Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1041.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor's Contract Agreement

My Professor's Contract Agreement

Simple lang ang pangarap ni Savannah ang makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ilang araw bago ang graduation niya ay nakilala niya si Albrey. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita dahil sa pagiging masungit nito. Hindi niya rin inaasahan na magiging bagong Professor niya ito sa Mathematics. Kahit napakasungit nito ay humanga si Savannah sa taglay na kaguwapuhan ng Professor. Sa hindi inaasahang pangyayari ay ibinagsak siya ng professor na si Albrey sa thesis defense niya, dahilan kung bakit hindi siya naka-graduate. Pagkainis ang naramdaman niya para sa professor. Ngunit makaraan ang ilang araw ay nagkita silang muli. Humingi ito ng pabor sa kanya na hindi niya inaasahan. Ang magpanggap na girlfriend nito.
Romance
1032.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Scream Your Name

Scream Your Name

Pagkagising niya ay sumalubong agad sa kanya ang galit na galit na si Xavien. Pagkagulat, pagkalito at takot ang una niyang naramdaman. Para sa kanya ay hindi siya ang babaeng kinagagalitan nito. Hindi siya ang Andrina na tinatawag nito at lalong hindi siya ang asawa nito. Paano niya matatakasan ang galit at poot ni Xavien kung pati siya ay hindi maalala ang mga nangyari sa kanya? Sino ang tutulong sa kanya upang makaalis sa poder ng lalaking nagsasabi na siya ang asawa nito?
Romance
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage of Convenience with the Billionaire.

Marriage of Convenience with the Billionaire.

Sa mismong araw sana ng kasal ni Amelia ay hindi sumipot ang lalaking mapapangasawa niya. Pero hindi inaasahan na isang estranghero ang lumapit sa kanya at basta na lang siyang inalok ng kasal. Ayaw sanang tanggapin ni Amelia ang alok na kasal pero kinakailangan niya iyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Pagkatapos ng kasal, saka lang niya nalaman ang pangalan ng estranghero na hindi mawala sa kanyang isipan. His name is Cormac. Pero hindi niya inaasahan ang lalaking napangawa niya ay isa palang bilyonaryo.
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BEST MISTAKE

THE BEST MISTAKE

Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
Romance
9.81.7M viewsCompleted
Show Reviews (151)
Read
Add to library
Yeiron Jee
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa hanggang sa book ni Alexander. Magkaroon po ito ng season 2 pero hindi ko pa masabi kung kailan ang release. Tapusin ko lang ang BL story na isasali ko sa contest bago simulan ang season 2. Try niyo rin pong basahin ang Played By Fate. Thank you!
Eliza Samia
usually hindi Ako matyaga magbasa ng mahabang novels dahil makakatamad pero sa novel na to, tsinaga ko talaga.. from Shaina to Travis, Adrian to Sunshine , arriana to axle, tricia to cyril,Natasha to dark, aldrin to Clara , Alexander to ava.. kudos sayo author,keep up the good work ......
Read All Reviews
 Wanted: Imperfect Wife

Wanted: Imperfect Wife

Kinakailangan ni Kenneth na magasawa bago ang kanyang ika tatlumpong kaarawan. Ayon kase sa last will and testament ng kanyang lolo ay kinakailangan na may asawa na siya sa takdang oras dahil kung hindi ay sa kanyang madrasta mapupunta ang halos fifty percent ng kanyang mana. At sa kapatid naman sa labas ang 25 percent. Pabor siyang pamahanahan ang kapatid na si Ethan pero ang magtamasa ang madrasta ay hindi niya papayagan. Kung kaya naman nagpapahanap siya ng mapapangasawa. Isang asawa alam niyang hindi magugustuhan at hindi mamanipulate ng kanyang madrasta.
Romance
108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE SERIES #2 When I Was Your Man

BILLIONAIRE SERIES #2 When I Was Your Man

Hindi matatawaran ang saya na aking nararamdaman ng sabihin niyang gusto niya akong maging girlfriend. Gustong-gusto ko siyang yakapin, pero umiiwas siya. Lahat ginawa ko para maging masaya siya sa akin pero kulang pa rin, dahil niloloko niya lang ako. Para sa kanya ang isang pangit na katulad ko ay walang karapatan sa kanyang pagmamahal -CHARLOTTE Hindi ako makapaniwala ng makita siyang muli. Ibang-iba na siya sa dati gusto ko siyang yakapin at sabihin na miss ko siya pero hindi ko magawa dahil hindi na ako ang lalaking mahal niya- ISAIAH
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status