Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lovelies

Lovelies

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying the Frigid Incognito Magnate

Marrying the Frigid Incognito Magnate

Nang mawala ang nakatatandang kapatid, napilitan si Geraldine sa contract marriage na s-in-etup ng kanyang magulang sa kanya - na mapangasawa ang panganay na anak ng Pamilyang Jenses, ang misteryosong anak na nagpalago ng negosyo ng pamilya nila na si Fenrir. Dahil sa desperasyon, pumayag siya...para umalis sa pamilya na hindi pinaramdam sa kanya ng pagmamahal. Ngunit sa kanyang paglakad sa aisle, kinapos siya ng hininga. Ang lalaking naghihintay sa altar ay hindi isang estranghero sa kanya - kundi ang lalaking minsan niyang nilandi sa bar nang sapilitan.
Romance
10550 viewsOngoing
Read
Add to library
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
History
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
VENGEANCE AND DESIRE

VENGEANCE AND DESIRE

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito. Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin. Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya. Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?
Romance
1073.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Fate : The Voice of Love

Billionaire's Fate : The Voice of Love

Maling kwarto ang napasukan ni Gwen Sison. Kung saan ay naroroon si Seth Montealto, na humihingi ng saklolo para sa nararamdaman niyang buong init sa katawan. Dahil sa sugat na natamo ni Gwen sa kaniyang paa. Hindi inaasahan na matumba na lamang siya sa tabi ni Seth Montealto sa ibabaw ng kama. Nagulat na lamang si Gwen sa pagyakap ng lalaki sa kaniya. Akmang aalis na sana siya. Ngunit, bigla siyang nahawaan ni Seth. Kaya naman, nagkaroon din nang pang-iinit sa buong katawan ni Gwen. Kinaumagahan, nadatnan sila ng fiancee ni Seth na si Stella Guades na magkasama sa kama. Sa galit nito. Mahigpit niyang sinabunutan si Gwen. Walang magawa si Seth. Dahil, siya rin ay nagulat sa nangyari. Hanggang sa binitbit ni Stella si Gwen papalabas ng kwarto at ipinahiya ito sa lahat. 
Romance
9.82.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Unforgettable Love with Mr. CEO

Unforgettable Love with Mr. CEO

Isang dalagang pumasok sa trabaho bilang kasambahay sa isang mansion para sa kanyang pamilya, dalagang pilit winaksi ang nararamdamang nasimulan dahil alam n'yang hindi ito nakakabuti sa trabaho o sa kanyang sistema lalo na't kung ikakasal lang din naman ang lalaking iniibig nya sa babaeng kasosyo sa negosyo. Sya ang dalagang walang kaalam-alam na sa kanyang pagpasok sa trabaho ay isang plano lamang mula sa lalaking matagal nang may gusto sa kanya. Plano nitong mapalapit ang dalaga at mapaibig ito. At hindi nga nabigo ang lalaki dahil nagkakatotoo ang kanyang mga plano. Sa pag-iibigang namamagitan sa kanila, kaya ba nitong maisalba ang paparating na malaking bagyo para sa kanila? Sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang balewalain ang nakaraang pilit umi-eksena sa kanilang storya? Sapat ba ang kanilang pagkakagusto upang labanan ang madilim na nakaraan na may kinalaman sa Ina ng dalaga? But what if destiny plays its hand? Is there a chance that these opposite worlds will meet and give a chance to have an UNFORGETTABLE LOVE they have ever felt? Or are they just given a chance to feel the unforgettable pain they have ever felt?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10869 viewsOngoing
Read
Add to library
PAID IN SHADOWS

PAID IN SHADOWS

Sa Pilipinas, hirap at tiyaga ang susi sa pag-angat, lalo na para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Si Tresandrus Villafahr o kilala sa pangalang Tres, isang binatang may matayog na pangarap para sa pamilya— ay napilitang tumigil sa pag-aaral upang suportahan ang kapatid at alagaan ang maysakit nilang ina. Bilang breadwinner ng pamilya, pinasok ni Tres ang trabahong labag sa kanyang paniniwala at prinsipyo—ang pagiging male prostitute. Nilunok niya ang kanyang hiya at dignidad, isinakripisyo ang kanyang sarili para sa kinabukasan ng pamilya. Sa madilim na mundong kaniyang ginagalawan, isang gabi, pinasok ni Tres ang madaliang trabaho para kumita ng mas malaking halaga na makakapagligtas sa Nanay niya—ang maging isa sa bidding item. Sa gitna ng tila mga hayok na mayayamang kalalakihan, isang naiibang babae ang nagtaas ng bid paddle at binili siya sa halagang hindi kayang pantayan ng sinumang naroon sa kaniyang harapan. Ang gabing iyon ay nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay ni Tres. Sino ang babaeng ito at ano ang dala niyang pagbabago? Magkakaroon kaya si Tres ng lakas upang baguhin ang kanyang kapalaran, o mananatili siyang alipin ng mga makapangyarihan? Magkakaroon kaya sila ng pangalawang pagkakataon, o ito’y panandalian lamang?
Romance
10160 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status