Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1127.0K viewsCompleted
Read
Add to library
POWER OF DESIRE (FILIPINO)

POWER OF DESIRE (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONT'ENT Matapos mapag-alaman ang tungkol sa ginagawang panloloko sa kaniya ng kaniyang nobyo na si Norman ay labis na nasaktan si Aria. Pero hindi niya inakala na ang masakit na pangyayaring iyon ng kaniyang buhay ang magdadala sa kaniya kay James.Gwapo, mayaman pero babaero.At si James ang klase ng sitwasyon na alam ni Aria na hindi niya makakayang iwasan kailanman.O maaaring alam niya at ang totoo ay ayaw lamang niyang gawin iyon?Pero anak lang ang kailangan nito sa kaniya. At siyempre kasama narin doon ang bagay na alam niyang siya man gugustuhin niyang maulit dahil hinahangad narin niya.Paano naman ang puso niya?Ano ang katiyakan na hindi siya iibig sa binata kung ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay kay James niya nakita?
Romance
9.7145.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sister's Lover is my Husband

My Sister's Lover is my Husband

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Pinapangarap ito ng bawat kababaihan dahil sa hatid nitong kaligayahan—pero hindi para kay Aira. Ang groom niya kasi na si Dave ay ang long-time boyfriend ng bunso niyang kapatid na si Trina. Pakiramdam tuloy ni Aira ay magiging kontrabida lang siya sa pag-iibigan ng dalawa. Gayun pa man ay wala rin siyang nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Natuloy ang kasal nila Dave at Aira. Sa kabila ng pagiging opisyal na mag-asawa ng dalawa ay nagpatuloy pa rin ang pagkikita nila Dave at Trina. Hindi naman ito naging lihim kay Aira. Hinayaan nya lang ang dalawa na ipagpatuloy ang relasyon nila. Tanggap niya na kasi ang katotohanang hindi naman talaga siya mahal ni Dave at napilitan lamang itong magpakasal sa kanya dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kay Dave at Aira Matapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na gabi ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Isang pag-iibigan ang nabuo nang hindi nila namamalayan. Sa pagsasamahang dulot lamang ng isang kasunduan ay mahanap kaya ng dalawa ang tunay na pagmamahal? Kaya bang agawin ni Aira si Dave kay Trina na una nitong minahal?
Romance
10206.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Dr. Billionaire

Chasing Dr. Billionaire

Tintin & Andrew Love story -- from YOUR HERO YOUR LOVER 17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng kursong medisina. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya susuyuin ang binata lalo na ngayon na dumating ng ang ex-girlfriend ni Andrew?
Romance
9.9142.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Three Month Agreement

Three Month Agreement

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo." Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga. Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante. In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce. Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?
Romance
9.9195.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Death Wish
((( Julius POV’s )))Napabangon ako dahil sa bungangang yun. Tinignan ko yung babae.“Huwag kang lalapit sa akin!” Bigla akong ngumit at natawa sa sarili ko. Kung gano'n ang babaeng 'to ay walang iba kundi si Janine.“Seems I have a “good” Morning. Good morning Janine.”Bigla akong pinaghahampas ng unan ni Janine. Ewan parang ang saya eh. Nakalapit ako sa kanya. Pinigilan ko ang kamay niya saka hinila ko siya palapit sa akin.“Bitiwan mo ako Julius!” Hinalikan ko siya sa noo. Natigilan siya sa kakapalag.“Now, your mine.” Saka ko siya hinalikan sa labi.Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kaya bigla niya akong sinampal. Ngumiti lang ako bilang tugon...“I know. I deserve it.” At muli ko siyang hinalikan.“Julius! Gumising ka nga!” At pinagsasampal ako ni Janine, magkabilaang pisngi. Pinigilan ko ang kamay niya.“Gising na gising ako. Gusto mo pa?” Pak!Aww...yun ang masakit.“Di ako nakikipaglokohan sa'yo!” Ngumiti ako.“Sa tingin mo niloloko kita?”“Ahhhh....hmmm..” Hinalikan ko eh.At bago ako bumangon, hinalikan ko siya sa pisngi. Natulala siya.Bumangon na ako. Tinali ko ang robe ko at kinindatan siya bago ako pumunta ng banyo.Nang makapasok ako, narinig ko ang pagsisigaw ni Janine.Nakita ko naman ang refleksyon ko sa salamin. Ngiting-ngiti na napapailing. Naghilamos ako. Iniisip ko kung sino sa dalawang ama-amahan ko ang gumawa nito.
8.9188.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Lucy Pearl SPG

Lucy Pearl SPG

Lumaki si Lucy Pearl na palagi lang nasa likod ng anino ng kanyang ate Angelica. Magmula sa kanilang mga magulang hanggang sa mga taong nakapaligid sa kanila ay puro si Angelica ang magaling at si Lucy Pearl ang hindi. Maging sa lalaking napili nyang mahalin ay ang ate Angelica pa rin nya ang nagwagi. Ano ang gagawin ni Lucy Pearl kung malaman nya na pati ang lalaking nagugustuhan nya pala ay ginamit lang pala sya para mapalapit sa kanyang ate Angelica?
Romance
10197.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

MissBangs001
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
9.7103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Damon Castagners Story)🔞 Nang mabalitaan ni Amelia na nangangailangan ng kasambahay sa mala-palasyong mansion ng mga Castagners ay hindi na siya nagdalawang-isip na mamasukan bilang kasambahay sa mga ito. Bukod sa malaki ang sahod ay gusto rin niya na malaman kung totoo ba ang bali-balita na mayro'n daw na isang halimaw ang nakatira ro'n. Dala nang kuryusidad ay pikit-mata niyang tinanggap ang trabaho. Nang makapasok na siya ay saka niya nalaman kung bakit halimaw ang bansag sa amo niyang binata. Mapa-amo niya kaya ang binata na walang ibang alam gawin kundi ang manakit, manaboy at maliitin siya? Matitibag ba niya ang pader sa pagitan nilang dalawa? O darating ang araw na masasaktan lang nila ang isa't isa? TRAPPED SERIES#2. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) SOON 5.Broken hearts and promises (Miguel) SOON 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
10219.4K viewsCompleted
Read
Add to library
TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce

TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce

"SA TINGIN mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..." *** Noon pa man ay mahal na ni Amanda Fabregas si Theo Torregoza. Lahat ay kaya niyang gawin para sa lalaki maging ang pagbitaw sa sarili niyang pangarap. Kaya naman nang makasal si Amanda kay Theo, wala siyang ibang ginawa kundi maging masunurin at perpekto sa lalaki. Naging mabuti siyang asawa kay Theo. Ibinuhos niya ang pagmamahal niya rito ng buong puso pero sa huli... iba pa rin ang nasa puso nito. Nang sa wakas magising si Amanda sa kahibangan niya kay Theo, naisip niyang makipagdivorce na sa lalaki. Pero ayaw ni Theo. Gusto niyang magdusa si Amanda sa kasal at pagmamahal na ni minsan nasuklian. Gusto niyang pahirapan si Amanda. Hanggang saan aabot ang pagtitiis ni Amanda kay Theo? Hanggang saan aabot ang pusong paulit-ulit lamang sinugatan at kailanma'y hindi napahalagahan?
Romance
10138.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status