Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride
Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo.
Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan.
"Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?"
Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw.
Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?