Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
646 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Poison Kiss (Tagalog)

The Billionaire's Poison Kiss (Tagalog)

"Gumising ka sa katotohanan Hailey! Ako ang mahal niya at hindi ikaw, ginamit ka lang niya at ngayon na nandito na ako wala ka ng rason pa para manatili sa buhay niya." Hailey Dominique, is a college student. A kind diligent and simple girl. She will not abandon her dignity for money. At first, she was a little cowardly and restrained by her parents. Later, she become strong and stoop up from her family's oppression. She is the most distinctive girl. Killian Gabrielle 'KB' Neilsen, he is a billionaire He grow up in am upper class. He didn't know how to face and express his feelings especially when his fiancee leave him in their wedding preparation and then he promise to himself that he will not love and trust a woman anymore not until he meets Hailey. Paano kung isang iglap ay nainlove ka sa taong may mahal na iba? Paano kung isang kasunduan lang ang lahat ng meron sa inyo dalawan? Paano kung isang araw ay bumalik ang una niyang minahal? Susugal kaba o magpaparaya?
Romance
10137.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Talking To A Specter

Talking To A Specter

Si Averill Mae Fuentes ay hindi simpleng tao gaya ng karamihan. Nakikita, naririnig, at nahahawakan niya ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. Naging kaibigan niya ang isa sa mga kinatatakutan ng mga ito na kilala sa bansag na 'grim reaper'. Si Silas, sa kabilang banda ay isang multo, guwapong multo na kahit na si Averill na tao ay agad na napansin. Paano kung isang araw, ang guwapong multo ay humingi ng pabor sa kaniya? Matulungan kaya ni Averill ang guwapong multong ito? Paano kung mahulog ang loob ng isa sa kanila? Handa kaya syang malaman ang sikretong bumabalot sa pagkatao ni Silas o tuluyan itong magiging dahilan para layuan siya? Walang pinipili ang pag-ibig, ngunit paano kung sumibol ito sa pagitan ng multo at ng tao?
Paranormal
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Nadurog ang puso ni Analyn nang matuklasan niya ang relasyon ng nobyo niyang si Josh at ng matalik niyang kaibigang si Cristina ilang araw na lang bago ang kasal niya sa binata. And the worst of all, binaliktad pa siya ng dalawa at pinalabas na siya ang nagloko para hindi masira ang imahe ng mga ito. Brokenhearted, she went to a resort and spent one week there to pick up the broken pieces of her life. Sa pananatili niya sa resort ay nakilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki— si Romano Silerio. Dahil sa labis na pighati ay nagpakalasing siya sa resort hanggang sa nagising na lang siya nang sumunod na araw sa hotel suite ng binata, naked and feeling the soreness in between her thighs. It was when she realized that she had a one-night stand with the man! Ang buhay niyang dati nang magulo ay sadya pang nagimbal dahil sa pagdating nito sa buhay niya. At may pakiramdam siyang mas magugulo pa iyon lalo pa't muling pinagtagpo ang mga landas nila ni Romano pagkatapos ng mainit na gabing pinagsaluhan nila sa resort. May tiyansa pa bang bumalik sa normal ang buhay niya ngayong may isang proposition na inaalok sa kanya si Romano? "Don't stay broken because of what your cheater boyfriend did. Forget him and just marry me instead..." Would Analyn accept it?
Romance
1043.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Romance
676 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

"Sino ka para pigilan akong pumasok sa gusaling ito?" sabi nung babae. “Wala kang karapatang pumasok dito, patay ka sa isip ng asawa mo. Ako na ang mahal niya ngayon.” Sagot ng babae. “Babawiin ko ang akin. Hindi ako papayag na kunin mo lahat ng meron ang asawa ko.” Galit na sabi ng babae. Masaya ang mag-asawang Taylor. Isang araw ay nagbakasyon sila sa isang isla kasama ang kanilang magandang anak. Sumakay sila sa yate kasama ang kanilang Yaya. Sa hindi inaasahang pagkakataon bago sila makarating sa isla ay may masamang panahon, bumuhos ang malakas na ulan at humampas ang malalakas na alon. Sinubukan ng mister na iligtas ang kanyang asawa at ang kanyang anak ngunit dahil sa alon ay nabitiwan niya sila. Habang ang kanyang asawa at anak ay agad na tinulungan ng kanilang Yaya. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay bumagsak silang dalawa ng kanyang anak. Nahulog ang mag-ina, ngunit kumapit ang babae. Tinulungan siya ng Yaya na bumangon ngunit sinamantala ng kanyang Yaya ang sitwasyon dahil sa kanyang masamang intensyon. Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanyang amo na asawa, inalis niya ang kamay ng kanyang amo na asawa sa pamamagitan ng paghawak nito sa tubo hanggang sa mawala ito at tuluyang nahulog sa dagat ang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ng isang estranghero na mangingisda ang bata na umiiyak. Inakala ng lalaki na nag-iisang anak ang nandoon, kinuha niya ang bata ngunit paglingon niya ay nakita niyang walang malay ang ina ng bata ay nilapitan niya ito at tinulungan. Nang magising ang babae ay wala siyang naalala, hanggang sa naisipan ng dayuhang mangingisda na bigyan siya ng pangalan at sinabing asawa niya ito at anak nila ang bata. Paano niya maipaghihiganti ang kanyang karapatan bilang isang legal na asawa?
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

Si Beatrice ay niloko at ipinahamak ni Minda, ang dapat ay kanyang magiging biyenan. Dinala sya nito sa kwarto ni Marcus, ang tiyuhin ng kanyang fiance na noon ay nakawheelchair dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito. Napilitan syang pakasalan si Marcus upang mabawi ang dangal na nawala sa kanya. Ang inaasahan nyong miserableng mangyayari sa buhay nya mataposa maipakasal kay Marcus, ay kabaliktaran pala ng tunay na mangyayari. May tangi lamang syang problema sa kanilang pagsasama, si Marcus ay may sakit at mahina na. Ngunit isang araw matutuklasan nya ang isang sekreto ng kanyang asawa na ito pala ay palihim na nagpapagamot. Ito na kaya ang magiging umpisa ng kanilang perpektong pamilya o ito kaya ang magiging dahilan upang mas gumulo pa ang kanilang buhay.
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
7.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Arianne's Revenge

Arianne's Revenge

Simpleng buhay lang ang pangarap ni Arianne Arevalo. Mula sa simpleng pamilya na nangangarap na makaahon sa kahirapan na naging dahilan para iwan ni Arianne ang pinakamamahal na Palawan at lumuwas ng Cebu upang makapagtrabaho. Subalit hindi trabaho ang kaniyang natagpuan kundi isang kabaliwang tradisyon ng pamilya Del Fuego. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa? Bakit siya ang napili maging biktima? Cards is game of luck. Pero paano kung sa larong pusoy, lamang ang madaya? Sa bawat araw na muli siyang nabuhay sa ikalawang pagkakataon, walang ibang sinisigaw ang puso at isip niya.... Paghihiganti! Isang salitang itinatak na niya isip sampu ng kaluluwa niya! Hindi siya titigil hanggat di nakakamtan ang hustisya! Babawiin niya ang lahat ng dapat ay nasa kaniya. Hanggang saan aabot ang kaniyang paghihiganti?
Romance
106.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status