Best Maid Ever
Desperado at naipit sa isang sitwasyon, hindi inakala ni Astrid Monteneses na magbubunga ang isang gabi kapiling ang kilalang business tycoon sa bansa na si Ruex Villaflor. Alam niyang wala siyang kapasidad na buhayin mag-isa ang bata, kaya kahit masakit, iniwan niya ang anak sa harap ng bahay ng mayamang ama nito. Lumipas ang mga taon, nalaman niyang naghahanap sila ng mag-aalaga sa bata. Walang patumpik-tumpik niyang kinuha ang pagkakataon. Hindi man niya nagampanan ang pagiging mabuting ina, ngayon, sisiguradugin niyang siya ang magiging best maid ever.