Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Deceiving the Heir

Deceiving the Heir

naiad
Growing up poor, Francesca Ynes Gomez really knows the importance of hard work and perseverance. Lumaki siya sa paniniwala na lahat ng minimithi niya sa buhay ay makukuha niya basta’y magsipag lamang siya at magtiyaga. Ngunit binalewala niya ang prinsipyong ito ng tanggapin niya ang alok na magpanggap bilang ibang tao, bilang fiancee ng isang playboy. Upang magawa ang misyong iyon ay kailangan niyang pakisamahan sa iisang bubong si Damon Dela Rue, ang eredero ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Ang magarbong mansiyon nito ang magiging entablado niya sa mga pagpapanggap at mga kasinungalingang pikit mata niyang isasagawa. Magtagumpay kaya siya? Sapat na kayang dahilan ang kayabangan at pagiging babaero ni Damon upang maprotektahan niya ang kaniyang puso mula rito? Subalit ano ang gagawin niya kung mahulog siya sa lalaking mapapangasawa ng babaeng pinagpapanggapan mo bilang ikaw? Kaya mo bang isuko ang lahat kahit kapalit naman nito ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay? Ng dahil sa bunga ng kanilang pagmamahalan ay mapipilitan si Francesca na balikan ang mga taong matagal niya ng binaon sa nakaraan. Sa muli niyang pakikipagsapalaran ay may matutuklasan siyang magdudugtong sa kaniya sa mga taong kaniyang kinamumuhian. Handa na ba ang puso niyang magpatawad at...muling balikan ang lalaking minamahal?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Under the Enemy's Kiss

Under the Enemy's Kiss

Velvet Summers
Maristela is an undercover agent for an operation to capture the drug lord named Zircon. Pumasok siya bilang barista sa isang bar na kung tawagin ay Classique. There she met the gorgeous but hot-headed owner, Seig, na parati siyang pinag-iinitan. Isa si Seig sa persons of interest ngunit sa pagdating ng mga araw ay wala siyang nakuhang malakas na ebidensiya mula rito. Then comes, Aquina, ang lalaking nasa listahan ng pinaka-notorious na middle-man mula sa underworld business. He’s an enemy but then she felt something that will definitely make her mission a fail and the truth behind the real enemy’s identity... Zircon is the most ambitious person in the world. Papabagsakin niya ang lahat para makuha lang ang gusto, maging ang tao na siya ang dahilan kung bakit buhay siya- si Maristela. Bit by bit, Zircon will reveal the truth behind the honest undercover agent, at sisiguraduhin niyang susuko si Maristela sa kanya.
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE UNTIL DEATH

LOVE UNTIL DEATH

Ghorlalu
Zyrille Trixie Louis, isang estudyanteng normal lamang ang buhay, mahal ang paglingkuran ang kanyang magulang at bayan bilang isang trainee sa pagiging isang mahusay na detective. Walang kaalam-alam sa pwedeng mangyari at landas na kayang tatahakin. Siya rin ay ang klase ng tao na walang panahon sa pag-ibig at pagkilala ng ibang tao. Dominic Kiro De Jesus, isang anak ng mayaman at kinatatakutang mafia. Walang ibang ginawa sa kanyang buhay kundi ang maglingkod sa kanyang buong organisasyon at siguraduhing na-aayon at walang problema sa nga transaksyong kanyang tinatrabaho. Wala rin siyang kinatatakutan, maging ang kamatayan. Ang landas nila'y magkakatagpo, parehong walang malay na sila'y unti-unting mahuhulog sa isa't-isa, walang malay sa mundong kanilang tatahakin, ay hindi pala gaya ng inaasahan nila. Paano kaya kung ang pag-ibig kaya na kanilang bubuuin para sa kanilang kagustuhan, ay ang mismong landas na siyang magdadala sa kanila sa kanilang kamatayan? LOVE UNTIL DEATH, LOVE SOMEONE UNTIL THEIR LAST BREATH.
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Throne of Glass

Throne of Glass

WhiteSmight
"Angelica San Andres" Isa ito sa mga pangalang hinahangaan at kinakatakutan ng buong mundo. Her influence rules the world of business or perhaps our world. She change the landscape of every sector of any industry with her creativity, intelligence, and wisdom. "She was glorified by the world" ika nga ng karamihan ngunit sa gitna ng kaniyang pamamayagpag ay kailangan niyang lumisan at bumalik sa pinanggalingan dahil sa isang tungkulin na kailangan niyang gampanan. Si Angelica ang tagapagmana ng kahariang Xeria sa planetang Sedus kung kaya't sinigurado ng kaniyang ama na babalik ang kaniyang anak upang gampanan ito subalit labis ang pagkamuhi ni Agelica sa kanilang planeta dahil ito ang kaniyang sinisisi kung bakit hindi niya nararanasan ang kaniyang mga kagustuhan at ito ang attensyon at oras ng kaniyang ina at mas lalong umusbong ang kaniyang galit nang mamatay ang kaniyang ama. Pilit na tinatanggihan ni Angelica ang kaniyang tungkulin at nilabag ang ilan sa mahihigpit na batas ng Xeria. Ginawa nito ang lahat upang makaalis sa kanilang planeta, nakipagkasundo ito sa mga kalaban o mga aktibista ng kanilang kaharian upang makabalik sa planeta ng mga tao. At nang siya ay magtagumpay, isang hindi inaasahagan nilalang ang kaniyang makikilala sa mundo ng mga tao na kawangis na kawangis nito. Isang bata na magpapalabas ng kaniyang mga kahinaan. Isang bata na susukatin ang kaniyang mga paninindigan. Isang bata na magpapaalala kung sino siya sa nakaraan. Isang bata na poprotektahan niya hanggang kamatayan. Isang bata na magiging daan upang manumbalik ang kaniyang pagmamahal sa pinanggalingan. At isang bata na tatapos sa kaniyang buhay.
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Sexy Tutor

Sexy Tutor

Kay
Si Liahn Choi na ata ang pinakaperpektong babae sa buong unibersidad. Maganda, mayaman, matalino... name it! Siya ang literal na pinapangarap ng bawat lalaki sa eskwelahan. Kaya lang, totoo atang wala talagang perpektong tao sa mundo. Dahil maging si Liahn ay may isang malaking problema na naging dahilan kung bakit iniwan siya ng boyfriend. Hindi siya marunong humalik. Kaya naman, nang maghire ng tutor para sa kanya ang kanyang Daddy ay naisipan nilang magkakaibigan na hindi lang academics ang kailangan niyang matutunan. Tutor lang dapat ni Liahn sa acads si Ethan Almirez. Pero ang gaga, gusto magpaturo kung papaano ba ang humalik.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Unloving My Husband

Unloving My Husband

LorieMeTangerine
Jean is the CEO of Your Wish is My Command isang organisasyon na tumutupad ng mga requests ng iba't ibang tao sa lipunan na may kaakibat na halaga sa bawat matapos nilang misyon. She is also a hopeless romantic, dreaming on how it is to be loved and cared for but fate became playful. Nasangkot siya sa buhay ng isang sikat na aktor nang hindi inaasahan and ended up marrying him. "Speak now or forever hold your peace," narinig niyang sabi ng pari kaya napatayo siya sa gitna habang nanginginig ang mga tuhod bago naglakas-loob na isigaw ang mga katagang "Itigil ang kasal!" Kitang-kita niya na nagimbal ang lahat dahil sa kanyang sinabi. Wala siyang nagawa kundi takpan ang kanyang mukha dahil katakot-takot at nagkikislapang flash ng camera g mga reporters ang bumubungad sa kanyang pagmumukha. Only to find out later that the man who was supposed to get married on that day is the same man who happens to be her ultimate idol among the actors in the country. Because of the shame and disappointment, hindi tumigil ang lalaki na hanapin siya upang mapakasalan at maisakatuparan nito ang paghihiganti sa kanya. He promised to make her life miserable the very moment while exchanging their vows. Ngunit paano naman siya? Sapat na bang dahilan ang hindi pa ito tapos magmahal ng iba upang ituro na rin niya sa sariling puso na huwag na itong mahalin?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Killed His Fiancee

Accidentally Killed His Fiancee

Gazella Bubblykin
Callista Ystraella Bell is a victim of an accident frame up. Aksidente niyang nasagasaan ang isang kotse na may lulan na dalawang tao, ang driver at ang sakay nitong buntis. Kalaunan ay nalaman niyang ang babaeng namatay sa aksidente ay ang magiging asawa pala ng isang bilyonaryong nagngangalang Greyson Blast. Mapapatawad pa kaya siya nito? O gagamitan siya ng kamay na bakal at sariling batas upang mapanagot siya sa kasalanang nagawa. Maaari nga bang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Tara at tunghayan natin ang kwentong magpapatunay na mas mahalaga ang magpatawad at magpaubaya sa batas kaysa ilagay ito sa ating mga kamay.
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Deathly Fate Two: Faith

Deathly Fate Two: Faith

charmainglorymae
Ang pagtakas ni Raven mula sa masasakit na pangyayari sa buhay niya ay siyang nagbigay ng dahilan upang magbago ang dating Raven. Ilan taon ang nakakaraan, ang dating Raven na kilala ng lahat ay malayo na sa kanilang inaakala. Ang mabait at inosente ay hindi na mahagilap sa pagkatao ni Raven. Ang kataksilan ni Vander ang maghimok kay Raven para magbago. Pero paano niya haharapin kung ang Vander na kilala niyang taksil ay patuloy pa rin sa pagpapanggap bilang isang mabuting tao at niloloko ang lahat? Pero kung maloloko ni Vander ang lahat, hindi niya maloloko si Raven. Hinding hindi niya mapapatawad si Vander, kahit malaman pa niya na siya ang kanyang amour. Pinapangako ni Raven na hindi na titibok ang puso niyang ginawang bakal kay Vander.
Sci-Fi
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Fate's Cruel Dance

Fate's Cruel Dance

Si Mikaela, nawasak ang puso matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, ay ibinuhos ang kanyang kalungkutan sa alak sa isang lokal na bar. Sa kalasingan, nagkaroon siya ng one-night stand sa isang estranghero. Limang taon ang lumipas, habang nahihirapan siyang makahanap ng pera para sa operasyon ng kanyang maysakit na anak, napilitan siyang magtrabaho bilang isang GRO ng isang gabi. Sa isang high-end na bar, iniligtas siya mula sa mga agresibong parokyano ng mga bodyguard at dinala sa isang VIP room, kung saan nakilala niya ang lalaking nakasiping niya noon. Napagtanto niyang ito ang ama ng kanyang anak at isang makapangyarihang bilyonaryo, ang may-ari ng Enriquez Empire. John Troy Enriquez, bussiness man. Isang mapusok at nakakatakot na tao isang makapangyarihang angkan. Tinulungan siya nitong makuha ang kinakailangang medikal na pangangalaga para sa kanilang anak. Ano kayang mangyayari sa kanyang buhay? Malampasan ba kaya niya ang ang pagsubok sa kanyang buhay pag-ibig?
Romance
101.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
39
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status