Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
5.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10474 viewsOngoing
Read
Add to library
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling  In To The Beast

Falling In To The Beast

Hindi akalain ni Adela na masisira ang buhay niya nang isang gabi lang dahil sa pagpinagkakatiwalaan niyang kaibigan. AT ang masalimuot na gabing iyon ay ang gabing makikila niya si Desmond Kyle Aviel Monarco ang kinatatakutan at pinaka makapangyarihan sa larangan nang negosyo at isa sa mga mayayamang tao. pilit niyang kinakalimutan ito, kahit halos gabi gabi itong bumabalik sa mga alaala niya, Ngunit paano niya gagawin iyon kung kahit saan siya magpunta ay nagkikita sila, Sa bawat pagkikita nila ay sinusunggaban siya nang halik, mga halik na lalong nagpapgagulo sa puso at isipan niya, sa bawat haplos nito ang nagpapadingas nuoh ng init ng katawan niya. Inaangkin siyang pag aari nito, pilit man niya na iwasan ito ay lagi siya nitong nahahanap. "Where do you think your going baby hmmm" Saad niya sa akin na ikinaatras ko, madilim ang mga mata nitong nakatitig sa akin, umiigting ang tulisan nitong mga panga. "K-Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko" Sagot ko rito na ikinaatras ko na lalo naman nitong ikinalapit sa akin. "Are you avoiding me?" Madiin niyang saad sa akin na ikinaatras ko pa, malamig na pader na ang naramdaman ko sa likod ko. Itinokod nito ang isang kamay nito sa pader sa gilid ko, langhap na langhap ko ang pabango at amoy nitong alak sa bibig niya. Bago pa ako makapagreact ay sinunggaban niya agad ako nang halik, may dahas ang bawat halik niya pilit niyang ipinapasok roon ang dila niya sa bibig ko na napagtagumpayan niya. "Hmmmppp" daing ko na pilit siyang tinutulak, pinakawalan niya ang labi ko, hingal na hingal kami dahil sa halik "Don't you ever try to avoiding me or else i'll make you cry harder, screaming and begging like no mercy" madiin niyan sabi sa akin,na iniwan akong tulala at may kaba.
Mafia
106.9K viewsCompleted
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
Paranormal
212 viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1096.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status