Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

Leon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan.
Romance
104.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Delivery Girl Billionaire's Husband

The Delivery Girl Billionaire's Husband

Pagkatapos makasaksi ni Andres Cavellana, isang bilyonaryong lalaki, ng isang krimen. Sumailalim siya sa witness protection upang hindi malagay sa panganib ang kaniyang buhay ngunit ayaw niyang magkaroon ng security guards, kaya naman nagsinungaling siya sa kaniyang lolo at sinabing may girlfriend siyang former secret service agent. Pumayag ang lolo niya, ngunit may isang kondisyon, kailangan niyang pakasalan ito at tumira sa private villa nila sa Batangas. Samantala, nalagay sa panganib ang trabaho ni Andy De Guzman na isang delivery girl rider ng maling package ang maipadala niya kay Andres. At upang hindi siya isumbong ng lalaki sa manager niya, para hindi mawala ang kaniyang trabaho, pumayag siya sa alok nitong kasal. Ngunit handa nga ba si Andy sa mga kakaharapin niya pagkatapos niyang pumayag sa alok nito? Kaya niya bang pigilan ang kaniyang pusong umibig kay Andres?
Romance
103.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1025.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Serendipity

Serendipity

SPG | Mature Content | R18 Nang magising si Leighana ay katabi na niya sa iisang kama ang isang estrangherong lalaki. Ngunit ang mas nakapagpa-hindik sa kanya ay ang malamang pareho silang hubad sa ilalim ng iisang kumot, ang isang kamay nito ay nakadantay sa isang dibdib niya habang ang mukha ay nakasiksik sa leeg niya. Kahit nananakit ang buong katawan ay pinilit niyang makaalis sa lugar na iyon ng walang ingay. Kasabay ang piping panalangin na huwag na sanang magtagpo ang landas nila ng estrangherong pinagkalooban niya ng isang bagay na kay tagal niyang iningatan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Paano kung abot-kamay lamang pala niya ang lalaking iniiwasan? Magagawa niya bang patuloy na iwasan ito kung pati sarili niyang puso at katawan ay tila alipin na rin nito? Lalo na at may isang bagay na siyang mag-uugnay sa kanilang dalawa.
Romance
1053.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The One Night Stand

The One Night Stand

This story has an adult activities that prohibited from minors 🔞 you can read this with your own risk. Ito ang kwento ng isang babae na niloko ng kan'yang kasintahan at ng isang lalaking na in love agad sa kan'ya nang una n'ya itong makita sa isang bar. Ang simula ng kanilang kwento ay nagsimula sa isang bar kung saan sila unang nagkasiping. Tunghayan ang kwento nila Frederick Santiago at Freya Fuentabella. Enjoy readings! Note: My work is not really perfect so expect those typological and grammatical errors inside sa story.
Romance
3.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Principal's Affair

The Principal's Affair

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
Romance
109.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Veil of Vows: Play The Billionaire's Game

Veil of Vows: Play The Billionaire's Game

The choice is bitter: kalayaan o legacy ng pamilya. Si Seraphina Elise Navarro, nag-iisang tagapagmana ng Navarro Company, ay nawalan ng lahat matapos malugi ang kanilang real estate empire dahil sa scam. Sa pag-asang mailigtas ang negosyo, lumapit sila sa VALECORP Industries, isang global powerhouse. Doon niya nakilala si Damien Alistair Vale, anak ng may-ari ng VALECORP—matalino, misteryoso, at may sariling layunin. Isang kasunduan ang naglapit sa kanila, pero isang damdamin ang unti-unting bubuo sa pagitan nila.
Romance
103.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Veil of the Billionaire's Child

Veil of the Billionaire's Child

Dahil gusto niyang tulungan ang kanyang pamilya at gamutin ang kanyang may sakit na ama, napilitan si Lia na sumali sa isang lihim na fraternity. Akala niya na ito ay isang mas mahusay na paraan upang kumita ng pera, ngunit hindi pala. Lalo na nang kinaladkad siya sa isang hindi pamilyar na kubo dahil sa paglabag sa initiation ng fraternity. Nakapiring siya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat, ngunit huli na. Nakuha ng isang estranghero ang kalinisan na pinaka-inaalala niya. At ang tanging bagay na magagawa niya nang gabing iyon ay tumakbo at takasan ang lahat ng maling desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngunit ang gabing pinabayaan niya ang kanyang sarili ay nagbunga. Hanggang sa nalaman niya na ang batang dinadala niya ay anak ng isang milyonaryo.
Romance
10249 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status