LOGINWARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa. Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
View MoreMAXI POV: Big Boy ang tawag ng bata, gawa sa handmade na tela, may hawak na baril na itinahi lang ng sinulid para manatiling nakadikit sa laruan.Dalawang dangkal ang taas at matigas ang laman, hula ko, mga tela na pinagtabasan ang nasa loob.At yong plastic na baril ay free lang sa nabibiling chichira na piso o baka dos lang ang isa.Ang mukha ng laruan, walang mata, ilong at bibig kaya nilagyan ko na rin kahit drawing lang sa pentel pen.Dito sa San Luis, maraming kabataan na ang mga laruan gawa sa bahagi ng mga puno, mga plastic na pinulot sa tabing aplaya o kawanggawa ng iilang mayaman.Posibleng ang nanay ni Gunter ay iisang mananahi.Pulido ang pinaka buhok ng laruan na gawa sa sinama-samang sinulid na lumang luma na.Katsa ang kabuuan. Marumi na sa sobrang kalumaan.Pero halatang binuo ng mapagmahal na kamay kaya naman matunog na halik ang nakuha kong gantimpala mula kay Gunter hindi ko pa man nalalagyan ng bigote.Ang tatay raw kasi niya, mahilig sa baril at may bigote.
MAXI POV:“Iwanan mo na ako. Huwag mo akong pilitin kapag ayoko. O magpapakamatay na lang ako sa harap mo.” Humihikbi ako na parang bata. Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita.Totoo ang sinasabi ko. Biglang-bigla ang pagod na naramdaman ko. Parang kaya kong matulog ng isang linggo o mag hibernate ng ilang buwan.O baka hindi ko na gustuhing magising pa kahit kailan.“Shit,” umigkas siya sa pagkakadagan sa puno ng mga hita ko. “Pero kailangan mong bumangon bukas. May gusto akong puntahan kasama ka.”Lintek ka. Wala ka talagang pakialam kahit mabaliw ako. Wala kang ibang naiintindihan kundi sarili mo lang at pangangailangan mo sa sex.Mamatay ka na.Hindi niya makikita sa mata ko ang emosyong kalakip ng mga salitang yon.Nakapikit pa rin ako at ayoko nang buksan ang mga mata ko.Pagod na pagod ako. Ibinaon ko ang buong mukha ko sa loob ng palad ko. Namaluktot ako nang umatras siya palayo ng kama. Nag fetus position ako. At naramdaman kong hinablot niya ang unan, ikinalang sa ul
MAXI POV:Naging mariin ang pagsipsip niya sa nipple ko, at nang higitin niya yon sa loob ng bibig niya, diniinan niya ang sentro ng clit ko at umungol ako, nangangailangan, halos nagwawala.Umaangat ang balakang ko sa kama at naging mabilis ang aking paghinga.“Akin ka na,” lumipat sa kabila ng dibdib ko ang mainit niyang bibig at umulos sa loob ng pagkababae ko ang daliring galing sa clit ko.“Oh, God!” Namilipit ako sa tindi ng init na nabuhay sa katawan ko. Kinukuyumos ko na ng kamay ko ang mahaba niyang buhok. Ang isa pa ay humihigit sa kanyang balikat para pagbutihin ang pagsipsip niya sa nipple ko.“Sabihin mo sa akin ang gusto mo,” parang apoy ang hininga niya sa ibabaw ng dibdib ko. Mararahas ang paghinga habang pinaliligaya ako.Nagtitiis siya sa sariling pangangailangan para maihanda ako.Naging sakim ang pagkababae ko bilang tugon at pumalibot ako sa isang daliri niyang nasa loob ko. Humigpit ako palibot doon, hinihigit iyon papasok. Sa tindi ng pangangailangan ko sa kany
MAXI POV: Malaki ang dressing room pero hindi ko binigyan ng atensyon ang mga laman ng salaming mga tokador sa magkabilang panig. Kumuha lang ako ng satin na roba, hindi ako nag-bra gaya ng normal na araw ko sa bahay at komportable akong lumabas papunta sa kama ko na adjacent ng bedroom ko.Naroon siya sa hamba ng bukas na pinto, hindi pa rin umaalis. Tila gustong makipag usap pero hindi makadiskarte.Ano ang hindi niya masabi, eh, ang angas ng ugali niya?Bahala ka diyan.Binuksan ko ang mobile service ng phone ko at nagsimula akong mag scroll, nagtatago sa malaking unan. Dahil nang ini-atras ko ang mga binti ko, makikita ang panty ko.Kung sa ibang lalaki siguro, babalutin ko ang sarili ko na parang suman.Kailangan ko bang aminin sa sarili ko na gusto ko talaga ang atensyon niya galit man ako o hindi?Shit. Paghinga ko, wala na siya. Pero iniwan pa ring bukas ang pinto. Saglit pa at narinig ko ang mga kaluskos na ibinabalik niya sa kahon ang mga laruan. Isa-isa. Mabagal.Mabuti












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.