Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10120.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Maging Akin

Muling Maging Akin

R-18!! Napagkasunduan ni Rayn Jasper at Arym Zchrynne “MaiMai” na magsama bilang mag-asawa sa loob ng isang taon matapos ay maghihiwalay kapag hindi nila natutunan mahalin ang isa't-isa. Kapwa sila brokenhearted nang mga panahon na iyon.  Balak sana sorpresahin ni MaiMai si Jasper tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit kabaligtaran ang nangyari. Si MaiMai ang na sorpresa nang iabot sa kanya ni Jasper ang annulment paper na pirmado na nito. Kahit nasasaktan ay pinirmahan niya ang papel at umalis kinabukasan ng walang paalam. Pinangako ni MaiMai sa sarili na kailanman hindi niya ipapaalam sa dating asawa ang tungkol sa anak nila hanggang sa kanyang huling hininga.  Makalipas ang pitong taon, napilitan bumalik si MaiMai sa Pilipinas dala ng kanyang trabaho bilang secretary ng isang CEO sa Singapore na isa rin niyang matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni MaMai na ang kliyente nila ay ang dating asawa.  Paano kapag nalaman ni Jasper ang tintagong lihim ng dating asawa? Muli ba silang magkakabalikan o mas lala lang ang sitwasyon? 
Romance
1061.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Jhennie Myler
Isang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Seventh Wife

The Billionaire's Seventh Wife

Naging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya. "Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako." Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa! At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing... "Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••
Romance
1030.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
426 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Cold Ex-Wife

The CEO's Cold Ex-Wife

Matindi ang pag-ibig ni Bella kay Jace na nauwi sa pamimikot. Ang pangarap niya ay naging bangungot. Hindi sapat ang pagmamahal niya para tumagal ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Iniwan siya nito sa kabila ng pagmamahal at patitiis niya. Gumuho ang mundo niya nang umalis ang binata at ipagpalit siya sa babaeng talagang mahal nito. Makalipas ang limang taon ay bumalik si Jace upang gampanan ang tungkulin nito bilang CEO ng kumpanyang pag-aari ng pamilya. Kagaya ng inaasahan ay galit pa din ito sa kanya. Pagdating ng binata ay inabot nito ang annulment papers na agad niyang pinirmahan. Kung kailan masaya na siya sa buhay niya ay tsaka naman ito nanggugulo. At ang offer nito to be his bed partner shocked her the most. Ngunit wala na siyang balak magpauto dito. Kahit pa wala namang nabago sa damdamin niya. Mahal na mahal pa din niya ito, noon at ngayon. Kung hanggang kailan ay hindi niya alam. Isa lang ang nagbago, magaling na siyang magtago ng damdamin ngayon. Pwede naman niya itong patuloy na mahalin ng siya lang ang nakakaalam.
Romance
1022.9K viewsOngoing
Show Reviews (9)
Read
Add to library
Mayfe de Ocampo
Madam A maganda sana ang story na to kulang lang po sa update compare sa ibang storyline na nababasa ko daily may update,instead tutukan mo ang story katagalan mawawalan ka gana, bigyan mo sana ng pansin concern ng mga avid readers mo...ty
Maria Bonifacia
Dear Lovely readers, heto po ang ibang books ko: 1. The CEO's Cold Ex-Wife - On-going 2. Love for Rent - Completed 3. The Ex-Convict Billionaire - Completed 4. Unlove Me Not - Completed Kayo po ang aking inspirasyon sa pagsulat. Taos puso po ang aking pasasalamat. Enjoy reading!
Read All Reviews
The Contract Wife

The Contract Wife

The soon-to-be King, Neil Gabriel J. Rashid-Al, was called by his father King to go home to their country after 7 years of jumping from one country to the other one pero sa ibang kadahilanan ay hindi pa siya ready na bumalik, at dahil may past siya na ayaw niya balikan sa Dubai. And so, para takasan ang nakaraan niya ay humanap siya nang babae na papayag maging wife niya at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakita niya ang katulong na naglilinis ng bahay niya, her name is Wendy at laki ito sa hirap. Meanwhile, Wendy Lee saw her boss for the first time dahil whenever she come to his house to clean he was out and doing his business. But that day was different and because of circumstances ay pumayag siya rito na maging contract wife kahit na hindi nila kilala ang isa’t-isa nang husto. Soon, they fly going to Dubai and the family Rashid-Al were all got surprised by their news, especially his elder sister who knows everything about him. Ang tanong...will the soon-to-be King, Neil, take the throne and be willing to be true to himself, or will he hide and stick to his plan? But what will happen if the past meets the future? What side is he going to take?
Romance
105.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
34
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status