Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Inangkin Ako Ni Ninong

Inangkin Ako Ni Ninong

Hindi maipaliwanag ni Jasmine Arriola ang kaba at tuwang naramdaman nang ianunsyo na pansamantala siyang magiging secretary ng Ninong slash Boss niya. Sa kabila ng pagiging fresh graduate, pakiramdam niya ay isang malaking oportunidad ito. Si Alejandro Pascaul II ay hindi lang CEO ng malaking kompanya sa bansa—kundi matalik na kaibigan rin ng kanyang mga magulang. Hindi maikakaila ang karisma nito. Matangkad, laging maayos manamit, at may presensiyang kay hirap balewalain. Kaya kahit hindi sadya, napapatanong si Jasmine kung bakit nananatiling binata ang tulad nitong lalaki. At ngayong magkakatrabaho na sila, hindi niya naiwasang samantalahin ang pagkakataong mapalapit dito. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhuli ng kanyang mata ang mga panakaw na tingin nito. May kung anong bigat at lalim sa bawat titig. Hindi niya alam kung ganoon lang ba talaga ito tumingin sa lahat, o sadyang may nais itong iparating—sa kanya lang.
1010.4K viewsOngoingAdded to Library 352 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
The CEO’s Secret Heir

The CEO’s Secret Heir

Nang tawagin ng isang bata si Lucien Cortez na “Papa,” nabasag ang limang taong lihim. Pinili ni Althea Reyes na itago ang bunga ng isang gabing pagkakamali. Para sa kanya, sapat nang manatili sa mundong tahimik at malayo sa lalaking hindi niya kailanman naging bahagi. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa mansyon ng mga Cortez at muling nagkrus ang landas nila. Hindi siya maalala ni Lucien. Ngunit hindi rin niya magawang iwasan ito. Habang unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang mabunyag na ang alaala ni Lucien ay unti-unting nawawala kasama ang anumang koneksyon niya kay Althea. At sa gitna ng pagkalimot, may isang bagay na nananatili. Isang damdaming hindi niya maipaliwanag ngunit hindi rin niya kayang bitawan. Kapag ang alaala ay tuluyang nawala, sapat pa ba ang damdamin para manatili ang pag-ibig?
10214 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
1.4K viewsOngoingAdded to Library 28 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
102.9K viewsCompletedAdded to Library 79 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
Ninong Frank, Mafia Boss

Ninong Frank, Mafia Boss

Hindi alam ni Andra na may ninong pa pala siyang hindi nakikita, iyon ay ang kaibigan ng papa niya. Isang araw ay pagtatagpuin ang landas nilang dalawa sa isang mainit na sandali. Ngunit ang hindi inaasahan ni Andra na yung lalaking pumapak sa perlas niya ay ang ninong pala niya.
440 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
The Chairman's Heir Mother

The Chairman's Heir Mother

Hindi nag-uulit ng babae si Luigi Donovan. Kapag naikama na niya ang babae, hindi na niya ulit hinahawakan pa. Pero nang makilala niya si Lavender Salvacion sa isang nightclub at nagkaroon sila ng one-night stand, nasira ni Luigi ang sarili niyang panuntunan. Hindi niya mapigilang isipin kung paano siya nito ginawang maghangad pa ng higit. At sa gabing iyon din, nasa desperadong sitwasyon si Lavender kaya nauwi siya sa pagnanakaw ng pera kay Luigi. Si Luigi ang tipo ng taong hindi hinahayaan na makaligtas nang walang parusa ang mga gumawa sa kanya ng mali. Hiningi niya ang kapalit ng ninakaw sa paraang hindi kailanman inakala ni Lavender, ang magbuntis para sa tagapagmana ni Luigi.
291 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
Inlove With The Campus Heartthrob

Inlove With The Campus Heartthrob

Unang kita pa lang naming dalawa, para na kaming mga aso't pusa. Hindi kami nagkakasundo kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan namin. KAHIT NAPAKALIIT LANG NA PROBLEMA, NAGAGAWA NAMING PALAKIHIN!To be honest, I don't like him. Napakayabang niya pero hindi dahilan 'yun para hindi siya magustuhan ng mga babae sa University. Paano ba naman kasi, sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo siya at matangkad, swak sa panlasa ng madla! PERO DATI 'YUN!Dahil simula nang makilala ko ang totoong Siya, hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa kanya. I can still remember what I've said."I will never fall in love with him. Ever!"But I was wrong because...I am now IN LOVE WITH THE CAMPUS HEARTTHROB.
104.8K viewsOngoingAdded to Library 180 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
Forbidden Affair

Forbidden Affair

"We can never control who we fall in love with.." Tama nga naman. Hindi natin nakokontrola kung sino ang taong mamahalin ng puso natin. Kung kanino titibok ang puso natin. But what if tumibok ito sa taong hindi dapat.. Sa taong hindi pwede... Sa taong bawal... Mapipigilan pa ba? "Controlling is an illusion. We can't control everything."
9.858.9K viewsCompletedAdded to Library 1.4K Times as doraemon hindi amv
Show Reviews (16)
Read
+Library
Monica
Ang gaganda ng story, nabasa ko na story nina Cameron, Peirce, Alas and Lucifer, start reading na din sa story ni Fox and Leon... ang gaganda, maiiyak ka na maiinis na kikiligin, yung complicated feelings talaga nandito sa stories mo Senyorita Anji.. thank you and more stories pa... love yeah!
Gloria Gina Diaz Calanog
speaking of nasunog dw yun ospital n pinag-anakan ke Vielle,,may twist na...at yun feelings ng nanay ni Art ke Vielle may hiwatig n yun...pareho din ng kaso nina Lucy at Layla,kaibahan lang alam nila n hnd sila blood related at s papel lang ....Good job Ms.A
Read All Reviews
Marriage of Convenience with the Billionaire.

Marriage of Convenience with the Billionaire.

Sa mismong araw sana ng kasal ni Amelia ay hindi sumipot ang lalaking mapapangasawa niya. Pero hindi inaasahan na isang estranghero ang lumapit sa kanya at basta na lang siyang inalok ng kasal. Ayaw sanang tanggapin ni Amelia ang alok na kasal pero kinakailangan niya iyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Pagkatapos ng kasal, saka lang niya nalaman ang pangalan ng estranghero na hindi mawala sa kanyang isipan. His name is Cormac. Pero hindi niya inaasahan ang lalaking napangawa niya ay isa palang bilyonaryo.
1014.0K viewsOngoingAdded to Library 406 Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
My Professor's Contract Agreement

My Professor's Contract Agreement

Simple lang ang pangarap ni Savannah ang makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ilang araw bago ang graduation niya ay nakilala niya si Albrey. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita dahil sa pagiging masungit nito. Hindi niya rin inaasahan na magiging bagong Professor niya ito sa Mathematics. Kahit napakasungit nito ay humanga si Savannah sa taglay na kaguwapuhan ng Professor. Sa hindi inaasahang pangyayari ay ibinagsak siya ng professor na si Albrey sa thesis defense niya, dahilan kung bakit hindi siya naka-graduate. Pagkainis ang naramdaman niya para sa professor. Ngunit makaraan ang ilang araw ay nagkita silang muli. Humingi ito ng pabor sa kanya na hindi niya inaasahan. Ang magpanggap na girlfriend nito.
1033.9K viewsOngoingAdded to Library 1.3K Times as doraemon hindi amv
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status