Married With The Broken Hearted CEO

Married With The Broken Hearted CEO

last updateLast Updated : 2024-10-20
By:  missauthorCOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
389views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"Honey, it's time to make a baby~" "You're crazy, Adira. Get lost!" **** Dalawang CEO ang pumasok sa isang kasunduan ng kasal para makukuhang pakinabang sa kanilang kani-kaniyang negosyo. Adira is a strong woman who doesn’t believe in love. Chadwick is a cold guy who’s still in love with his childhood sweetheart. Isa lamang ang pakay ni Adira mula sa asawa. Ito ay ang bigyan siya ng anak. Ngunit sa kabila ng kaniyang pag-aakit sa asawa ay hindi siya pinalad na matulog kasama nito sa iisang higaan. May pagkakataon bang umusbong ang pag-ibig sa pagitan ng tukso at pagtataksil?

View More

Chapter 1

1. "My Husband Likes Someone Else"

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang ikasal si Adira kay Chadwick McElroy. Matapos ang tatlong gabi ng paglagi sa Japan para sa kanilang honeymoon, bumalik si Adira sa kanyang bagong bahay bilang Mrs. McElroy.

“Gosh. I am so tired,” daing niya habang bago humiga sa kama.

Suot ang kanyang mapang-akit na damit pantulog, tinitigan ni Adira ang kisame habang iniisip-isip ang mga nangyari kamakailan.

“Hindi parin ako makapaniwala na kasal na ako,” bulong niya sa sarili. “And now, I am Mrs. Mc Elroy.”

Matapos banggitin ang bagong apilyedo ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa lugar.

It was then Adira burst laughing.

“What’s the point of marrying that guy? Ni hindi ko man lang nga nakita ang pagmumukha niya noong honeymoon namin,” pagtawa nito.

Matapos ang kasal, may plano ang bagong mag-asawa na pumunta ng Japan. Pero hindi sumama ang asawa niyang lalaki dahil may emergency daw ito sa trabaho. Something that Adira didn’t believe.

‘Hindi ako bobo para mapansin na sinadya niyang iwasan ako,’ Adira thought while thinking of her husband, Chadwick Mc Elroy.

Ang isa pang ebidensya na iniiwasan siya ni Chadwick ay ang katotohanan na kahit nasa iisang bahay na sila nakatira ay kailangan nilang matulog sa magkaibang kwarto.

Adira sat up, feeling annoyted.

Ang kanyang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag sa kasal ay para magbuntis. But this wouldn’t be possible if Chadwick and her would sleep in different rooms.

“What the hell is wrong with him? Lalaki ba talaga siya?” tanong ni Adira.

Nang lumingon siya sa salamin ay nakita niya ang kanyang repleksyon.

She has curly red hair that complement her small face. Hindi lang siya pinagpala ng ganda. Maging ang katawan niya ay tila ba isang bote ng Coca-cola.

Sinumang makakita sa kanya na nakaupo sa kama na may suot na bathrobe ay tiyak na maaakit.

“Ang ganda-ganda ko,” sabi ni Adira sa kanyang sarili. “At ang sexy ko pa.”

Katotohanan lamang ang sinabi niya. Kaya nga bang nalilito siya kung bakit hindi samantalahin ng kaniyang asawa ang pagkakataong manakaw ang kaniyang pagkabirhen.

Adira sighed as she swept her hair upward. Habang nakatingin sa kawalan, naaalala niya ang nangyari noong kasalukuyan ng kaniyang kasal:

Noong naglalakad si Adira sa altar papalapit sa kaniyang mapapangasawa, napansin niya ang pagkaboryo nito. Chadwick was only looking at the ground.  

Gayunpaman, hindi alintana ni Adira ang walang pakialam na ekspresyon ng kanyang ikakasal. Ang nais lamang niya ay matapos ang kasalang ito sa lalong madaling panahon, kaya't pinabilis niya ang kanyang lakad.

Nang tumayo si Adira sa tabi ni Chadwick, nagkaroon ng katahimikan. Inalok ni Chadwick ang kanyang braso nang hindi man lang tumingin sa mukha ni Adira. Hinawakan niya ang kanyang kamay sa paligid ng kanyang mga braso. Pagkatapos, pareho silang humarap sa hukom.

Tumingin ang hukom sa dalawang magkapareha na parehong may grimasa na para bang sila ay nasa gitna ng pagdadalamhati sa halip na sa kanilang kasal.

Something doesn’t feel right.

Sa kabila ng kakaibang sitwasyon,  sinimulan ng hukom ang seremonya.

Habang nagsasalita ang hukom, tumingin si Adira sa mukha ng kanyang asawa.

‘Infairness, g’wapo siya,’ pag-amin nito sa sarili. Hanggang sa napansin niyang may tinititigan si Chadwick mula sa malayo.

Sinundan niya kung saan ito nakatingin at saka niya nakita ang isang babae na may matamis na ngiti para sa kaniyang mapapangasawa.

Matapos maalala ang babae na nakita niya sa kanilang kasal, kinumpirma ni Adira ang dahilan kung bakit umiwas si Chadwick sa kanya.

“Dahil sa babaeng iyon,” bulong niya.

Adira investigated her husband before the wedding. Napag-alaman niyang matagal ng may gusto si Chadwick sa kababatang babae.

“I really don’t care if he likes someone else. Pero kailangan ba talaga na matulog kami sa magkaibang kwarto?”

Kung patuloy na iiwas si Chadwick, iniisip ni Adira na kailangan niyang gumamit ng ibang paraan upang makamit ang kanyang layunin. At iyon ay ang akitin ang kanyang asawa.

Nakangiti ng malapad, tumayo si Adira. Lumabas siya mula sa kanyang silid at tumayo sa harap ng kuwarto ng kanyang asawa.

Adira believes that being straightforward is always the best way to solve problems.

‘Kaya, direkta ko siyang tatanungin na makipag-s*x,’ naisip ni Adira. Kumpiyansa siya sa kanyang kagandahan at sa kanyang kaakit-akit na alindog.

Nakaangat ang kanyang ulo, hinawakan niya ang hawakan ng pinto. Aakma na siyang buksan ang pinto pero huminto siya nang marinig ang boses ng kanyang asawa mula sa loob ng silid.

"Nothing happened between me and Adira. Don’t conclude weird things, Isa.”

Nagtaka si Adira nang marinig ang pangalang 'Isa.'

‘Isa Daley,’ bulong ni Adira sa kanyang isip.

Oh right. She remembered that name. Iyon ang pangalan ng babae na higil na minamahal ng kaniyang asawa.

Si Isa Daley ang kaibigan ni Chadwick na babae mula pa noong highschool.

Ayon sa narinig ni Adira, hindi nag-date sina Isa at Chadwick. Gayunpaman, sinabi ng mga estudyante sa kanilang batch na si Chadwick ay matagal nang may pagtingin kay Isa.

‘Sa madaling salita, he’s a pathetic loser,’ she thought while nodding her head.

Nakatayo siya sa labas ng silid ng kanyang asawa at nagpasyang pakinggan ang usapan sa pagitan ni Chadwick at ni Isa.

“My wife is pretty?” tanong ni Chadwick. “Sige. Aaminin ko na maganda nga siya.”

Isang nasisiyahang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Adira. Alam niya ang katotohanang iyon, pero masarap pa ring marinig ito mula sa ibang tao.

“But in my eyes, she’s not attractive,” dagdag ni Chadwick.

Sa sinabi ni Chadwick, ang ngiti sa mga labi ni Adira ay naging baluktot. Tumingin siya sa nakasaradong pinto at huminga ng malalim.

"Huh!"”

Pinuri niya ang katapangan ng kanyang asawa na makatakas sa kanilang honeymoon, na nagmungkahi na dapat silang matulog sa magkahiwalay na silid at nagsabing hindi siya ‘ATTRACTIVE.’

‘He’s something else, isn’t he?’ she scoffed inwardly.

Hindi kailanman magseselos si Adira. IMPOSIBLE IYONG MANGYARI!

Wala siyang pakialam kung ang kanyang asawa ay tumatawag sa ibang babae sa gitna ng gabi. Gayunpaman, nais niyang gumanti dahil tinawag siyang ‘Unattractive’ ni Chadwick.

Hindi nag-aksaya ng oras si Adira ng hawakan ang seradura at buksan ang pinto.

BAM!

Bumukas ang pinto nang napakalakas at tumama ito sa kabilang pader. Because of that, Chadwick looked back at her with widened eyes.

Sa sobrang gulat ay napanganga si Chadwick habang hawak-hawak pa ang cellphine.

Adira then approached him and said in loud voice, “GOOD EVENING HONEY!”

Walang masabi, nanatili si Chadwick sa kanyang pwesto habang nakatitig sa kanyang asawa.

Hindi niya inaasahan na bibisita si Adira sa kanyang kuwarto!

“Why are you calling someone in the middle of the night?” Tanong ni Adira. “Nakalimutan mo na ba ang plano natin tonight? We are going to have S*X.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status