Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A Playboy's Touch

A Playboy's Touch

'Kasal muna bago ang lahat.' Isang tradisyunal na paniniwala ni Sunday Morales na kaniyang labis na pinahahalagahan. Kaya nga kahit gusto ng nobyo niyang may mangyari sa kanila ay umaayaw s'ya. Nang isang araw ay naabutan niya itong halos gumawa na ng kababalaghan kasama ang isang babae. At noon din nama'y nakilala niya ang isang estrangherong lalaki na parang may dalang sumpa at hindi niya matanggihan. Isang gabing kaniyang pagsisisihan dahil ibinigay niya ang kaniyang pinakaiingatang dangal. Isang lalaking mahilig sa babae. Mapaninindigan kaya niyang ilayo ang sarili dito gayong patuloy ito sa paglapit at pang-aakit sa kaniya?
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen Wife Of The Billionaire

The Chosen Wife Of The Billionaire

WARNING: MATURED CONTENT: RATED SPG Contract marriage? Iyong ang pinasok ni Ellise dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipaopera ang kanyang mama. Si Nathan Francisco. Ang boss ni Ellise. Pinapirma siya nito ng kasunduan. Magpapakasal siya dito kapalit ng malaking halaga na kailangan niya. Nagdadalawang isip man siya dahil sa mga katanungan sa kanyang isipan kung bakit siya nadamay sa will ng lolo ng kanyang boss ay wala siyang magawa. Siya ang pinili ng lolo ni Nathan na pakasalan nito at kung hindi siya pakasalan ni Nathan ay mawawala dito ang mga negosyong pinaghirapan nito. Galit! Iyon ang naramdaman ni Nathan sa kanyang lolo dahil sa pagmamanipula nito. At higit sa lahat ay galit para kay Ellise. At nabuo sa kanya ang katanungan. Ano ang ipinakain ni Ellise sa kanyang lolo at bakit siya ang napili nito. Dahil sa ayaw mawala ni Nathan ang mga pinaghirapan ay nakapagdesisyon siya. Gumawa siya ng kasulatan para mapilitang magpakasal sa kanya si Ellise At ang kasulatang iyon... Kasunduan para sa kanilang kasal.
Romance
9.837.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Tycoon's Triplets

The Tycoon's Triplets

Natuklasan ni Maximus na nakatakas siya sa assasination attempt dahil sa pagkakamaling nagawa ng hotel. Maling susi ang naibigay sa kaniya kaya siya napunta sa kwarto ni Celeste. Ang akala ni Celeste kasama niya ang lalaking handang magbayad sa kaniya ng malaking pera para sa isang gabi pero isang pagkakamali dahil ang lalaking pumasok sa kwarto niya ay ang pinakamakapangyarihan na businessman sa bansa. Gusto niyang magsimula para mabawi niya ang kompanya ng kaniyang ina sa kamay ng half-sister niya kaya nagawa niyang ialok ang sarili niya sa hindi niya kilala pero itinakwil siya ng kaniyang ama nang mapanuod nito ang malaswang video ni Celeste.Ipinahanap ni Maximus ang babaeng nakasama niya, ang babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya noong gabing muntik siyang mamatay. Nang malaman ni Hannah na ibang lalaki pala ang nakasama ng kapatid niya mabilis siyang gumawa ng paraan. Nagpanggap si Hannah na siya ang nakasama ni Maximus sa hotel ng sa ganun ay magkaroon sila ng romance relationship with the most powerful man. Paano kung pagbalik ni Celeste ng bansa, malaman niyang boyfriend na ng kapatid niya ang ama ng tatlo niyang anak? Will she tell to Maximus the truth about the kids or will she hide it until she can?
Romance
9.6798.6K viewsCompleted
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Zea Hara Kaira Suficiencia
Hi author, ilang araw na tong nasa library ko pero ngaun ko lang nabasa .. ang ganda ng kwento promise pero pansin ko may hawig siya sa three little guardian na isa mga paborito ko din dito sa GN .. Pero ganun pa man pwd pakituloy po ng kwento kasi ang ganda ganda po eh. maraming salamat po author..
nezz agg
ganda naman ng kwento nila maximus at celeste. ang inantay ko kung ano ang naging ending nila. nagtataka ako bakit napunta ang kwento kay aurora at hunter. iniisip ko na baka kasi connected pa rin sa pagkawala ni hunter kaya kinuwento ang naging buhay ni hunter ng nawala cya sa sirkulasyon.
Read All Reviews
The Billionaire's Temporary Wife

The Billionaire's Temporary Wife

Everelle Ponferrada, lumaki sa isang mahirap na bayan, mag isang itinataguyod ang kanyang magulang na hindi na makapag trabaho at ang pamangkin nito. Ang papa niya ay na disgrasya sa trabaho habang nanay niya ay hirap na gumalaw dahil sa katandaan. Pinag aaral niya ang pamangkin habang siya ay tumigil at mas tinutukan nalang ang pagtatrabaho para maka kayod sa buhay. Isaac Kezair Kavanaugh, ang nangungunang bilyonarnayo sa bansa. Ayaw niyang maipagkasundo sa babaeng inireto sakanya ng kanyang ama kaya gumawa siya ng paraan para hindi ito matuloy. Inalok ni Isaac si Everell na magpanggap bilang kanyang asawa kapalit non ang malaking halagang pera. Pumayag si Everelle at tinanggap ito. Ngunit paano kung habang nagpapanggap silang mag asawa ay unti-unti ring nagkakaroon ng nararamdaman sa isa't isa?
Romance
10482 viewsOngoing
Read
Add to library
Pagbabayad sa Maling Akala

Pagbabayad sa Maling Akala

Ang bunsong anak ko, na pitong taong gulang palang, ay natuklaw ng ahas. Dinala ko siya sa ospital ng aking panganay na anak para ipagamot. Sa hindi inaasahan, inakala ng girlfriend ng aking panganay na anak na ako ay kanyang kabit. Hindi lang niya pinipigilan ang mga medical staff sa pagpapagamot sa bunso kong anank, kundi sinampal niya pa ako. "Perfect match kami ng boyfriend ko. Ang kapal ng mukha mo para dalhin ang hindi mo tunay na anak dito para hamunin ako!" Idiniin niya ako sa sahig habang hinahampas at sinasaktan niya ako. Sumigaw pa siya, "Ang isang malandi na tulad mo ay titigil lang sa pang-aakit sa iba kapag hindi mo na kaya!" Binuugbog ako, maraming pasa, at duguan habang dinadala ako sa emergency room. Ang aking panganay na anak ang humahawak sa operasyon. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa kanyang scalpel, at mukha siyang mapula. "Sino ang gumawa nito sa iyo, Ma?"
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

Reynang Elena
Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status