t touch our mom you bad guy!” biglang pumigitna ang batang babae at pilit na itinulak si Juancho. Nakasunod rito ang takot na batang lalaki. Laking gulat ni Orelia sa biglaang kilos ng mga bata kaya hindi niya napigilan ang agarang paghawak ni Juancho sa mga ito. Handa na siyang itulak ang lalaki at bawiin ang bata nang nakita niya ang mga mata ni Juancho na nakatitig sa kambal, ang malamig at walang emosyon nitong mga mata ay napalitan ng lambot. Ito ay mga matang matagal niya ng hindi nakikita, ang mga matang minsan ng nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Saksihan ang mainit, matamis at masakit na relasyon ng dalawang mag kaibang indibidwal mula sa magkasalungat na estado ng buhay. Ang kanilang katapusan ba ay magsisimula sa ligaya o patuloy na magbabadya ang paghihirap sa kanilang mga buhay?
Romance
69.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10100 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status