Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
Romance
10270 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Mystery/Thriller
104.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Rebel Wife

His Rebel Wife

Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa. Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito. Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
Romance
9.8110.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love Beyond Sundown

Love Beyond Sundown

Tearsilyne
Labag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanilang pagsasama ay naging malupit ito sa dalaga. Nagtalaga pa siya ng kasunduan dito. Hindi naman naging mahirap kay Jireah ang sundin ito. Sa mga panahong nakasama niya ang binata sa iisang bubong ay mas lalong nahuhulog ang loob niya dito. Ngunit suntok sa buwan kung magustuhan rin siya nito gayong may babaeng minamahal na ito. " Don't ever dare to love me because I will never be able to love you back."
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
2.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
Romance
10294 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married With The Broken Hearted CEO

Married With The Broken Hearted CEO

missauthorC
"Honey, it's time to make a baby~" "You're crazy, Adira. Get lost!" **** Dalawang CEO ang pumasok sa isang kasunduan ng kasal para makukuhang pakinabang sa kanilang kani-kaniyang negosyo. Adira is a strong woman who doesn’t believe in love. Chadwick is a cold guy who’s still in love with his childhood sweetheart. Isa lamang ang pakay ni Adira mula sa asawa. Ito ay ang bigyan siya ng anak. Ngunit sa kabila ng kaniyang pag-aakit sa asawa ay hindi siya pinalad na matulog kasama nito sa iisang higaan. May pagkakataon bang umusbong ang pag-ibig sa pagitan ng tukso at pagtataksil?
Romance
831 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Saltzman Rejected Wife

Mr. Saltzman Rejected Wife

Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
Romance
9.419.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
678910
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status