Loving For Mr. Billionaire

Loving For Mr. Billionaire

last updateLast Updated : 2025-03-07
By:  MsAuthorLovesU<3Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
316views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Paano mo ipaglalaban ang pagmamahal na minsan mo nang sinukuan? Lucky swore she’d never look back. Matapos ang isang mapait na hiwalayan, pinili niyang bumuo ng tahimik na buhay kasama ang anak niya—malayo kay Axel, ang lalaking minsan niyang minahal, pero siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila, at ngayon, hindi na lang puso niya ang nakataya—pati na rin ang buhay nilang mag-ina. Sa kabila ng galit at sakit, napilitan siyang tanggapin ang proteksyon ni Axel. Pero paano kung sa bawat araw na kasama niya ito, unti-unting mabura ang poot at bumalik ang damdaming pilit niyang nilabanan? Lalo na nang matuklasan niyang hindi pala siya kailanman iniwan nito—sa lihim na paraan, Axel had been protecting her all along. Ngunit bago pa niya mas maunawaan ang lahat, isang trahedya ang muling yumanig sa buhay niya—isang pagkakamali, isang maling akala, at isang pagdukot na naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. At sa gitna ng panganib, nakita niya ang isang Axel na handang isakripisyo ang lahat, kahit ang sariling buhay, para mailigtas siya. Ngayon, hawak niya ang pinakamahalagang tanong—bibitawan ba niya ulit ang lalaking hindi kailanman bumitaw sa kanya? Sa isang mundo ng lihim, galit, at pagsubok, kaya pa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na minsan nang nawala? O masyado nang huli ang lahat?

View More

Chapter 1

PROLOGUE:

Five hundred thousands

One million

"Sino ang bibili sa magandang binibining ito?!" tanong ng announcer sa mga kalalakihang nandito sa isang secret bar. Hindi ko maiwasang hindi yakapin ang sarili ko, nakasuot ako ng panty at bra. Sobrang lamig, maninigas na ata ang buo kong katawan dahil sa tindi ng lamig sa bar na ito.

Naghiyawan naman ang mga audience, marami ang nag-aagawan sa pagbili sa akin.

"2 million para sa babaeng yan!"

Tumaas ang balahibo ko ng makita ko ang taong bumibili sa akin, nakatutok ang spotlight sa taong 'yon. Isang matandang lalaki, kulubot ang mukha ang gustong bumili sa akin. Sana naman huwag ako mapunta sa matandang iyon.

" Wala na bang gustong bumili sa fresh naming binibini?" Pumikit ako ng mariin ng wala ng magtangkang magsalita sa mga- audience na nasa baba ng stage. Ito na nga, mabibili na ako ng matandang lalaking iyon. Para ko na atang lolo ang taong gustong bumili sa akin, nakakapaninding balahibo.

" Mr. Cruz, maaari mo ng kunin ang aming fresh na fresh na bini-"

"Ten Million!"

Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang Ten Million', hindi ako makapaniwala. Ang taong nagsabi no'n ay ang b-boss ko. Nananaginib lang ba ako? Sana ay sampalin ako ng katotohanan.

" Oh, may bago tayong panauhin. Sayang pero nabili na ang binibining gusto mong bilhin, ginoo."

" I dont care! Give it to me, bibilhin ko siya ng 10 million." Dahil sa sinabi ng binata kong Boss ay nagsibulungan naman ang lahat ng taong narito. Hindi naman magkamayaw ang puso ko, my gosh ten Million para sa isang katulad ko? Makakabili na ata ako ng mansyon sa halagang Sampung milyong piso. Pero sabagay, barya lang naman sa BOSS ko ang perang iyon. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ililigtas ako ng istrikto kong boss sa matandang lalaki na gustong bumili sa akin kanina.

"Congratulations, Mr. Smith. Maaari mo ng kunin ang babaeng gusto mo!" anunsyo ng announcer. May lumapit naman sa akin na isang babaeng waitress at sinabing sundan ko raw ang boss ko. Binigyan rin ako nito ng jacket upang ipangtakip sa katawan ko, laking pasasalamat ko naman dahil kahit papaano, maiinitan na ang katawan ko. Letse kasi ang madrasta ko, ibinenta ba naman ako sa nagbebenta ng mga babae sa mga mayayaman.

Nakaupo ako sa front seat habang nakayuko, nagmamaneho ang boss ko at hindi ko alam kung saan kami patungo. Ewan ko, pero nakaramdam ako ng takot sa binatang kasama ko ngayon, pakiramdam ko kasi ay kakainin ako nito anytime. I can't imagine na ibinibenta mo ang sarili mo sa mga lalaki Miss. Lopez. Ilan na kayang lalaki ang nakatikim na sa' yo?" naikuyom ko ang aking kamao. Imbis na mahiya ako sa boss kong ito ay nakaramdam ako ng inis, sa tingin ba nito isa akong kaladkaring babae?

" Hindi ako kaladkaring babae Sir Smith, kasalanan ito ng madrasta ko e. Kung hindi ba naman ako ibinenta sa mga sindikatong ‘yon edi sana wala ako sa sitwasyon ito," ngitngit ko.

"So? Hindi ka katulad ng nasa isip ko?" Tanong nito, pagkahinto ng kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tumango naman ako, bago ko binalingan ng tingin ang labas ng bintana. Napakunot ang noo ko, nakita ko ang isang puting bahay mula sa labas ng bintana. White house ito kung tawagin.

" Nasaan tayo Sir? Puwede bang umuwi na ako?' inaantok kong tanong. Hating gabi na rin kasi, wala pa akong pahinga buong araw. Linggo ngayon, at bukas lunes na. Papasok pa ako sa kumpaniya ng lalaking kasama ko ngayon. Isa kasi akong secretary ng binatang Smith na ito. Dahil nakapagtapos naman ako ng kursong business ay hindi na ako nahirapang makahanap ng trabaho.

Tumawa naman ito ng mahina na ikanakunot ng aking noo. " Kung papauwiin kita, ibabalik mo ba sa akin ang sampung milyong piso?" nakangisi nitong tanong. Ilang segundo ako na loading, ibig sabihin ba no'n ay may kapalit ang pagbili niya sa akin? "Come on, Miss Lopez. Hindi biro ang sampung milyon, mahirap kitain ang halagang 'yon. Kaya sa tingin mo ba walang kapalit ang pagbili ko sa 'yo at sa pagligtas ng buhay mo sa matandang 'gustong bumili sa 'yo kanina? dugtong pa nito.

"Paano ko mababayaran ang sampung milyon? Kahit siguro magtrabaho ako sa 'yo habang buhay ay hindi kita mababayaran," nakangiwi kong sabi. Nakaligtas nga ako sa matandang lalaki kanina, pero mas malaki pa ang problema ko ngayon.

"Simple lang."

"Ha? Anong simple lang sir Smith?" naguguluhan kong tanong.

"Be my sex- slave."

"Ha? Sex slave? Nasisiraan ka na ba ng ulo Sir Smith?!" bulyaw ko.

"Im serious, be my sex slave at magiging bayad ka na sa akin. Ako na rin ang magbabayad ng tuition ng kapatid mo hanggang sa makapagtapos siya.”

Huminga ako ng malalim. “Kung papayag ako, hanggang kailan mo ako magiging sex slave? Isang linggo? Isang buwan? Isang taon?” tanong ko rito. Siguro naman magsasawa rin ito sa akin, para sa kapatid ko gagawin ko ang lahat para makapagtapos siya ng pag-aaral. At para na rin matupad ko ang huling habilin ni Nanay noong nabubuhay pa siya. At kailangan ko rin matubos ang lupa at bahay namin, na ngayon ay nakasangla.

“Hangga’t hindi ako nagsasawa sa ‘yo, hindi matatapos ang kontrata mo sa akin hangga’t hindi ko sinasabi Miss Lopez.” Napanganga naman ako, ngayon ko lang nalaman na may ganitong side ang boss kong ito.

“Paano kung hindi ako pumayag?” tanong ko rito. Ewan ko sa sarili ko, pero may parte sa akin na huwag pumayag sa gusto niyang maging kabayaran ko. Hindi naman kasi ganoon kadali pumayag, katawan ko ang gagamitin ko rito para maipambayad sa lalaking ito. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend, at higit sa lahat hindi ko pa nararanasang makipagtalik. Birhen pa ako, sabi ko nga sa sarili ko ay magmamadre ako. Pero paano mangyayari iyon kung ibibigay ko ang kinaingat-ingatan ko sa boss kong ito?

“You have only to choicess. First you need to pay me after two months and second you will say ‘yes’ to what I said before.”

“ W-wala na bang ibang choicess? hirit ko. Inilingan lang naman ako nito, na siya ikinabagsak ng balikat ko. “K-k ung wala na, wala na akong magagawa kundi p-pumayag…”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status