Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Stranger In My Bed

Stranger In My Bed

Sometimes in our lives we do not know who the designated person to be love,dumarating ito nang di mo inaasahan. They are both brokenhearted,sa kanilang mga puso ay sariwa parin ang sugat nito na nilikha ng kanilang past relationship. They meet unexpectedly in place and in time,Coincedence nga lamang ba?or they are meant to be. ATHENA SOLIVEN-eldest daughter of lyneth, Marco Soliven and also adam's twin sister. Princess ang tawag ng amang si Marco sa kanya dahil lagi sinasabi nito na kamukha niya ang inang si Lyneth. Unlike sa ugali ng ina,mataray ito lalo na sa taong di niya kilala until Athena meet Zachery na magpapagulo sa nagdurugo niyang puso. ZACHERY GATCHALIAN-Hall of fame,isang tanyag na doctor dalubhasa sa larangan ng Medicina,pero sugat sa puso di kayang gamutin dahil puso niya mismo ang nangangailangan para maghilom ito. Hanggang sa magkrus ang landas nilang dalawa ni Athena na tulad niya nangangailan rin ng gagamot sa pusong nasugatan.Makakaya kaya nilang gamutin ang sarili nilang mga puso. SNEAK PEEK nagising si Athena ng maramdamang masakit ang ibabang bahagi ng pagkababae niya,sapo rin nito ang ulo dahil sa hangover,ang alam niya naglasing siya kagabi sa kadahilanang ipinagpalit siya nito sa babaeng nakakapagbigay ng ligaya dito .tatayo na sana ito ng malamang may mabigat na bagay ang nakapatong sa tiyan niya. Laking Gulat ng dalaga ng makitang braso ng lalaki ang nakayakap sa kanya,sumilip ito sa loob ng kumot nalaman ni Athena na wala siyang saplot at may kasama siyang lalaking nakahiga sa kama. Napabalikwas ito sa pagkakaupo at sumigaw ng pagkalakas-lakas. AHHHHHH!!! Nagising ang binata sa lakas ng tili ni Athena. Ikaw!? sino ka?YOU RAPED ME??!! at bakit andito ako sa kuwartong ito na kasama ka,Stranger!
Romance
338 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire And The Island Girl

The Billionaire And The Island Girl

Si Kaelen Vireaux ay isang makapangyarihang bilyonaryo na kinatatakutan at hinahangaan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay ang mga taong lihim na naghihintay ng kanyang pagbagsak. Isang gabi, matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang mga kasosyo at tangkaing patayin, nawalan siya ng malay sa gitna ng dagat. Nagising siya sa isang liblib na isla—walang alaala kung sino siya, kung saan siya nanggaling, o kung bakit siya naroon. Ang tanging taong tumulong sa kanya ay si Aelira Bloom, isang tahimik na island girl na namumuhay nang simple sa gitna ng isang maliit na hardin ng mga gulay at halaman. Kilala siya sa sitio bilang kakaiba, dahil tila may malalim siyang koneksyon sa kalikasan. Sa kanyang mga kamay, ang mga halaman ay mabilis tumubo, at ang mga baging ay tila gumagalaw na parang sumusunod sa kanyang kagustuhan. Habang tinutulungan ni Aelira si Kaelen na makabangon at matutong mamuhay muli, unti-unting nabubuo ang isang malalim na ugnayan sa pagitan nila. Sa gitna ng katahimikan ng isla at ng simpleng buhay na natagpuan niya roon, dahan-dahang nahuhulog ang puso ni Kaelen sa babaeng nagligtas sa kanya. Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Kapag bumalik ang kanyang mga alaala, babalik din ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya mga taong handang sirain ang lahat para sa kapangyarihan at kayamanan. At kapag nalaman nila kung nasaan siya, hindi lamang si Kaelen ang magiging target… kundi pati na rin ang babaeng nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Sa isang mundong puno ng pagtataksil at kasakiman, kaya ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na umusbong sa isang tahimik na isla? O tuluyan itong mawawala, tulad ng mga lihim na tinatago ng dagat?
Romance
126 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Her Prince Charming In Disguised

Her Prince Charming In Disguised

Charis Ash
Lumaking salat sa maraming bagay si Candy, kaya pangarap niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang magkakapatid. Nagsisikap siya ng husto upang maabot ang mga ito. At syempre gaya ng pinagarap ng maraming babae, pangarap rin nyang magkaroon ng mala Cinderellang love story. "... lilinawin ko lang first requirements ng magiging prince charming ay Rich capital R I C H --- rich, as in mayaman ung gagawin akong Cinderella ng buhay nya, Pak ganon. Diba bongga ? Pero mas angat pag complete package basta alam nio na yon...? "Kaya kung ikaw lalaki ay wala sa nabanggit wag ka nang magtanggka. Dahil sinasabi ko sayo RED FLAG ka na agad." Nangangarap magkaroon ng prince charming na gagawin siyang reyna ng palasyo nito. Pero paano pa ba mangyayari yon,eh ang pasaway niyang puso, kinilig at nainlove sa isang kargador ng Ricemill at kahit anong iwas niya rito ito parin ang itinitibok ng kanyang puso. Paano ba niya pipigilan ang pusong umibig dito? Susugal ba siyang mahalin ito at i let go nalang ang mala Cinderellang love story na pinangarap niya? Darating pa kaya ang prince charming na inasam niya? Ano kaya ang mananaig pusong nagmamahal o isip na umaasam?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10610 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Huwag Mo Akong Balikan, Atty

Hindi kailanman inakala ni Mara Villanueva na mapupunta siya sa isang kasunduang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang simpleng babae mula sa probinsya, sanay lumaban para sa pamilya, at handang isakripisyo ang lahat—kahit ang sarili niyang puso. Nang magkasakit ang kanyang ama at mawalan siya ng ibang malalapitan, napilitan siyang tanggapin ang alok ng isang lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan. Si Atty. Rafael Cortez—isang makapangyarihan, malamig, at walang pusong abogado na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Sa ilalim ng isang kontrata, naging bahagi si Mara ng mundo nito—isang mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at mapanganib na damdamin. Sa una, malinaw ang hangganan: walang emosyon, walang pakialaman, walang pagmamahal. Ngunit paano kung unti-unting mabura ang mga linyang iyon? Sa gitna ng selos, panlilinlang, at pagbabalik ng babaeng hindi pa tuluyang nawawala sa buhay ni Rafael, mas lalong nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang matuklasan ni Mara ang isang lihim na maaaring magwasak sa lahat ng pinaniniwalaan niya. Sa mundong puno ng kasunduan at kasinungalingan— kaya pa bang piliin ang puso? O mas mabuting panindigan ang isang desisyong minsan na niyang sinabi: “Huwag mo akong balikan, Atty.”
Romance
214 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ACCIDENTALLY IN LOVE

ACCIDENTALLY IN LOVE

“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.” Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang. Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista. Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
Romance
1011.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
710 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status