Desiring My Sister-In-Law
Nakangiti sila pareho, at sa caption niya:
Late dinner with the team. Grabe pagod but productive. Miss you, hon.
Tinitigan ko ang salitang miss you.
Dapat sapat iyon.
Dapat.
Pero ang unang pumasok sa isip ko ay hindi lambing. Kundi tanong: Kung miss mo ako, bakit parang mas alam ni Maureen ang nangyayari sa araw mo kaysa sa akin?
At kasunod niyon, isa pang tanong na mas mahirap lunukin: May karapatan ba akong masaktan, kung ako rin naman ay may pangalan na itinatago sa pagitan ng bawat hinga?