Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)

The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)

Buntis siya nang sirain siya ng buong mundo. At ang pinakamasakit? Ang lalaking mahal niya ang unang bumitaw. Sa harap ng mga kamera, itinanggi ni billionaire athlete Vondrick Castillo ang babaeng ipinangakong mamahalin niya habambuhay. Sa isang iglap, si Aubrey Valencia ay naging kontrabida ng sariling kuwento...tinawag na sinungaling, gold digger, at oportunista. Kaya umalis siya. Dala ang wasak na puso. Dala ang tatlong sanggol na hindi kailanman nalaman ng kanilang ama. Pitong taon ang lumipas, bumalik si Aubrey bilang isang internationally bestselling author na hinahangaan ng milyon-milyon. Ngunit sa likod ng tagumpay, nakabaon pa rin ang sugat na hindi kailanman naghilom. Hanggang sa muling pinagtagpo sila ng tadhana. Ngunit paano kung ang lalaking akala niyang sumira sa kanya ay siya palang pinakamaraming isinakripisyo? Paano kung ang paglayo nito noon ay hindi pagtataksil... kundi pagmamahal? At kapag nalaman niya ang katotohanan, may natitira pa kayang puso para sa pangalawang pagkakataon? O huli na ang lahat para sa dalawang taong hindi kailanman tumigil magmahalan?
10 viewsOngoing
Read
+Library
Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Isang kasal na nakatali sa papel. Isang kasunduan na may hangganan. At isang gabi na hindi dapat nangyari. Pitong taon na si Vaiana bilang secretary ni Kyro, at sa loob ng tatlong taon, si Vaiana ay naging anino ni Kyro de Vera—sekretarya sa umaga, asawa sa papel sa gabi. Alam niya ang lahat ng ugali nito, mula sa paboritong kulay ng suit hanggang sa mga lihim na hindi nito kailanman inamin. Pero isang gabing hindi niya matandaan ang tuluyang gumulo sa lahat. Nang magising siya sa tabi ng lalaking hindi dapat kanya, ramdam niya ang pait ng katotohanan—siya lang ang nagseryoso sa kasal na ito. Pero nang muli siyang harapin ni Kyro, may isang bagay itong sinabi na nagpayanig sa kanya: "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon." Sa isang kasunduang dapat ay walang damdamin, paano kung hindi na niya kayang itanggi ang sakit? At paano kung si Kyro mismo ang magsimulang magtanong—sino nga ba ang tunay niyang babae?
8.8701.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 25.9K Beses bilang eh paano kung
Ipakita ang mga Review (88)
Read
+Library
Shiela
ano ba author mag 400 chapter na ang kwento mu.ne minsan wala pang kilig na nagaganap.baka nman paabotin mu pa hangang 1k nyan.dami muna sinali sa kwento nila para lng humaba.bat kaya hnd mu nlng gawan ng mga bagong kwento.ang mga sinasali mu.hnd nako magtataka sa mga susunod na mga bagong kwento mu
vzy
medyo nalilito lang ako sa characters mo author. sa kabanata 1, may pinapasok na magandang babae si vaiana para tumabi kay kyro di ba bago siya lumabas sa suite? sabi pa roon na “babaeng siya mismo ang tumawag”, e bakit kailangan pa oumunta ni vaiana sa bar para maghanap ng babaeng ihaharap kay kyro
Basahin ang Lahat ng Review
SPIN THE BOTTLE

SPIN THE BOTTLE

Elo Arm
Masayang magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay ka sa lahat ng bagay, may kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, may kaagapay sa oras ng problema at higit sa lahat may kasama kang harapin ang laro ng buhay. Pero paano kung magkakasama kayong masangkot sa isang laro? Isang larong nakasalalay ang inyog buhay. Isang larong hindi niyo alam kung sino ang taya. Isang larong babago sa orasan ng buhay. Isang bote! Isang boteng magsisilbing orasan, Isang boteng magdidikta nang inyong katapusan, Kung sinong matapatan at matigilan siyang mawawalan ng tuluyan. Ngunit isang paraan! Isang paraang magpapatigil sa pag-ikot nito, ang hahanap sa taya ng katakot-takot na laro, at ito ay ang sundin ang kaisa-isaang patakaran, ...at ang Ultimate Rule: "Trust No One" Ikaw sinong pingkakatiwalaan mo???
106.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 213 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
One Night Stand With my Professor

One Night Stand With my Professor

Almaxx
"Kung pananagutan molang ako dahil nabuntis moku wag munang ituloy, Dahil pareho lang tayong masasaktan, Ikukulong mo yung sarili mo sakin dahil nabuntis mulang ako! Kahit hindi moku mahal? At ayukong mangyari yun!" -MJ. Dahil sa isang pagkakamali ni MJ na hindi naman nya sinasadya napa aga syang nabuntis sa kanyang professor. Ang pagkakamaling iyon ba ay kanyang pinagsisisihan o isang blessing dahil mahal sya ng taong nakabuntis sa kanya? Kung ikaw ang nasa posisyon nya gugustuhin moba? Paano kung ang pagkaka maling iyon ay maging sanhi ng paghinto nya sa pag-aaral? Matatanggap ba iyon ng pamilya nya? Susuportahan ba sya o mas gugustuhin nilang ipalaglag ang batang dinadala nito upang ang kahihiyan na idinulot nya sa pamilyang meron sya ay hindi madungisan.
2.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 93 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
9.631.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.2K Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
Love is Dead

Love is Dead

TheCatWhoDoesntMeow
DE GUIA SERIES 2: Love is Dead Cheating is never in Alyson's dictionary. Kilala siya sa angkan ng mga De Guia bilang dakilang Ambassadress ng Pag-ibig. Kaya naman emotera siyang nag-itim at nagpa-reserve ng puntod nang madiskubreng niloloko siya ng nobyong si Ramon - ang lalaking tunog-kanto ang pangalan pero may abs. Ang malaking problema niya: Paano siya magwawala at maghihisterya sa pait ng pag-ibig gayong Triple A lang ang karakas ng baterya niya? Sino ang tutulong sa kanya sa paglilibing ng feelings kung buntis at baliwag ang masasandalan niyang pinsan na si Erin? At paano siyang hindi madi-distract sa aali-aligid na bigote at abs ni Noonie Valderrama? Love is dead. Or does it really die?
101.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 57 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
One Night With My Ex-Husband

One Night With My Ex-Husband

Sa loob ng dalawang taon, hindi akalain ni Jessy Flores na lokohin siya ng asawang si Philip Montana sa araw pa mismo ng wedding anniversary nila.  Simula rin ng araw na iyon ay nakipaghiwalay siya sa asawa at nagpasyang pumunta ng Baguio kung saan, muling nagkrus ang landas nila ng kaibigang si Niko Alonzo na siyang handang bumuo sa nawasak niyang pagkatao.   Paano kung bawiin siya ni Philip mula kay Niko? Manunumbalik pa ba ang naglahong pag-ibig para sa dating asawa? O haharapin si Niko at kakalimutan si Philip na unti-unting nagising sa katotohanang mahal pa siya nito?
1016.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 541 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
A Wife For Revenge

A Wife For Revenge

Daylan
Mga bata pa lamang sila ay mahal na ni Ann ang CEO ng Luxury Hotel and Resort na si Collin, kaya nang ligawan siya nito at yayaing magpakasal agad ay hindi siya nagdalawang-isip at pumayag agad. Akala niya ay magiging masaya ang buhay niya dahil sa lalaking mahal niya siya nagpakasal ngunit nagkamali siya. Dahil kinasangkapan lang pala siya ni Collin para paghigantihan ang daddy nito na siyang pangalawang asawa ng mommy niya. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa ay tiniis niya ang mga pasakit na ginagawa nito sa kanya. Ngunit hanggang saan ang gagawin niyang pagpapaka-martir dahil sa pag-ibig? Kung sobrang durog na durog na ang kanyang puso? Kung pati sa kanyang sarili ay tuluyan na siyang mawalan ng respeto at hindi na niya kaya pang bumangon pa? Bago pa mangyari iyon ay lumayo na siya habang dala sa sinapupunan niya ang bunga ng pagmamahal niya sa asawa. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila. Lahat gagawin ni Collin makuha lamang sa kanya ang anak nila. Ngunit hindi siya papayag sa plano nito dahil may sarili siyang plano. At ang planong iyon ay uumpisahan niya sa pamamagitan ng kanyang anak. Subaybayan ang kuwento ng isang babaeng sobrang nagmahal kaya sobrang nasaktan. Kung paano niya binuo ang pira-pirasong puso at kung paano niya pinalambot ang tila bakal na puso ng kanyang dating asawa sa pamamagitan ng kanilang nag-iisang anak na siyang muling magbubuklod sa kanilang dalawa.
105.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 157 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
My Bestfriend, My Lover

My Bestfriend, My Lover

paano kapag matatali ka sa isang kaibigan mong matagal mo nang minahal pero hindi ka naman mahal? hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa inyong pagsasama kung alam mo namang may ibang pangalan ang isinisigaw ang puso niya? kaya mo bang magpakatanga para lang makasama siya kahit na alam mong hindi ka niya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya?
108.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 262 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
The Unwanted Wife Of Mr Villareal

The Unwanted Wife Of Mr Villareal

Ikinasal si Luther Villarreal at Eunice Sanchez kahit walang pagmamahal para sa isat-isa magkaroon lamang buong pamilya ang anak niyang si Isaac. Ngunit paano kung nung una palang ay mahal na ni Eunice si Luther, kaya rin kaya siyang mahalin nito? Gayong ang mahal naman nito ay si Monica. Samahan niyo akong umiyak at tumawa sa storya ng buhay ni Eunice Sanchez.
103.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 82 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
PREV
1
...
3233343536
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status