Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle
Sa loob ng limang taon, nanatiling anino si Evorie Smith sa sarili niyang buhay may asawa. Akala niya, ang pagsailalim sa IVF ang magiging susi para mahalin siya ng asawang si Rafael Dadan, ngunit ang DNA result ay nagsiwalat ng malupit na katotohanan, ang batang si Ginger na apat na taon niyang inalagaan at minahal ay hindi niya tunay na anak. Ginamit lamang siya nina Rafael at ng kapatid sa labas na si Violet bilang surrogate para sa bunga ng kanilang kataksilan.
Habang nagpapakasasa ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig, nagpasya si Evorie na tapusin ang pagiging martir. Sa gabi ng kanilang fifth wedding anniversary, na mas pinili ni Rafael na gugulin kasama si Violet, nilayasan ni Evorie ang mansiyon, bitbit ang poot. Hindi lang diborsyo ang kanyang pakay, kundi plano niyang sunugin ang mundo ng mga taong umabuso sa kanya.
Sinimulan niya ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagsabotahe sa kasal ni Violet at ng bilyonaryong CEO na si Alistair Vanderbilt. Matapos ibunyag ang isang malaswang video ng dalawang taksil, hinarap ni Evorie ang bulag at malupit na groom. Naglatag siya ng mapangahas na deal, isang kasal kapalit ng pagkakaroon ng tagapagmana para sa lola ni Alistair. Pumayag agad si Alistair, ngunit may kondisyon.
"Have sex with me, now. Show me if you can handle a monster like me."
Wala nang atrasan. Gagawin ni Evorie ang lahat para mapabagsak sina Rafael at Violet, kahit pa ibigay ang kanyang katawan at kaluluwa sa lalaking kinaiinisan at kinatatakutan ng lahat.