Share

Chapter 19

KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor.

Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor.

"Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana.

Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?"

Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status