Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE LINK

THE LINK

Chi Jads
Isa lamang ang nais makamit ni Saxira at iyon ay ang mahanap niya ang pumatay sa kaniyang lola matagal na panahon na ang nakalilipas. Siya ay mayroong espesyal na kakayahan at iyon ay ang nakikita niya ang mga taong mamamatay sa pamamagitan ng kaniyang mga panaginip. Bukod pa rito, nakikita rin niya ang mga sundo ng kamatayan o tinatawag na soul reapers. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang cold at masungit na soul reaper na si Xyu. Isang link na sumpa ang nag-uugnay sa kanilang pandama. Dahil sa sumpang ito, nag-desisyon sila na humanap ng paraan kung paano ito mapuputol ngunit ito pala ay magiging susi upang matuklasan ang mga krimeng naganap ilang taon na ang nakalilipas. Isang mapait na krimen na magbibigay linaw sa kanilang tunay na pagkatao. Sino nga ba talaga sila at ano ang kanilang nakaraan sa likod ng krimen na kanilang matutuklasan?
Mystery/Thriller
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Sweetest Addiction (Tagalog)

His Sweetest Addiction (Tagalog)

SulatniMiss E
Si Samantha ay isang napakaganda at inosenteng babae, na may matagal nang kasintahan, na si Liam. Gayunpaman, biglang dinurog ni Liam ang kanyang puso, na naging dahilan upang gumuho at miserable ang kanyang mundo. Wala siyang kahit na anumang ideya kung bakit ginawa ito ni Liam sa kanya. Isang kasintahan na minsang nangako sa kanya at napalitan ng walang pakialam at walang puso. Ngunit nang magkrus muli ang kanilang landas, naadik na siya sa kanya. Bumaliktad ang mundo ng dalawa. Naging sobrang possessive niya sa kanya, na kahit isang kaibigan ni samantha na tumingin sa kanya na parang bihirang brilyante, magseselos siya. To the point na gusto na niyang ilibing lahat ng lalaking sumusulyap lang kay samantha. **** "Huwag kang magkakamali, kung ano ang akin ay akin lamang. Kaya kong gawin kahit anong gusto ko. Kung sino man ang gustong magnakaw sa aking pinakamamahal na babae ay dadaan sa galit na aking dadalhin." Galit niyang sabi.
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
819 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
10873 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Casanova CEO want's me

The Casanova CEO want's me

Isang simple at introvert na probinsiyana at isang guwapong playboy at may ari ng isang malaki at sikát na kumpanya, ang nagtagpo ang mga landas. Bagaman hindi pansinin at mababa lang ang kanyang pinaggalingan, hindi inaasahan ni marigold na matitipuhan siya ng isang Chardon Atanante. Ngunit dahil nalalaman niyang playboy ito at halos araw araw kung magpalit ito ng nobya ay hindi na umasa at nag assume pa si marigold. Kahit na a attract pa siya dito ay hindi na lang niya pinapansin ang kanyang nararamdaman at ipinagkikibit-balikat na lang niya ito. Ngunit, paano kung ang mapag dominang CEO ay ipagpilitan ang kanyang sarili kay marigold at ituring siya na parang pag aari na siya nito, may magagawa kaya si marigold? Ipagtatabuyan ba niya ito? "Everything in this company are mine, including you! Kaya pirmahan mo na 'tong contract to make you legally mine." — Chardon💕
Romance
1043.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Marrying My Ex-boyfriend

Marrying My Ex-boyfriend

Si Tianna Sloane David ay isang guro at mapagmahal na anak sa kanyang nanay na may sakit kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang ina kahit pa ang hiwalayan noon ang pinakamamahal niyang ex-boyfriend na si Lev Nimuel Gray Makalipas ang maraming taon ay muling nagkrus ang landas nila. Gusto na sanang kalimutan ni Tianna ang nakaraan ngunit tila may pumipigil sa kanya at palagi pa rin siyang inilalapit kay Lev nang utusan siya ng principal sa pinagtuturuan niyang school na kumbinsihin si Lev na mag-invest sa school nila. Sa gitna nang pagkukumbinsi niya kay Lev ay may unti-unting umuusbong na damdamin… mas mapusok… ngunit nanlamig ulit nang malaman ni Tianna na may anak na si Lev... Pero paano kung kailangang pakasalan ni Tianna ang ex-boyfriend niya na si Lev dahil sa matinding pangangailangan sa pera?
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Hidden Son

The Billionaire's Hidden Son

Tashi, a quiet and smart lady, needed money for her school expenses. Wala siyang ibang makapitan kaya naman kinailangan niyang kumapit na lang sa patalim. Kaya naman siguro niyang sikmurahin ang isang gabing pagsayaw sa harap ng isang matandang bilyonaryo. Kahit sandali lang. Saglit lang at tapos na ang kalbaryo niya. Balik na ulit sa normal na buhay na mayroon siya. Pero paano niya magagawa 'yon kung ibang kwarto ang napasok nito? And worst, nakabuo pa talaga ng batang lalaking tuluyang nagpagawa sa buhay na mayroon siya! Pagkalipas ng limang taon, isa na siyang ganap na flight attendant subalit paano niya mga ba maitatago pa ang kanilang anak sa kaniya kung ito ang may-ari ng ilang tanyag na airline sa industriyang pinasukan niya?
Romance
618.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.825.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3233343536
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status