Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeful Love

Vengeful Love

Pag-ibig o Paghihiganti? Ano kaya ang mas mangingibabaw sa puso nina Vladimir Barameda at Lyka Mendoza pinagtagpo nga ba sila ngunit hindi itinadhana? Si Lyka ay nagtatrabaho bilang executive assistant ng ama ni Vladimir na si Henry ngunit hindi lamang siya basta assistant nito may lihim silang relasyon. Hiwalay na sa asawa si Henry kaya naman unang kita palang niya kay Lyka ay nabighani na siya rito. Hindi pag-ibig ang pundasyon ng kanilang relasyon pareho silang aware sa bagay na ito sadyang maganda lang ang kanilang pagsasama pareho silang may pakinabang sa bawat isa kaya naman namuo ang kanilang malayang relasyon ngunit tutol dito ang anak ni Henry na si Vladimir dahil pilit niyang iminumulat ang isipan ng ama na pera lang nito ang habol ni Lyka sa kanya. Walang alam si Vladimir sa tunay na relasyon ng kanyang ama at Lyka. Lahat ay gagawin niya para magkahiwalay ang dalawa. Pagkamuhi ang nararamdaman niya kay Lyka ngunit mahahaluhan ito ng pagmamahal na hindi niya kayang aminin at tanggapin. Ganun din si Lyka na labis ang poot kay Vladimir dahil sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya lalo na sa kanyang trabaho. Sa pagkamatay ng ama ni Vladimir ay lalo siyang mamumuhi kay Lyka dahil sa paglilihim nito ng sakit ng ama. Malaking halaga ng kayamanan ang iiwan niya kay Lyka na labis na ikinagalit ni Vladimir. Makukuha lamang ni Vladimir at Lyka ang naiwan na kayamanan ni Henry sa kondisyon ni Henry na kailangan nilang magpakasal at mag sama bilang mag asawa sa loob ng limang taon. Isang pagsasama na nababalot ng pag-ibig at labis na pagkamuhi
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
TEARS ARE FALLING

TEARS ARE FALLING

Phranceszqua143
Si Hanna Ryeo Gomes ay isang sikat na Fashion Designer kung saan ay pinarangalan siya bilang kauna-unahang Fashion Icon ng bansa na ilang beses manominate sa mga Fashion show, at ang mga gawa niya ay talaga nga namang tumatak at umani ng samot't-saring papuri at karangalan. Kung saan ay nagng malaki rin ang naitutulong nito sa pag taas ng sale at profit sa mga partner company niya. Sa kabila nito ay mas lalong kinilala nuon si Hanna ng mapabalita na ang major sponsor nito ay ang kanyang kaibigan na si KEN LEIGH STANFORD. Ang isang bachelor na Business Tycoon sa bansa na mayroong 100 billion networth. Sya ang ikalawang anak na tagapag mana na nag mamay-ari ng iba't-ibang negosyo sa iba't-ibang bansa. Gayunpaman, sa kabila ng katanyagan at karangyaan ay gagambalain sila ng masakit na nakaraan. Isang katotohanang mag papaguho sa natitira nilang Pag-asa.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
Romance
675 viewsOngoing
Read
Add to library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Slave Wife

My Slave Wife

Annaliza Benavidez BediaBillionaireDramaArrogant
Inalok ng kasal ni Glazer si Maureen hindi bilang asawa kundi bilang slave ninto upang maging kabayaran sa tulong na ibibigay niya sa ama ninto,ngunit ang kasal ay paraan lamang ni Glazer upang makaganti sa ama ni Maureen,nais niyang si Maureen ang magbayad ng lahat ng kasalanan ng ama ninto sa kanya,kaya't gagawin niyang lahat upang maiparamdam kay Maureen ang ganti ng pagkapoot niya,pahihirapan niya ito, hangga't maramdaman ninto ang sakit at pagdurusa na naranasan din niya ng dahil sa ama ninto. Ngunit lumipas ang panahon na nasasaktan na rin siya sa ginagawa niya kay Maureen at may parte sa puso niya na sumisigaw na mahal na rin niya ito at handa na siyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal ngunit sa paanong paraan dahil sa panahong iyon ay puno na ng pagkapoot ang puso ni Maureen para sa kanya at handa na siya nintong talikuran.
Romance
1042.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpected marriage with the cold billionaire

Unexpected marriage with the cold billionaire

Isang Ambisyosang Janitress ang patay na patay sa kanyang cold hearted na boss. Buong akala niya talaga ay hanggang imaginary boyfriend nalang niya ito ngunit, nag iba ang tadhana, simula ng mailigtas niya ang ginang sa elevator sa bingit ng kamatayan, to surprise ay ang ina pala ng kanyang crush na boss. Tinanggap niya ang offer na maging private nurse sa ina nito, at dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang simple na buhay. Mapa-ibig niya kaya ang isang Thiago Jaxx na ubod ng sungit? Oh magiging fantasya na lamang? At babalik sa pagiging Janitress kapag natapos na ang kanyang contrata.
Romance
475 viewsOngoing
Read
Add to library
A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!
Romance
8.883.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.95.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Nakalimutan sa Kamatayan

Nakalimutan sa Kamatayan

Dalawang buwan ng mamatay ako, napagtanto ng mga magulang ko na nakalimutan nila akong iuwi mula sa lakad nila. Naiinis na sumimangot at sumigaw ang ama ko. “Dapat siyang maglakad mag-isa mismo. Kailangan ba niya talaga itong palakihin?” Ang kapatid ko, na mayabang, ay binuksan ang chat namin at nagpadala ng emoji, kasama ng message. [Mamatay ka na dyan. Sa ganitong paraan. Kami ni Scarlet ang maghahati sa pamana ni Lola.] Wala siyang natanggap na sagot. Habang malamig ang ekspresyon, nagsalita ang nanay ko, “Sabihin mo sa kanya na kapag nagpakita siya sa kaarawan ng lola niya sa tamang oras, hahayaan ko na ang pagtulak niya kay Scarlet sa tubig.” Hindi sila naniniwala na hindi ako nakaalis ng gubat. Matapos maghukay ng malalim, nakita nila sawakas ang mga buto ko.
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status