Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6423.9K viewsOngoing
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hahaha naku Ms A masyado pala kami naexcite noong nlaman ni Geoff na Meron Sila anak ni Allyson at nlaman na Rin sa wakas Ang totoong pagkatao ni allyson..Hindi pa pla tapos dhil Meron pa pala kontrabida sa buhay nila..sana Ms A maikulong Ang mga dapat nakulong kapag ginawan nila ng masama
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Read All Reviews
That First Night With Mr. CEO

That First Night With Mr. CEO

Girl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang maysakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, sadyang nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusa niyang isuko ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, “Have we met before?” Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.
Romance
9.6404.5K viewsOngoing
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Jenny Javier
Starting today, maari na po ninyo mabasa ang story nina Gael at Charlie sa librong ito. Pagkatapos ko pong idagdag ang Loving The Lost Billionaire dito, isusunod ko na po ang story ni Caleb. Salamat po sa patuloy ninyong suporta.
Cheryle Lobrino
hi po.... kakabasa ko lang po ng novel nio at sobrang nagustuhan ko po... ask ko lng po kung series po ba ito? kc po nabanggit nio sa last na susunod po ung 2nd gen... gusto ko po sana mabasa ung mga nauna pi d2 kung series po eti.
Read All Reviews
Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!

Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!

"Kailangan ko ng anak, ibibigay mo sa akin iyun sa ayaw at gusto mo!" Elijah Villarama Valdez! Mula sa mayamang angkan ng mga Villarama Clan at walong taon nang hinahanap ang kanyang pag-ibig sa katauhan ni Ethel Angeles! Subalit nang matagpuan niya ito pagkatapos ng walong taon, napag-alaman niyang mayroon na itong ibang lalaking iniibig! Para makabawi sa lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa dito, pinili niya na lang na magpaubaya pero sa isang kondisyon, kukunin niya ang kustudiya ng anak nilang si Ezekiel! Papayag lang si Ethel na ibigay ang kustudiya ng kanilang anak kung magbabayad siya ng dalampung milyon na kaagad namang sinang-ayunan ni Elijah! Para sa anakm na gusto niyang makapiling, gagawin niya ang lahat pero bago pa niya nakuha ang bata, isang trahedya ang hindi niya inaasahan na nangyari! Nalunod ang kanyang anak at ang itinuturo ni Ethel na may kasalanan ay ang maganda at sexy na life guard na si Jennifer Madlang-awa! "Hindi ako Yaya ng anak mo para twenty four seven ko siyang bantayan!" katagang lumabas sa bibig ng magandang si Jennifer habang kaharap ang umiiyak at galit na si Ethel! Paano matatangap ng isang bilyonaryo na si Elijah ang isang hindi inaasahang trahedya na siyang dahilan kung bakit biglang umusbong ang galit sa puso niya? Malalagpasan niya ba ang pighati na dulot ng matinding kabiguan lalo na kapag malaman niya na ang anak na inaasam niyang makasama ay tuluyan na siyang iniwan dahil sa kapabayaan ng mga taong nakapaligid dito or mananaig ang galit sa puso niya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging sangkot kung bakit napahamak ang anak niya? Sabay-sabay nating tunghayan ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig at kabiguan ng isang Elijah Villarama Valdez!
Romance
9.6302.4K viewsOngoing
Show Reviews (46)
Read
Add to library
Cathy
Pasensya na po talaga kung bakit bihira ang pag-update ko nitong mga nakaraang araw. May emergency na nangyari sa pamilya at sa susunod na linggo pa ako makakapag-update ng regular. Gustuhin ko mang magsulat pero hindi talaga kaya ng time. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
Rosatis Navarro Mucha
hay naku! nkakairita na hind ko alam Anong ngyari sa book na ito Hanggang kabanata 325 lng nabasa ko tapos wala na pagbinuksan ko book NATO blanko lng walng laman ni isa stack up lng sya sa kabanata 325! Hindi ko alam Anong ngyari sa book NATO wala man lng reply yong author nkakainis ng tangkilin!
Read All Reviews
My Boss and Me

My Boss and Me

itsloveren
Isa lang akong simpleng babae, papasok sa opisina, magtatrabaho at uuwi. Wala na sa isip ko ang mainlove simula ng lokohin ako ng una kong . Kaya naman subsob sa trabaho lang ako, kumbaga eto na ang buhay ko. Nagsimula ng magbago ang buhay ko ng mapromote bilang Executive Secretary ni Mr. Montano. Makakaya ko kayang balewalain ang charm nito lalo pa at saksakan ito ng gwapo?
9.6283.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Stalker  (Tagalog)

My Stalker (Tagalog)

Seera Mei
Markisha Ivy Barcelon a simple and smart girl. Marami ang humahanga sa dalaga dahil sa angkin nitong kagandahan at kabaitan. She have a boyfriend, His name is Mikael. They Love each other very much, the relationship they have is so happy and perfect. But.. She thought their relationship was perfect. She thought they would be happy. She thought there would be no problems. But she was wrong. Because everything that mikael showed to her was a lie. Dahil ang totoo Niloko,ginamit at pinag-pustahan siya ng lalaking minahal niya. She was hurt. Durog na durog ang puso niya dahil sa nalaman, Lalo na't lumipas ang linggo, nabalitaan niyang may bago na itong girlfriend. At habang siya nasasaktan pa rin. In an unexpected Day, their paths met. she saw his Ex boyfriend with his new girlfriend. She could not bear to see them. She left, she did not want to see the man because she felt pain and anger. And on the same day, she received a text from a stranger. The person who was texting her was very creepy. he knew everything she was doing, and then she found out that she had a Stalker for a long time. Someone has been following and watching over her for a long time. Naiinis siya dito dahil napakakulit at pakealamero nito. pero habang dumadaan ang araw nasasanay na siya na kausap ito. Gusto niya na makilala ito kaso ayaw ng stalker niya. Pero mapaglaro ang tadhana. Kisha did not expect to meet her stalker in an unexpected incedent. sobrang gulat na gulat siya ng makilala niya ito. Dahil ang stalker niya ay kilalang kilala niya. Ano ang gagawin niya ngayon na nakita na niya ang taong gusto niya makilala? Lalayuan ba niya ito o hahayaan na lang na pumasok sa buhay niya?
10244.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I SECRETLY WED the BOSS

I SECRETLY WED the BOSS

Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
Romance
9.6283.5K viewsOngoing
Show Reviews (35)
Read
Add to library
Snobsnob
Iisang story na nga lang di pa tinapos wala na ata balak ituloy ng author. Namental block na siguro, ikaw ba naman pahabain mo ang story tapos paulit-ulit na lang ang conflict pagdating sa romance part waley wala ng dating.
Analyn Bermudez
sana Hindi Sila maghiwalay at sna mapunta nalang sa totohanan at magkaaminan Sila Ng nararamdaman Ms A hahaha advance thinking eh love love nlng pow...always waiting pa Po susunod na update..pahinga ka Muna Ms A pra mas marami Kapa update sa susunod
Read All Reviews
His Personal Maid

His Personal Maid

MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar. Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.
Romance
9.7362.7K viewsCompleted
Show Reviews (80)
Read
Add to library
Rai
OMG!! nakakakilig naman nitong story worth it na worth it ganito gusto kong basahin Hindi boring enjoy na enjoy ako. Hayssst ganda sobra Hindi ka talaga magpagawa kapag ganitong flow na story. Love na love ko ito support kita author...
Kim francine Botor
hina ap ko ito sa novelah na Sabi ng author soon siya sa novelah mag sususlat.. nag ikawalang chapter Pero wala.. gusto ulit.. ma dugtungan ang pagmamahalan nila Winston at Karina pls po.... Dahil napaganda ng ginawa mong kwento
Read All Reviews
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

Heart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na iyon, na kahit ikabaliw niya ay kailangan niyang magawan ng paraan. Ilang linggo siyang magiging parausan ng lalaking hindi niya kilala, sa halagang two hundred fifty thousand pesos, dahil siya ay virgin. That was the offer of an unknown filthy man. Take it or leave it. Magpapagamit siya habang siya ay tulog para hindi siya magkaroon ng pagkakataon na makilala ang lalaking pagbebentahan niya ng sarili. Dahil sa sobrang kagipitan ay pumayag siya kaagad para sa amang nasa bingit ng kamatayan. Wala na siyang pagkakataon na alamin pa ang pagkatao ng lalaking makakatalik niya at aari sa kanya. She has to save her dying father, that's it! Kahit pa pinakapangit na nilalang sa mundo ang umangkin sa kanya ay papayag siya. Pero hindi pangit ang lalaki nang saglit niyang makita. He was so handsome and he's her boss, her billionaire boss, Deluxe Montesalvo, who was already married for three damn years!
Romance
10331.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Night Shift (TAGALOG)

Night Shift (TAGALOG)

axxelehara
A one hot night with Doctor Remonize Doctolorez ~ Yhra Santos, isang babae na pinag kaitan ng magandang buhay at maayos na pamilya. Anak sa pag kadalaga ng nanay nya sa isang Attorney na may pamilya na. Nag iisang nag tataguyod para sa pamilya nya, hanggang isang araw ay nakilala nya si Remonise, hiwalay sa fiance. Sabi ng binata ay kamuka nito ang dalaga na nang iwan sa kanya, kaya si Yhra ang kinagagalitan nya.
9.7279.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

Si Natasha Marie Garcia ay napasok sa isang sitwasyon na hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Inakala niyang pupunta siya sa Silvestre Mansion para maging isang kasambahay. Ngunit nagkaroon ng setup si Don Juanito. Gusto niyang mapalapit si Natasha sa kanyang apo, kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila at magpakasal. Hindi sana papayag si Natasha, pero wala siyang nagawa kundi magpakasal. Inakala niyang ikakasal lang siya sa isang mayaman, arogante, at nakakainis na lalaki. But she didn't know she was getting married to the leader of the most powerful hidden mafia in the country. Mapaglaro ang tadhana; habang tumatagal ang araw na kasama niya ang kanyang asawa, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito. Hanggang isang araw, natuklasan ni Natasha ang lihim ng kanyang asawa. Behind his sweet and loving smile was a dangerous and powerful mafia boss. Sa una, natakot siya, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa, kaya tinanggap niya ito ng buong puso sa kabila ng madilim nitong buhay. Masaya sila, ngunit dumating ang isang trahedya na nagbago ng kanilang masayang pagsasama. Namatay ang ina ni Natasha sa isang ambush at sinisi niya si Giovanni. She left her husband without a word because of the anger she felt. Binalot ng galit si Natasha, at nagdesisyon siyang maghiganti. Paano mapapatawad ni Natasha ang kanyang asawa kung ang sugat ng nakaraan ay masyadong malalim? Mananaig ba ang kanyang pagmamahal sa lalaking una niyang minahal? Maibabalik pa kaya ang kanilang masayang relasyon? Ano ang gagawin ni Giovanni para mabawi ang babaeng mahal niya? Babalik ba si Natasha sa kanya? O ang kanyang minamahal na asawa ay magiging kanyang kaaway?
Romance
10305.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status