Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10390 viewsOngoing
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO

THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa.  Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa  niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
Romance
6.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10180 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
661 viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
Romance
10475 viewsOngoing
Read
Add to library
Married To My Evil Boss: Instant Mommy

Married To My Evil Boss: Instant Mommy

*A romantic comedy with a heart-tugging twist — following a lighthearted yet challenging journey of love, sacrifice, and unexpected family. A tale of a simple girl thrust into a fake marriage, sudden motherhood, and a boss whose heart may be harder to win than she thought.* ********* "Marry me, you'll get money for your mother's surgery, and I get a wife to face my family." Napatitig si Tin kay Xander. Kinakalkula niya bawat katagang binitiwan nito. Seryoso ba ang lalake sa sinasabi? Guwapo si Xander. Walang babaeng tatanggi kahit sino ang alukin nito ng kasal. Maraming magaganda at mas sosyalin na babae na umaaligid dito. Kaya napatanong siya. Bakit siya? Isang probinsiyana na hanggang higschool lang ang natapos ang inaaya nitong pakasalan. "Sige..." Pumayag siyang maging asawa ng isang Xander Dela Vega. Pero hindi lamang pala pagiging asawa ang magiging papel niya sa buhay nito. Dahil ipinagpilitan ng Lola nito na magtrabaho siya sa kompanya bilang secretary ng lalake. "And by the way..." Kinuha nito bigla ang isang sanggol sa pangangalaga ng isang babae. Pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang ampunan naman sila pumunta. "From now on, you're his mommy..." Nanlaki ang mga mata ni Tin. Wala sa usapan nila ang pagiging instant mommy niya. Pero paano kung mapamahal si Tin sa bata maging sa ama nito? Paano niya susukilin ang damdamin na umuusbong kung may hangganan naman ang kanilang kontrata? Kaya bang ipaglaban ni Tin ang pamilyang nabuo sa kontrata pero minahal at inalagaan niya? O susukuan niya iyon dahil natapos na ang pagiging instant wife at instant mommy niya? ***** "Pinakasalan mo lamang naman ako dahil inakala mong mabibilog mo ang ulo ko. Dahil ano? Hamak na probinsiya lang ako! Madaling maloko. Madaling paikutin! Nagkakamali ka! Dahil hindi ako bobo, Xander. Hindi ako tanga para gaguhin mo!"—TIN.
Romance
1013.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status