Déjà Vu
Hinangin nang bahagya ang buhok niyang mahaba, dahilan para pagpawisan ako nang malamig, at hindi ko alam kung bakit.
“O kung hindi naman . . . baka sa parallel universe, nangyari ‘yon sa eksaktong oras na nangyari ‘yon sa ating dalawa?” Saglit na nanatiling nakaawang ang bibig niya matapos niyang sabihin ang huli, bago ngumiti at itinuloy ang sinasabi . “‘Yon nga lang, hindi ako ang babaeng ‘yon sa parallel universe. Kasi naniniwala ako na nangyayari sa mundong ‘yon ang hindi p’wedeng mangyari sa mundong ito . . . na kung hindi para sa isa’t isa ang dalawang tao sa mundong ito, baka sila ang para sa isa’t isa sa mundong ‘yon . . .”
Bab Populer