Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Naging ampon ang isang batang babae nang dahil sa mapaminsalang plane crash. Gayundin, ang isang lalaki na babago sa buhay niya.Sa kasamaang palad, kasalanan ng tatay ng batang babae kung bakit naulila ang lalaking ito. Eight years old pa lamang siya nang dalhin siya sa Tremont Estate ng lalaking sampung taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una, dinala siya dito ng lalaki dahil sa kabutihang puso nito, hindi niya alam na nandito siya para pagbayarin ng kasalanan ng kanyang ama.Sampung taong inisip ng babaeng ito na may galit sa kanya ang lalaki, dahil mabait at maingat ito sa ibang tao pero masama ito sa kanya... Ipinagbawal sa kanya ng lalaki na tawagin siyang 'kuya'. Kailangan niyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito - Siya si Mark Tremont, paulit-ulit niyang sasambitin ang pangalan na Mark Tremont hanggang sa tumatak ito sa kanyang isipan...
Romance
9.7474.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Sinner

Sweet Sinner

WARNING: [R18] STORY WITH EXPLICIT CONTENT Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
Romance
424 viewsOngoing
Read
Add to library
The Hate List

The Hate List

TheCatWhoDoesntMeow
DE GUIA SERIES 1: The Hate List Magpapakasal na ang boyfriend of 5 years ni Erin - pero hindi siya ang bride. At ang mang-aagaw na pakakasalan, isusuot ang pangarap niyang wedding gown! Sa ibang pang balita, na-promote ang ex-bestfriend niyang two-faced. Nabigyan ng entrepreneurial award ang ex-boss niyang kontrabida. At lumalapad ang waistline niya! Nang asarin siya ng daigdigan, parang sasabog na bulkan si Erin. Isinumpa niyang lintek lang ang walang ganti! Ito ay isang kuwentong punumpuno ng galit, paghihiganti, kapalpakan at nagwawalang hormones. Na may kasamang isang masugid na lalaking nangangako ng katakam-takam na abs kay Erin - si Adam. Will she get to the end of her hate list or will she cross out everything and find the love of her life beside her?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Taking His Risk

Taking His Risk

Don_Mateo
Ang camp na sinalihan ni Drica is one of the most known camp of the whole world. May mga taga ibang bansa na troopers ang sumali sa camp, pero mostly lahat ay taga Oxford City ang sumali ng camp. Si Drica ay isang mabaig at mahinhin na nanae sa mata ng mga kakilala niya. Dahil sa kabaitan niya, yung taong mahal niya ay gumawa ng isang napaka sakit na tragedya, na ang kapalit nun ay ang pagkawala ng dalawang importanteng tao sa pamamahay nila. She lost those two special person in her life because of taking his risk. She planned to let them taste their own medicine but, will she really do that? Or will she take his risk again?
Other
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Revengeful Heiress

The Revengeful Heiress

Iya Perez
Warning: READ AT YOUR OWN RISK! (WILD AND EXPLICIT SCENES ARE PROHIBITED FOR YOUNGSTERS!) Walang ibang nais si Atasha Revamonte kundi makaranas ng tunay na pagmamahal mula sa taong nais niyang makasama habang buhay. Akala niya ay maligaya at masaya ng buhay ang sasalubong sa kaniya pagdating niya sa Paso De Blas. Akala niya ay langit ang kaniyang mararanasan sa piling ni Marco Madrigal na lalaking kaniyang mahal. Ngunit nagkamali siya. Impiyerno pala ang naghihintay sa kaniya at pagmamalupit ang mararanasan niya sa mga kamay nito. Paano matatakasan ni Atasha ang pamilyang pinagmalupitan siya sa loob ng isang taon? At paano pababagsakin ng dalaga ang pamilya Madrigal na siyang sumira sa buhay niya at sa kaniyang buong pagkatao?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Dela Vega Series: Troublemaker

Dela Vega Series: Troublemaker

Sa pagbalik ni Ariana ng Pilipinas muli niyang makakaharap ang cold, playboy at distant niyang nakatatandang kapatid, si Brian Gil. Ang kapamilyang bukod tanging hindi malapit sa kanya. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makuha ang loob ng nakatatandang kapatid at maging malapit dito. Ngunit, paano kung sa paghahabol niya sa affection nito ay higit sa inasahan niya ang handang ibigay ni Brian? Tanggapin kaya ito ni Ariana? O hahayaan na lang ang relasyon nilang bumalik sa zero?
Romance
4.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status