The Mafia Series: Laxus Morgan
Sa mundong pinatatakbo ng digital codes at madugong transaksyon, si Laxus ang hari. Sa umaga, siya ang makapangyarihang CEO na nagpapaikot sa mundo ng negosyo. Sa gabi, siya ang malupit na Mafia Boss na naghahari sa ilalim ng mga anino.
Hawak niya ang lahat. Yaman, koneksyon, at buhay ng mga taong nangangahas na banggain siya. Ngunit may isang bagay na hindi niya kayang kontrolin nang buo: ang sarili niyang system na pinoprotektahan ng kaniyang pinakamahusay na tauhan.
Si Amara ay hindi lamang isang empleyado; siya ang henyo sa likod ng mga firewall ni Laxus. Bilang kanyang Personal Software Developer at Elite Hacker, siya ang nakakakita sa lahat ng dumi at lihim na ibinaon ni Laxus sa ilalim ng mga encrypted files. Siya ang may hawak ng "Kill Switch.” Ang mga impormasyong sapat upang mapabagsak ang kumpanya ni Laxus at maipakulong siya habambuhay bilang isang kriminal.
Gusto nang tumakas ni Amara. Gusto na niyang iwan ang madilim na mundong ito na puno ng panganib. Ngunit sa ilalim ng kumpas ni Laxus, ang pag-alis ay katumbas ng pagtataksil. Alam ni Laxus na ang utak ni Amara ang kaniyang pinakamalakas na sandata, ngunit ito rin ang kaniyang pinakamalaking banta. Kaya naman, gagamitin niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan upang panatilihin ang dalaga sa loob ng kaniyang "golden cage."
Sa pagitan ng mga hacking encounters at mapanganib na engkwentro sa labas ng opisina, isang mas mapanganib na apoy ang nabubuo sa pagitan nila. Habang sinusubukan ni Amara na i-bypass ang puso ng kaniyang boss, unti-unti naman siyang nahuhulog sa bitag ng isang lalakeng handang pumatay para lamang manatili siya sa tabi nito.
Sino ang unang bibigay? Si Amara ba na may hawak ng mga ebidensyang makakapagsira kay Laxus, o si Laxus na handang sunugin ang buong mundo para lamang sa minamahal niyang si Amara?