Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Twisted Fate with the Disguised Billionaire

Twisted Fate with the Disguised Billionaire

Si Kiara Morris ay isang babae na may pangarap—masipag, matalino, at hinahangaan sa kanilang kompanya. Kasama ang kanyang boyfriend na si Benedict, kilala sila bilang “couple goals” ng kanilang opisina. Ngunit paano kung ang lalaking minahal niya ay may tinatago palang inggit at galit sa kanya? Nang dumating ang pagkakataong sila ang pinagpilian para sa isang mataas na posisyon, hindi inakala ni Kiara na ito ang magiging simula ng kanyang bangungot. Sa isang gabi ng selebrasyon, inalok siya ni Benedict ng inumin—hindi niya alam, may mas madilim itong plano. At ang akala ni Kiara na ito ay isang panaginip, ay siya ay mainit na nakikipagtalik sa isang lalaki. Sa isang iglap, nagising na lang siya na masakit ang kanyang katawan at ang kanyang pagkababae. Isang buwan ang lumipas at natuklasan ni Kiara ang isang nakakagulat na katotohanan—siya ay buntis. Ngunit sino ang ama? Dahil dito, nagtagumpay si Benedict na sirain siya at tuluyang mawalan ng trabaho. Limang buwan ang lumipas, may bigla na namang lumapit sa kanya na misteryosong matanda na tinulungan siyang magkaroon ng trabaho. Doon nagtagpo ang kanilang landas ng kinakainisan niyang janitor. Wala siyang magawa kundi pakisamahan ang lalaking kinaiinisan niya, para lamang sa trabaho na kailangan na kailangan niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabuo ang buhay na sinira ng kanyang ex? At paano kung ang hinahanap niyang kasagutan ay nasa taong hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay?
Romance
10952 viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
873 viewsOngoing
Read
Add to library
Beauty Revenge

Beauty Revenge

Queenvineeee
Delia Diaz isang accountancy student galing siya sa broken family dahil nahuli ng kanyang ama na may kasamang ibang lalaki ang kanyang nanay. Sa murang edad ay nakagisnan niya ang pananakit ng kanyang ina at ng mga nagiging asawa nito pinahinto siya ng pagaaral pero naisipan niyang patagong magaral sa isang universidad na pagmamay ari ng pamilya ni Matthew Jumaquio. Matthew Jumaquio ang kinakatakutan sa loob ng universidad at hinahangaan ng madaming babae. lahat ng gusto niya nakukuha niya sa isang pitik walang kahirap hirap. Unang pagkikita nila ay pinagtripan na ni matthew si delia pinabully niya ito sa mga studyante sa universidad lalo ng nalaman ni matthew na sakop ng dad niya yung schoolarship si delia. gusto ni matthew na matanggakl si delia sa universidad pero hindi ito sumuko hinayaan nalang siya bullyhin nito araw araw. Isang araw nagkaroon ng pustahan ang magkakaibigan ni matthew na paglaruan ang dalaga sa loob ng tatlong buwan ay dapat ibigay nito ang kinakaingatan ng dalaga. kampante ang binata dahil alam niya na makukuha niya agad si delia at hindi siya nagkamali dahil nakuha niya ito bago matapos ang araw na binagay sa kanya ng mga kaibigan niya. Nalaman ni delia ang totoo na pinagpustahan lang siya nila matthew nangako siya na hindi na siya magpapakita sa mga ito at babalikan niya ang mga ito ang maghihiganti rin. "I am the sun and you are the moon." "I always thought we were destined for each other." "But i remember the moon was mean to be with the stars."
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the CEO’s Revenge

Bound to the CEO’s Revenge

Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Romance
10233 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
Romance
8.44.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status