Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
610 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 21 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle

Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle

Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama, walang ginawa si Zia kung hindi ang maging mabuting may bahay at suportahan ang negosyo ng kaniyang asawa. Matapos niyang matuklasan ang matagal ng pagtataksil ni Ace, ang kaniyang asawa, nagpasya siyang ayusin muli ang kaniyang karera at bawiin ang kung anumang nararapat para sa kaniya. Buo na ang loob niyang makipag-diborsyo. Gayunpaman, naniniwala si Ace na ang pisikal na pagtataksil ay isang kasalanang mapapatawad pa kaya't ginawa niya ang lahat para mabuong muli ang tiwala ni Zia pero huli na ang lahat. Habang nalulunod sa galit at sakit ay aksidenteng nakaniig ni Zia si Zayn Alexander Evans, ang makapangyarihan at dominanteng bilyonaryo na siyang tiyuhin din ng kaniyang taksil na asawa. Ipinahanap siya nito pero ibang babae ang nagpakilala rito at sa takot na mabunyag ang kanilang aksidenteng kasalanan, nanatiling tahimik si Zia hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis sa kasal na unti-unting sumasakal sa kaniya. Matapos makamit ang kalayaan, pagbibigyan ba ni Zia ang kaniyang sariling maging masayang muli sa piling ng tiyuhin ni Ace? Paano kung alukin siya nito ng kasal? Hahayaan niya bang isipin ng ibang tao na kaya siya nakipaghiwalay sa kaniyang asawa ay dahil nais niyang pakasalan ang tiyuhin nito? Ang lalaking walang awa at malamig sa lahat ngunit sobrang maalaga at malambot ang puso pagdating sa kaniya.
1015.1K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 438 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

dangerosely
Si Kleer Ronnilaine Cruz, dating anak ng kasambahay sa pamilya Lyverigo ay may lihim na pagtingin kay Arrex Jhames Lyverigo, ang tagapagmana ng pamilya. Nang mapilitan silang magpakasal, biglang nagdesisyon si Arrex na makipag-divorce pagkaraan ng dalawang taon. Ang hindi niya alam, buntis si Kleer sa kanilang anak. Nang malaman ni Kleer ang tunay na yaman ng kanyang pamilya, nagpasya siyang lumipad patungong New York kasama ang kanilang anak para itago ito kay Arrex. Limang taon ang lumipas, bumalik si Kleer sa Pilipinas at muling nagkrus ang landas nila ni Arrex—ibang iba na ito, mayaman na at may kasamang anak. Sa pagbabalik ni Kleer, magbubukas ang bagong mga lihim at pagsubok. Ipapaalam na kaya niya kay Arrex ang katotohanan tungkol sa kanilang anak, o mananatiling sekreto ito magpakailanman?
95.2K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 135 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle

Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle

Sa loob ng limang taon, nanatiling anino si Evorie Smith sa sarili niyang buhay may asawa. Akala niya, ang pagsailalim sa IVF ang magiging susi para mahalin siya ng asawang si Rafael Dadan, ngunit ang DNA result ay nagsiwalat ng malupit na katotohanan, ang batang si Ginger na apat na taon niyang inalagaan at minahal ay hindi niya tunay na anak. Ginamit lamang siya nina Rafael at ng kapatid sa labas na si Violet bilang surrogate para sa bunga ng kanilang kataksilan. Habang nagpapakasasa ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig, nagpasya si Evorie na tapusin ang pagiging martir. Sa gabi ng kanilang fifth wedding anniversary, na mas pinili ni Rafael na gugulin kasama si Violet, nilayasan ni Evorie ang mansiyon, bitbit ang poot. Hindi lang diborsyo ang kanyang pakay, kundi plano niyang sunugin ang mundo ng mga taong umabuso sa kanya. Sinimulan niya ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagsabotahe sa kasal ni Violet at ng bilyonaryong CEO na si Alistair Vanderbilt. Matapos ibunyag ang isang malaswang video ng dalawang taksil, hinarap ni Evorie ang bulag at malupit na groom. Naglatag siya ng mapangahas na deal, isang kasal kapalit ng pagkakaroon ng tagapagmana para sa lola ni Alistair. Pumayag agad si Alistair, ngunit may kondisyon. "Have sex with me, now. Show me if you can handle a monster like me." Wala nang atrasan. Gagawin ni Evorie ang lahat para mapabagsak sina Rafael at Violet, kahit pa ibigay ang kanyang katawan at kaluluwa sa lalaking kinaiinisan at kinatatakutan ng lahat.
1010.6K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 308 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
Divorcing My Cheater Husband, Marrying His Billionaire Uncle

Divorcing My Cheater Husband, Marrying His Billionaire Uncle

Tatlong taon na tinalikuran ni Isabelle ang kanyang career bilang architect para maging perpektong asawa, ngunit nahuli niya ang asawa niyang si Justin na nambabae at nabuntis pa niya ito. Dahil sa ayaw mawalan ng mana, ginigipit ni Justin si Isabelle at hinaharangan ang lahat ng job opportunities nito para hindi siya makaalis sa kanilang toxic na relasyon. Ang bilyonaryong tiyuhin ni Justin na si Rajah ang nag-alok kay Isabelle ng trabaho at proteksyon, na nagdulot ng matinding tensyon sa pagitan nila habang nilalabanan ang pamilya Madrigal. Kailangang pumili ni Isabelle kung mananatili siyang biktima ng asawa o tatanggapin ang tulong ng lalaking dapat ay bawal para sa kanya.
106.0K vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 131 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
Divorced While Pregnant: The Billionaire's Accidental Heir

Divorced While Pregnant: The Billionaire's Accidental Heir

Akala ni Seraphina Alvarado natagpuan na niya ang perpektong buhay nang pakasalan niya si Adriano Villareal, ang makapangyarihang CEO ng Villareal Group. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan sa IVF treatments, tiniis niya ang lahat para lang mabigyan ang asawa niya ng anak. Pero sa araw na nalaman niyang buntis na siya, aksidente niyang narinig ang isang pag-uusap na tuluyang sumira sa mundo niya. Hindi pala kailanman gustong magkaroon ng anak ni Adriano sa kanya, hindi sa kanya. Gusto lang nitong gamitin ang sinapupunan niya. Para dalhin ang anak nito at ng babaeng tunay nitong mahal—si Vittoria Salcedo. Sa kanila, si Seraphina ay walang iba kundi isang breeding machine. Basag ang puso at puno ng galit, bumalik siya sa ospital para alamin ang buong katotohanan, pero mas malala pa ang nadiskubre niya. Ang batang dinadala niya sa sinapupunan… Ay hindi anak ni Adriano Villareal. Dahil sa isang medical mistake, ang ama ng batang iyon ay si Cassian Monteverde—cold-hearted at makapangyarihang billionaire heir ng Monteverde empire. Niloko ng asawa. Pinahiya ng pamilya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na iiyak si Seraphina, lalaban siya. At siya mismo ang mang-iiwan. Divorce ang susi niya, at palalakihin niya ang anak niya. At balang araw… Pagsisisihan ng lahat ang ginawa nila sa babaeng akala nila ay kaya nilang sirain.
265 vistasEn cursoAñadido a la biblioteca 5 veces como divórcio
Leer
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
456789
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status