Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10676 viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by the Mafia Boss

Owned by the Mafia Boss

Ydewons
Dalawang bagay lang ang gustong magawa ni Grace Morales sa buhay niya. Una ay gusto niyang maipagamot ang kapatid niyang si Gerald sa sakit nito sa puso at ang pangalawa naman ay ang matustusan niya ang pangangailangan nilang magkapatid. Ulilang lubos na silang dalawa kaya naman lahat ng trabaho ay papatusin na ng dalaga... kahit ang pagbibigay aliw sa lalaki ay gagawin niya na rin. Ngunit hindi niya pa man naibibigay ang sarili niya sa una niyang customer nang alukin siya nito ng isang kasunduan. He wants her to carry his child! Noong una ay nag-aalinlangan pa ang dalaga kung papayag ba siya sa kabaliwang iyon ngunit agad na rin siyang sumang-ayon nang sapilitan silang palayasin sa tinitirhan nilang barong-barong. Isang kasunduan na bumago sa buhay ni Grace. Akala niya ay siyam na buwan niya lang dadalhin ang bata sa sinapupunan niya ngunit hindi niya pa man nagagawang ilabas ang bata ay sunod-sunod na ang pasabog ang malalaman niya. Ngunit isang bagay lang ang sigurado siya, magigising nalang siya isang araw na hindi na siya ang nagmamay-ari sa buhay niya. Because after she signed the agreement, she is now absolutely and definitely owned by the Mafia Boss.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko

Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko

Nangilid ang luha ni Alyana nang makita ang mga letrato na nagpapatunay ng panloloko sa kanya ni Derrick. Muling bumalik sa kanya ang sakit na talagang niloloko lang siya ni Derrick, na nioloko lang siya ng kaisa isang lalakeng pinagkatiwalaan niya. “Your boyfriend has been cheating on you since you’ve been together. And I need a wife for me to get my inheritance. Kaya pakasalan mo ako, at ipamukha natin sa pamangkin ko kung gaano siya katanga na pinakawalan ka," mariing ani pa ni Gabriel. Mabigat ang bawat salita, punong-puno ng determinasyon at galit. Sabay noon, dahan-dahang nilagay ni Gabriel ang kamay sa bewang ni Alyana. Hindi siya agad gumalaw. Parang natigilan ang buong katawan niya, pero kasunod no’n ay ang mainit na dampi ng labi ni Gabriel sa kanya, mabilis, ngunit may bakas ng kontroladong pagnanasa. Isang halik na parang paunang tikim sa mas mapusok pang alok. Napasinghap si Alyana, napaigtad sa gulat. Napatingin siya sa mga mata ni Gabriel, matapang, diretso, at puno ng panunukso. "It's a win-win situation," bulong ni Gabriel, habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Makakapaghiganti ka sa manloloko mong ex, at ako, makukuha ko ang mana ko."
Romance
1016.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran. Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina. Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan? Book 1: Completed Book 2: Completed Book 3: Completed
Romance
1073.5K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Deigratiamimi
Hi po. If you are wondering kung bakit ang haba ng chapters, starting from chapter 138 ay book 2 na po. Story sa eldest child nina Anabelle at Raheel na si TJ. Book 1: Anabelle and Raheel (Chapter 1-137) Book 2: Kaisha and TJ (Starting from Chapter 138) Maraming salamat at happy 41kviews! 🩷
Papamooooo
May nakita akong nagagalit sa comment HAHAHAHAHA nakikita ko ang sarili ko sa kanila, pero nang ipinagpatuloy ako sa pagbabasa, sheeeett para akong naiihi sa kilig ng lovestory ni Tj at Kaisha. Author ang ganda ng story nila. Bawing-bawi ang inis ko sa kwento ng mga magulang ni TJ.
Read All Reviews
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1016.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid For Pleasure (SPG)

Maid For Pleasure (SPG)

AN EROTIC ROMANCE NOVEL. READ RESPONSIBLY. STORY CONTAINS MATURE CONTENT. Grayson Andrade suffered so much from the betrayal of his fiancee. Dahil sa sakit, poot at pandidiri sa dating nobya, malaki ang naging epekto nito sa kanyang katawan; hindi na magawang tumigas pa ng kanyang pagkalalaki! It brought shame and disgrace to him, and as a man who was once worshiped and adored by women, he finds it hard to accept his condition. He tried everything to cure his erectile dysfunction but to no avail. Pero nang makilala niya ang isa sa mga katulong sa mansyon ng kanyang yumaong ama na si Olivia ay bigla na lamang tumayo ang pagkalalaki niya at pagkatigas-tigas pa nito. Gagawin ni Grayson ang lahat mapapayag niya lamang ang dalaga na tulongan siya nitong gumaling sapagka't si Olivia lamang ang may kakayahang patigasin ang kanyang nagtatampong pagkalalaki.
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For My Cold Lady Boss

Falling For My Cold Lady Boss

Masayahin at palabiro si Halina Hernandez noong kabataan niya. Ngunit nang masaktan sa unang pag-ibig niya kay Goddy Vásquez, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw—naging malamig siya at natutong husgahan ang mga taong hindi ka-level ng kanyang estado. Ayaw na niyang bumaba mula sa pedestal na tinatayuan niya, lalo na para magmahal muli ng isang lalaking hindi niya kapantay. Makalipas ang anim na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Akala niya, tuluyan na niyang nalimot ang sakit na dulot ng unang pag-ibig niya—pero nagkakamali siya. Dahil sa bawat paglapit ni Goddy, muli niyang naramdaman ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan. Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamataas, o muli siyang mahuhulog sa isang pag-ibig na minsan nang sumira sa kanya?
Romance
1015.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Rated SPG Thea Reyes' common-law husband cheated on her, nahuli niya sa aktong hubo't-hubad at magkapatong ang kanyang partner at matalik na kaibigan sa ibabaw ng kama sa kanilang kuwarto kaya't walang pag-aatubili itong lumayas mula sa kanilang bahay at naghanap ng maupahang apartment para doon muna mamalagi habang hinihintay ang tawag mula sa ina-applyan niyang trabaho. Mahigit isang buwan na ang lumipas ng umalis siya sa kanilang bahay ngunit hindi siya hinanap ng kanyang partner. Naisipan niyang pumunta ng club para libangin ang sarili, gusto na niyang makalimutan ang sakit na ibinigay ng kanyang asawa at ng inakala niyang mabuting kaibigan. She went to the club and accidentally encounter a handsome stranger and had a one-night stand with him. Kinabukasan ay tinawagan na ito sa kanyang ina-applyang trabaho bilang katulong sa mansyon. Nabigla nalang si Thea ng malaman niya na ang naka one-night stand niya ay anak pala ng magiging boss niya. Ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod na kabanata ng storya nila? Paninindigan kaya nila ang kanilang na simulan? Paano kung hindi sasang-ayon ang Ina nito? Maisasakatuparan pa kaya ang mga pangako?
Romance
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status