Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unwanted Husband

Unwanted Husband

11/1/25 : Under Revision One reckless night changed Reign's life. Ang pangarap niyang masayang buhay kasama ang taong mahal niya ay gumuho. A stolen kiss, a secret desire, and a baby that bound her- not with her lover but with her bestfriend. Now, she's trapped in a marriage with her unwanted husband, a man who endured her rejection, her pain and her desperate attempts to break free. Ginawa ng asawa niya ang lahat, sinagad sa hangganan ang pasensya at pag-unawa. Pinuno nito ng pagmamahal si Reign kahit pa pilit itong bumabalik sa multo ng kan'yang nakaraan. He did everything to make Reign realize that he has all she need for. Ngunit lahat ay napapagod. Will the life and love she is dying to fight for, worth more than the sacrificial unconditional love of her UNWANTED HUSBAND ?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Walang ibang hinangad si Naya Diaz kundi ang maayos na pagturing sa kanya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang ina. Ngunit tila ba kahit anong gawin niya ay hindi pa rin sapat para sa kanila ang kanyang pagpupursige. Kaya naman nang pilitin siya na makipagkasal sa kaibigan ng kanyang ina na mas matanda sa kanya ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili. Nagpasya siyang lumayas. Nang malaman ni Xavier Iglesias ang nangyaring iyon, ang kanyang boss at ang kanyang long time boyfriend, ay labis ang pagkasuklam at galit nito sa kanila. Sa ilang taong pagsasama nila bilang magnobyo ay pagod na siyang nakikita ang kanyang nobya na nahihirapan dahil sa sarili nitong pamilya. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ayain at ituloy ang kasal na matagal niya nang binabalak para sa kanilang dalawa. Naya agreed to marry him, but there's a condition. Xavier respects her decision. Ngunit kahit na pilitin niya ang kanyang sarili na tanggapin ang kondisyon na iyon ng asawa ay sawa na siya sa pagtatago. Kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon na makaharap ang pamilya ni Naya ay hindi na siya nagdalawang-isip na isakatuparan ang kanyang plano. Kung ang mga taong kinamumuhian niya ang magiging daan upang masabi niya sa lahat ang tungkol sa relasyon nila, kukunin niya ang oportunidad na iyon. He will pursue his plan, even though there's a hundred percent chance that they'll use him for their own benefit.
Romance
9.24.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.6K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

KweenMheng12
Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Legacy

The Billionaire's Legacy

Virgo Constantino
Anim na buwan. Iyon lang ang ibinigay na panahon ng tiyahin ni Elainne para makapag-asawa siya ng isang Imperial -ang pinakamayamang angkan sa Pilipinas. Pumayag siya dahil alam niyang suntok sa buwan na mangyari iyon dahil isa lamang siyang hawak na squatter girl. Kung mabibigo raw kasi siyang makapangasawa ng isang Imperial ay papayagan na siya ng tiyahin na pumasok sa kumbento at magmadre. Ang lahat ay umaayon sa plano ni Elainne not until Lucas Imperial enter the picture. Disaster ang unang pagkikita nila dahil aksidente niyang natapunan ng pintura ang bago at magarang sports car nito. Kahit isangla niya ang buhay niya ay hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nitong kabayaran sa “perwisyong” idinulot niya sa kotse nito. Tinakot pa siya nito na ipapapulis kung hindi niya magagawang bayaran ang kalahating milyong hinihingi nito sa kanya. “Be my wife, then,” kaswal na tanong ng kumag ng aminin niyang hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nito. “Be my wife, your face!” tigas na tanggi niya. Hinding-hindi siya papayag sa alok ng lalaki dahil una, wala siyang balak na maging asawa ng isang hambog, playboy at walang-direksiyong lalaki. Ikalawa, paano na lang ang pangarap niyang madre? Pero hinalikan siya ng kumag sa harapan ng kumbento at ipinagsigawan sa buong universe na asawa siya nito. Ang ending, itinakda ang kasal nila. Desidido si Elainne na gawin ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal nila pero mas desidido yata si Lucas na gawin ang lahat para mapaibig siya. Hanggang nangyari ang kinatatakutan ni Elainne, nahulog siya sa lalaki...ng very hard. At kung kailan handa na siyang gampanan ang pagiging ulirang asawa sa lalaki ay saka naman ito naghamon ng hiwalayan...
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Girl He Silently Admires From A Distant

The Girl He Silently Admires From A Distant

She's perfect. Kind, beautiful, and hardworking. Scholar din siya sa isang prehistisyosong unibersidad na kilala bilang paaralan ng mga mayayaman. Marami ang nagkakahumaling sa kaniya, pero dahil sa mahirap siya, ay nalalait siya. Because a girl like her shouldn't be studying in a school na hindi ka level ng kaniyang estado sa buhay. Ilang beses at halos araw-araw na siyang binubully, pero dahil sa pangarap na gusto niyang maabot, nagtiis siya. But never did she knows na hindi lang iyon ang pagdadaanan niya. Isang araw, dumating ang SSC council president at nakita ang SSC secretary na pasimuno sa pambubully kay Hailey. Pinaglaban nito si Hailey at sinibak sa pwesto ang mapangahas na bully. Hindi lang 'yun, pinag drop out din sa school due to violence. Lubos ang galit ng mga bully kay Hailey. Dahil kay Hailey napasibak sila at napahiya. Kaya naman, sinet up nila si Hailey at ibenenta sa isang grupo sa bar. She was raped. Hindi niya alam kung sino. Hanggang sa isang hindi inaasahan na pangyayari, nasangkot siya sa isang situwasyon kung saan muntikan na niyang ikamatay. And someone happened to save her. She owed her life to him. But this man wants her as the collateral. Gusto siya nitong maging role play girlfriend nito para lang mapatigil ang ina nito sa kaka appoint ng mga babae. Pero papaano kung malaman niya na ang lalaking ito ay ang rapist niya pala no'ng gabing binenta siya at ng mismong ama ng kaniyang dinadala? Magagawa pa ba niyang mapatawad ito?
Romance
11.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
Romance
611 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PLAY WITH ME, CHELSEA

PLAY WITH ME, CHELSEA

Kinalimutan ni Chelsea ang kanyang pangarap na manirahan at makapagtrabaho sa ibang bansa para gawin ang nais ng kanyang mga magulang kahit labag iyon sa loob niya. Isang mabuting tao ang lalaking papakasalan niya at inaalagaan siya nito, ngunit biglang nagbago lahat ng iyon dahil lamang hindi niya naibigay ang gusto nito. Paiba-iba ang kasama nitong babae at ang mas masaklap na roon ay dinadala niya ito sa kanilang bahay at sa mismong kwarto nila nagtatalik. Gustuhin man niyang makipaghiwalay ay hindi niya iyon basta-bastang magagawa, kaya tiniis na lamang niya lahat ng ginagawa nitong kababuyan. Hanggang isang araw ay sumulpot sa kanyang harapan ang pinsan nitong si Vander at nag-offer ito sa kanya ng isang fake marriage. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Chelsea ang offer nito dahil alam niyang yon ang tanging paraan upang tuluyang masira ang kanilang engagement ng kanyang fiancé Habang tumatagal ay unti-unting napapansin ni Chelsea na nahuhulog na ang kanyang loob kay Vander, agad niya iyong ipinagtapat sa binata at sobra siyang nasiyahan nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Ngunit ang sandaling kasiyahan na iyon ay agad rin napawi, dahil nalaman ng kanyang fiancé na peke lang pala ang kanilang kasal, at sa mismong araw na iyon din ay nalaman ni Chelsea na ginamit lang pala siya ni Vander para sa kanyang sariling interes. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Bibigyan ba ni Chelsea nang pagkakataong magpaliwanag si Vander o makikipag-ayos siya sa kanyang fiancé na si Axel?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

Sa mata ng lahat, parating pinapagalitan ni David si Helena—his ever so "clumsy" secretary. Pero ang hindi nila alam, hindi naman talaga dahil sa trabaho kung bakit siya parating pinapatawag ni David sa opisina. They’re actually fuck buddies, and Helena doesn’t mind. Kasi kahit bawal, mahal niya si David. Pero isang araw, out of nowhere, sinabi ni David na tapos na sila. Just like that. Wala nang paliwanag, except sa isang bagay na nagpasakit lalo sa puso ni Helena. Ikakasal na siya. At parang hindi pa sapat ‘yon, nalaman ng mommy ni David ang tungkol sa kanila, at kinuha lahat ng meron si Helena. Ang bahay na bigay ni David? Wala na. Ang stability niya? Wala na rin. So wala siyang choice kundi lumayo at kalimutan ang lahat. Pero paano niya kakalimutan kung may iniwan sa kanya si David? She’s pregnant. Years later, nakabangon na rin siya, ready na to start fresh with a man na tanggap siya at ang anak niya. Pero ang plot twist? Ang fiancé niya… half-brother ni David! Anong gagawin niya ngayong muli silang pinagtagpo ng lalaking pilit niyang tinatakasan? Is this fate… or just another heartbreak waiting to happen?
Romance
400 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status