Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
10435 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10658 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Attorney's Revenge

The Attorney's Revenge

Dahil sa mapait na nakaraan kaya naging isang ganap na abogado si Ava Dizon. Ito ang susi para sa matagal niya nang minimithi. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng Papa niya labing-apat na taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Blaze Li para bigyan siya ng magandang alok na tiyak niyang hindi palalampasin nang katulad ni Ava. Paano maisasakatuparan ng isang abogado ang kagustuhan nitong maghiganti kung may bagay na siyang pumipigil sa kanya na gawin iyon? Si Blaze Li pala ay anak ng pamilyang involve sa kaso ng Papa ng dalaga. Ang tulad ba ni Blaze Li ang makakapagpabago sa isip niya o siyang tutulak din sa kanya sa buhay na hindi maganda? “I am a top surgeon in this country. Saan ka man pumunta sa akin ka pa rin nila irerekomenda. Accept my offer and you’ll live longer.” - Axl Blaze Li
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Undercover Bodyguard (SSPG)

My Undercover Bodyguard (SSPG)

WARNING! This story contains sensitive and mature content including crime, violence, murder, strong language, and explicit sexual scenes. Reader discretion is strongly advised. Hindi alam ni Allysandra “Ally” Valderama na ang lalaking nagligtas sakaniya at magiging personal bodyguard niya ay isa palang Undercover agent, na nag pakilalang Josep Macaraeg na ang totoo palang pangalan ay Spencer Gaciano.. Ang sikreto ni Spencer bilang Josep at maging personal bodyguard ni Ally ay isa sa misyon nila upang alamin ang tungkol sa isang madulas na sindikato sa batas na hindi mahuli huli, dahil ang hinala nila ay may humahawak sa sindikato na mas mataas at makapangyarihang tao—at ang pinaghihinalaan nilang big boss? Ang ama ni Allysandra na si Congressman Froilan Valderama. Malaman kaya ni Allysandra ang katotohanan sa pagkatao ng kaniyang personal bodyguard? gayong unti unti na itong nahuhulog sa lalaki. At matapos kaya ng maayos ni Spencer ang misyon niya? o magiging suliranin niya ang babaeng dapat ay gagamitin niya lang pero unti unti na pala niyang minamahal?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
Romance
1019.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Four Kings and The Ace [SERIES 1]

The Four Kings and The Ace [SERIES 1]

MONTREAL SERIES #1 (TAGALOG) A deadly, high-ranking assassin, forced to live as an ordinary student, enrolls at a prestigious university and crosses paths with the "Four Kings," the academy's most popular and untouchable group. As their worlds collide, tensions ignite, and the question arises: will the predator become the prey, or will the kings fall to her hidden power? M.H UPDATE 2025 : I'm currently uploading the edited version of this novel. Ps: If you added this book a long time ago and going to re-read it again, please remove and add it to your library again to refresh the book.
YA/TEEN
9.248.0K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (18)
Read
Idagdag sa library
Princess M. Villanueva
Pinaka-paborito ko ang story na ito...️...️...️ halu-halong emosyon ang nararamdaman ko na para bang ako yung nasa story, may kilig, may kaba, nakakaiyak at kung anu-ano pa.. nakaka-excite ang bawat chapter.........
Rima Salazar
kakatapos ko lang magbasa. inabot pa ako umaga. pero sulit grabe. sobrang iyak ako iyak kagabi yung tipong akala mo wala ng pag asa. tapos biglang wow. sobrang ubexpected ng ending. sulit na sulit inipon ko pera sa gcash. hahahahaha. thank you author. sobra galing! ...... tutulog na ako ...
Basahin ang Lahat ng Review
Mamahalin mo Kaya?

Mamahalin mo Kaya?

Hindi sukat akalain ni Marisse na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ang pananaw niya sa buhay . Kung kaylan pinili niya ang magpakatino ay saka naman niya malalaman na puro lang pagkukunwari ang pinakita at pinaramdam ng taong nagkakaroon na ng puwang sa kaniyang puso. Makakaya ba niya ang magpakabait para lang mahalin nito o babalik ang dating siya na inaayawan ng lahat?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10818 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1013.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)

Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)

“Gusto mong matuto? I can teach you. But remember, the lesson requires us... f*cking.” Sa ngalan ng pag-ibig at takot na tuluyang malamig ang kama nila ng asawang si Lukas, gumawa si Angel ng isang mapangahas na hakbang: ang kumuha ng isang estrangherong magtuturo sa kaniya na maging mapusok sa kama. Ngunit sa bawat Secret Sex Session nila ni Darken, ang apoy na dapat ay para kay Lukas ay unti-unting nalilipat kay Darken. Sa bawat haplos at malalim na ungol, hindi alam ni Angel na ang lalaking binabayaran niya ay may bitbit na mas malalim na lihim. Paano haharapin ni Angel ang isang lihim na babasag sa kan'yang mundo, dalawang beses na mas masakit sa panluluko ng asawa? Sino nga ba si Darken, na kinikilala niyang g*golo at assistant?
Romance
1048.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status