Affair Of The Heart ( Love Series #1 )
MissA_begail16
Beatrise Mendoza, sa batang edad ay nangarap nang maging isang artista hindi lang upang makatulong sa kanyang pamilya kundi para matamasa rin ang karangyaang mayroon ang mga ito.
Kaya nang dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon sa katauhan ng kanyang tiyahing taga-Maynila ay agad niya iyong sinunggaban.
Pero ang inakala niyang abot-kamay na pangarap ay hindi pala gano'n kadaling abutin. Dahil hindi pala madaling makapasok sa industriyang iyon.
At dahil sa natamong kabiguan ay hindi niya naiwasang humanap ng masasandalan at makakapitan, at natagpuan niya iyon sa katauhan ng kanyang pinsan na si John Carl, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin.
Ngunit hindi niya napaghandaan ang isang malaking dagok sa kanyang buhay. Dahil unang kita pa lang sa lalaki ay nahumaling na siya rito kaya ng maging mas malapit sila at makilala ang tunay nitong ugali ay lalong nahulog ang kanyang loob.
Paano pa niya haharapin ang pag-abot sa kanyang pangarap na tila kay ilap kung maging pati ang paghihirap ng kanyang damdamin ay nakakadagdag sa kanyang dalahin?