Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog)

My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog)

Kylie never thought she would end up falling inlove with her bodyguard slash soon to be brother. Taga bantay at driver niya lang dapat ito, pero nahulog siya sa binata, sinong hindi maiinlove sa lalaki? He's perfect! Para sa kanya ay perpekto na ito. gwapo, mabait, masipag at higit sa lahat matalino! Hindi man ito mayaman ay ayos lang sa kanya. Ang problema nga lang sa binata ay lagi lang itong seryoso. Bibihira magsalita na kulang na lang ay mapanisan ng laway. Masaya siya ng malamang may nararamdaman din pala sa kanya ang binata. Dahil gusto nga ng magulang nila na ampunin ang naging lihim muna ang relasyon na meron sila. Kaso wala talagang sekretong hindi nabubunyag nalaman ng parents niya ang relasyon nila. Dahil doon nagdesisyon ang mga ito na ipadala sa ibang bansa ang binata at kuya niya para doon ipag-patuloy ang pag-aaral. Hindi niya iyon alam. basta pag gising nalang niya kinabukasan. Wala na ang lalaking mahal niya iniwan siya ng walang paalam. Years past nakalimutan na niya ang lahat. Naka-move on na siya at masaya na ulit. Pero mapag laro talaga ang tadhana kung kailan ayos na siya bigla namang bumalik ang binata at hindi na ito basta basta dahil nalaman niya na isa na itong bilyonaryo. At ang masaklap pa, makakasama niya ulit ito sa iisang bahay at trabaho. What will she do? How will she deal with the man who broke her heart then?
Romance
9.948.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
311 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
9.94.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Favorite Toy

The CEO's Favorite Toy

zailamary
Gustong gusto ni Janine Ardina na makapasok sa isang kilalang kumpanya bilang sekretarya. Wala siyang pakialam sa usap usapan na baliw daw ang CEO nun at mahilig sa babae. Ang paninindigan niya ay hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nakikita. Ngunit nang makapasok siya ay napatunayan niya na baliw nga iyon. She became his favorite toy. And even though she hates it, her body says otherwise.
Romance
749 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Professor's Contract Agreement

My Professor's Contract Agreement

Simple lang ang pangarap ni Savannah ang makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ilang araw bago ang graduation niya ay nakilala niya si Albrey. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita dahil sa pagiging masungit nito. Hindi niya rin inaasahan na magiging bagong Professor niya ito sa Mathematics. Kahit napakasungit nito ay humanga si Savannah sa taglay na kaguwapuhan ng Professor. Sa hindi inaasahang pangyayari ay ibinagsak siya ng professor na si Albrey sa thesis defense niya, dahilan kung bakit hindi siya naka-graduate. Pagkainis ang naramdaman niya para sa professor. Ngunit makaraan ang ilang araw ay nagkita silang muli. Humingi ito ng pabor sa kanya na hindi niya inaasahan. Ang magpanggap na girlfriend nito.
Romance
1032.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SOLD TO DAMON MORETTI

SOLD TO DAMON MORETTI

Ibenta ni Cressia Montinola ang sarili sa halagang isang milyon sa isang hindi niya kilalang lalaki upang pambayad sa operasyon ng kanyang ama. Ngunit sa kasawiang-palad, hindi niya pa rin ito nailigtas sa kapahamakan. Nagbunga ang gabing iyon, at pinalaki niya ang bata nang mag-isa—walang karamay na ama. Sa muli nilang pagtatagpo, hindi siya nakilala ng lalaki. Nais niyang ilihim ang kanilang anak, ngunit mapagbiro ang tadhana. Ang squatter area kung saan siya naninirahan ay pagmamay-ari mismo ng lalaki. He is Damon Moretti, a Filipino-Italian billionaire, and a successful businessman.
Romance
551 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Brother's Bride

His Brother's Bride

Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
Romance
104.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Metal Cage

His Metal Cage

Yenah Arabella a girl with a disability. Ipinanganak siyang bulag ngunit lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother died. Mas naging mahirap na kay Yenah ang mabuhay. She's only seventeen. Her age isn't suitable for work. Pero sinikap niyang maghanap at sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas siya sa kaniyang comfort zone at nakipagsapalaran sa labas. Inayawan siya ng mga in-apply-an niya dahil sa kapansanan niya pero hindi ang mga Rojo. Dahil tinanggap siya ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Yenah na napakarami nang umalis na katulong sa bahay na iyon. Ang lalaking nakakulong sa basement ng mansyon ng mga Rojo na pinagsisilbihan niya ang dahilan ng lahat. Ang nakakagulat ay sa lahat ng katulong na pumasok sa silid na iyon ay si Yenah ang hindi nakalabas.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1026.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status