Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying a CEO named Mr. Rodriguez

Marrying a CEO named Mr. Rodriguez

Ydewons
Aeralyn Alcantara's life crashed when something horrible happened in her childhood life. Natakot siyang magsabi sa mga magulang. Pinandirihan niya ang sarili. Kaya naman nang pumayag ang mga magulang niya sa kagustuhan niyang bumukod siya ay tila nakaligtas siya sa mala-impyernong buhay niya. Ngunit ang kapalit pala ng panandaliang kalayaan niya ay kailangan niyang magpakasal sa lalaking hindi naman niya kilala. Kabayaran para sa utang ng mga magulang niya. Papaano niya maaatim makasama ang isang taong ni boses nga ay hindi niya alam? Paano kung maulit muli ang nangyari sa kanya noong bata siya? Kakayanin niya pa ba ulit? Does this Mr. Rodriguez is a savior? Or another nightmare that she wouldn't want to have on?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dark Boss 1: The Glass Slippers

Dark Boss 1: The Glass Slippers

cicatrizexxx
Hindi makatarungan ang pagaaruga ng kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid. Mas pinapaburan ng mga ito ang kanyang kakambal. Nang dahil lamang sa isang kasunduan, itinakda ang kanyang kapatid sa isang lalaki. Sa araw ng kasal ay nakiusap si Bella sa kanya na siya ang humalili rito upang itali sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikita ang mukha. Nabuhay siyang malungkot at nag-iisa sa loob ng mga taong siya ay may asawa na. Taliwas ito sa kanyang nakasanayang pamumuhay bilang isang suwail na anak. Nakukuha lamang nitong suportahan siya sa kaniyang mga pinansyal na pangangailangan. Dahil rito parang nabuhay ulit ang dating siya. Hindi siya makakapayag na maging sunod-sunuran sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala. Parang nakikisama sa kanya ang pagkakataon at nakadaupang-palad niya ang kanyang kababata na binigyan niya noon ng kanyang babasaging tsinelas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang tawag ng laman ng kanyang pumipintig na pagkababae. Handa na ba makipagsapalaran si Hyacinth Herrera sa init na kaniyang pinasok? Mananaig kaya ang sensasyong hatid ng kababatang si Thaddeus Siriad Vanesteri o ng asawang si Dairis Vaughn Conor?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10516 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Sister's Lover is my Husband

My Sister's Lover is my Husband

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Pinapangarap ito ng bawat kababaihan dahil sa hatid nitong kaligayahan—pero hindi para kay Aira. Ang groom niya kasi na si Dave ay ang long-time boyfriend ng bunso niyang kapatid na si Trina. Pakiramdam tuloy ni Aira ay magiging kontrabida lang siya sa pag-iibigan ng dalawa. Gayun pa man ay wala rin siyang nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Natuloy ang kasal nila Dave at Aira. Sa kabila ng pagiging opisyal na mag-asawa ng dalawa ay nagpatuloy pa rin ang pagkikita nila Dave at Trina. Hindi naman ito naging lihim kay Aira. Hinayaan nya lang ang dalawa na ipagpatuloy ang relasyon nila. Tanggap niya na kasi ang katotohanang hindi naman talaga siya mahal ni Dave at napilitan lamang itong magpakasal sa kanya dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kay Dave at Aira Matapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na gabi ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Isang pag-iibigan ang nabuo nang hindi nila namamalayan. Sa pagsasamahang dulot lamang ng isang kasunduan ay mahanap kaya ng dalawa ang tunay na pagmamahal? Kaya bang agawin ni Aira si Dave kay Trina na una nitong minahal?
Romance
10237.0K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (22)
Read
Idagdag sa library
Analyn Bermudez
Ms A bakit ganun prang Ang bagal Ng usad...wag mo sbihin na Meron pa dating na problema dhil Anjan pa SI Trina gagawa at gagawa Siya Ng masama Kay aira...prang doin nlng umikot,kulang Ang aksyon ni aira...Meron ako hinahanap na higit pa sna kaso Ikaw Ang writer Ms A haha
Arceli Galamgam
maganda xa pro prang gets ko n ung love story n rayver at shiela...wag nman sanang ganun...pra kcng ung love story n rayver at Sheila is magkatulas s story N Dave at aira...tapos ung pinapahanap n tao n joey s bicol is ung pamilya n Sheila.....
Basahin ang Lahat ng Review
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.856.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love Beyond Sundown

Love Beyond Sundown

Tearsilyne
Labag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanilang pagsasama ay naging malupit ito sa dalaga. Nagtalaga pa siya ng kasunduan dito. Hindi naman naging mahirap kay Jireah ang sundin ito. Sa mga panahong nakasama niya ang binata sa iisang bubong ay mas lalong nahuhulog ang loob niya dito. Ngunit suntok sa buwan kung magustuhan rin siya nito gayong may babaeng minamahal na ito. " Don't ever dare to love me because I will never be able to love you back."
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Mystery/Thriller
104.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
Romance
9.7102.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
1.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
56789
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status