Triplets and a Second Chance
Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito.
Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa.
Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya.
Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata.
"Ang pangalan niya'y Reina?"
Tumango ang kanyang assistant.
"Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya."
Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon.
Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto.
"Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?"
"Argus, hiwalay na tayo."
"Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?"
"Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!"
Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya.
"Kung gayon, ipaliwanag mo ito."
Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.