Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
Romance
1010.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
Romance
10682 viewsOngoing
Read
Add to library
Starved Passion ( Taglog Version)

Starved Passion ( Taglog Version)

Lori
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga Mature na nilalaman, mahigpit na R18+ Inilipat si Ivana Davies sa NYC dalawang linggo matapos makuha ang kanyang pangarap na trabaho na maging pribadong sekretarya ng pangalawang anak ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa Russia. ."The Gilbert group of company" isang multi-bilyong dolyar na imperyo sa pananalapi at software, matapos mahuli ang kanyang amo na nakikipagpalitan ng init ng katawan sa kanyang receptionist. .Sa labis na kawalang-paniwala, hiniling si Ivana na magtrabaho bilang permanenteng sekretarya ng panganay na anak ni The Gilbert, si Davin Gilbert na walang gustong gawin sa kanyang ama o sa negosyo ng pamilya. .nang dumapo sa kanya ang mga pares ng madidilim na mata na iyon, sa unang araw ng pagtatrabaho para kay Davin Gilbert, kakayanin kaya nina Ivana at Davin ang mga kislap at pananabik na mayroon sila sa isa't isa habang pareho silang nagtatrabaho nang malapit sa kanyang kumpanya?
Romance
13.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Virgin

The Billionaire's Virgin

JoyJoy
Isang taon na lamang ay mawawala na sa kalendaryo si Patricia. She's turning 30 years old by next year, pero nananatili pa rin siyang virgin. Rinding-rindi na rin siya sa mga naririnig na natatanda na siyang dalaga. Kaya naman, nang gabi na nagawi siya sa isang bar ay hindi na siya nagdalawang isip na isuko ang kanyang bataan sa isang estrangherong lalaki. A completely stranger, kahit ang pangalan ng lalaki ay hindi niya naitanong. After a year, however, mistulang multo na sumulpot sa kanyang harapan ang mukhang iyon. He's not just an ordinary man... but a Billionaire, a top Billionaire.
Romance
609 viewsOngoing
Read
Add to library
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wild Heiress (tagalog)

The Wild Heiress (tagalog)

Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa Manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wild na dalaga? O Magawang wild ng dalaga ang isang nerd na binata?
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
ILLICIT AFFAIR

ILLICIT AFFAIR

(SPG) Nang malaman ni Celeste na ipinagbili siya upang ikasal sa isang mayaman na matandang lalaki ay tinanggap niya na lang na iyon na ang kapalaran. Comfortable and luxurious life, handa ulit siyang maranasan ang lahat ng iyon. Ngunit paano kung malaman niyang anak ng kanyang pakakasalan ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal?
Romance
441 viewsOngoing
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
419 viewsCompleted
Read
Add to library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status