Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1132.1K viewsCompleted
Read
Add to library
REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

Matapos ang tatlong taong pakikipagrelasyon sa isang mayaman na tagapagmana sa Cebu na si Simon, handa na sana si Zaniah na ipakilala ang tunay niyang pagkatao at mag-alok ng kasal para sa alyansa ng kanilang mga pamilya. Ngunit sa mismong araw ng proposal, gumawa ng dahilan si Simon para makaalis—yun pala ay nasa isang nightclub ito at napapaligiran ng ibang mga babae. Doon ay mayabang nitong sinabi na hinding-hindi ito magpapakasal sa isang babaeng mababa ang katayuan sa buhay. Nang makita ang tunay na ugali nito, hindi nag-atubili si Zaniah na iwan ito. Sa halip, lumapit siya sa mas makapangyarihang tao—ang tito ng lalaki si Conrad Martin. Para sa kanya, kung alyansa lang din naman ang habol sa kasal, wala namang pagkakaiba kung sino ang mapapangasawa niya. Sa araw ng engagement ni Simon sa anak sa labas ng pamilya ng Javier, nakita niya ang dati niyang girlfriend na si Zaniah, usap-usapang walang kwentang tagapagmana noon. Nakatayo ito habang nakaakbay sa kanyang tito Conrad, at ang ganda ng ngiti nito na tila hindi na niya kayang abutin pa. "Pamangkin," malumanay na pagtawag ni Zaniah, "Bakit hindi mo ako tawaging Tita?"
Romance
132 viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1029.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Obsession is My Sweetest Revenge

His Obsession is My Sweetest Revenge

"I will be the villain in your story if that means you’ll stay in mine" ..... Nawala ang mga magulang ni Talitha dahil sa kagagawan ng pamilya Salvador. Kaya ang paghihiganti ang tanging tibok ng kanyang puso. Upang magkawatak-watak ang mga ito, pumasok si Talitha sa mansion nila bilang isang katulong. Ang kaniyang plano? Akitin ang ama ng tahanan at ang nag-iisang anak nilang lalaki. Naniniwala si Talitha na madali niyang maisasagawa ang kaniyang plano—dahil siya ang palay na kusang lalapit sa mga manok. Ngunit nang makilala niya si Locke Salvador, ang tanging tagapagmana, nagbago ang lahat. Si Locke ay singlamig ng yelo at tila walang interes sa sinuman. Kaya ang laro ay bumaliktad: Mula sa pagiging mang-aakit, bigla siyang naging biktima ng mapanganib na atensyon ni Locke. Ngayon, hindi na lamang paghihiganti ang laro. Kailangang maging handa si Talitha na gamitin ang nakakapasong obsesyon ni Locke para matapos ang misyon na nagsimula sa paghihiganti at pighati.
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYOR DEVRYCK MARCOV

MAYOR DEVRYCK MARCOV

Warning: R-18 Si Yza ay nasa kolehiyo pa lamang nang biglaang bumagsak ang negosyo ng kanyang pamilya. Para maiahon niya ang palubog na negosyo, kailangan niyang maghanap ng taong makakatulong sa kanya. Kilala na niya si Mayor Devryck Marcov dahil anak ito ng isang kaibigan ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yza na lumapit kay Mayor Devryck upang humingi ng tulong, umaasang siya ang makakatulong sa kanilang pamilya na makabangon mula sa krisis.
Romance
433 viewsOngoing
Read
Add to library
So Eager To Please

So Eager To Please

twanyo
Party-goer si Karisma. Isang gabi nang may magtangkang masama sa kanya ay iniligtas siya ng isang lalaki na nandoon, si Tobias Ortega. Nang malaman ng kanyang ina ang nangyari ay inutusan siya nitong pilitin ang binata na pumayag para maging personal bodyguard niya, kung hindi ay hindi na siya papayagan pang dumalo sa mga parties. Ngunit ayaw ni Tobias, kaya’t nagpasya si Karisma na pilitin ito at ligawan. Mapapapayag niya kaya ito?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Wife's Secret Son

My Wife's Secret Son

Isang gabi ang nagbago sa buhay ni Amara Villanueva. Matapos ang isang party, nauwi siya sa one-night stand sa isang lalaking hindi niya man lang nakilala. Kinaumagahan, umalis siya habang natutulog pa ang lalaki—at makalipas ang ilang buwan, nalaman niyang buntis siya. Pinili niyang itago ang kanyang anak at palakihin ito nang mag-isa. Tanging ang kanyang magulang at identical twin na si Althea ang nakakaalam ng kanyang lihim. Ngunit nagbago ang lahat nang biglang mawala si Althea bago ang engagement nito sa billionaire na si Ethan Reyes. Para iligtas ang reputasyon ng kanilang pamilya, napilitan si Amara na magpanggap bilang kanyang twin at pakasalan ang lalaki. Habang unti-unting nahuhulog ang puso niya kay Ethan, biglang bumalik si Althea upang tapusin ang kanyang pagpapanggap. Ngunit hindi pa rin nasasabi ni Amara ang katotohanang matagal na niyang tinatago. Dahil ang lalaking pinakasalan niya… ay siya  ama ng kanyang anak.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Puppet

The Billionaire's Puppet

Crysineee
Walang ibang ginugusto, kun’di ang tahimik at magandang buhay ang dalaga na si Everleigh Evangelista. Wala sa kan’yang bokabularyo ang pag-ibig ngunit paano kung makatagpo siyang dalawang bilyonaryong lalaki na mag mamay-ari sa kan’ya? Ang bilyonaryong si Ezra Parker na bumili sa kan’yang pagkatao at si Alcair Carson na kan’yang asawa ngunit sa papel lang. Paano kung mabuo ang pagmamahal ng dalawang bilyonaryo sa kan’ya? Sino ang pipiliin niya?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950

Read Fallout Si Fanfiction Novels & Stories Online

Here are 500 novels related to fallout si fanfiction for you to read online. Generally, fallout si fanfiction or similar novel stories can be found in various book genres such as Romance and Urban. Start your reading from Sweet Revenge (Atty. David Loyola) at GoodNovel!
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status